|
||||||||
|
||
Huwag mangdamay sa masamang pag-uugali
HINDI katanggap-tanggap ang naging pahayag ni ACT-0FW Party List Representative John Bertiz III na naghahambing sa kanyang pag-uugali sa NAIA sa mga kababaihang mayroong buwanang regla.
Ayon kay Gabriela Women's Party List Representative Emmie de Jesus, walang problema ang pagkakaroon ng regla. Ang isyu, anang mambabatas mula sa Gabriela, ay kayabangan. Sa nakalipas na tatlong taon, anang problemadong mambabatas na si Bertiz, minsan sa isang taon lamang siyang dalawin ng regla.
Umiinit lamang umano ang kanyang ulo at napapasailalim ng stress.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Congresswoman De Jesus na hindi narapat makilala ang mga kababaihan bilang arogante sa bawat pagkakaroon ng regla. Huwag n asana umanong idamay pa ang kababaihan, dagdag pa ng kinatawan ng Gabriela.
Posibleng sampahan ng reklamo ng House Minority Bloc si Bertiz na kasapi nila sa House Ethics Committee kung walang ibang magrereklamo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |