![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Gasolina, tataas na naman bukas
TATAAS na naman ang presyo ng gasolina mula bukas. Ito na ang ikawalong linggo na kinakitaan ng pagtaas ng halaga bawat litro.
Sinabi na ng Flying V at Pilipinas Shell na pagtataas sila ng halaga ng krudo ng may P 1.35 bawat litro. Tataas din ang presyo ng gasolina ng piso bawat litro at kerosene ng piso at sampung sentimos.
Magtataas din ang Petro Gazz ng parehong halaga maliban sa kerosene. Wala pang pahayag ang ibang mga kumpanya ng gasolina. Noong nakalipas na linggo, nagtaas na ng 40 sentimos ang bawat litro ng gasolina, dalawampung sentimos sa krudo at sampung sentimos sa kerosene.
Mula sa P 51.55 hanggang P 65.35 bawat litro ng gasolina sa bansa samantalang mula P 44.30 hanggang P 53.55 bawat litro ng diesel at ang kerosene naman ay mula P 48.72 hanggang P 58.85 bawat litro.
Umaasa ang Department of Energy na magkakasundo ang mga kasapi ng Organization of Petroleum Exporting Countries na tugunan ang pangangailangan ng pandaigdigang pamilihan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |