|
||||||||
|
||
NAGKAROON ng pagbabago sa unang itinaya ng mga economic manager ng Pamahalaang Duterte dahil sa mga pagbabago sa loob at labas ng bansa. Ito ang maliwanag na sinabi nina Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, Finance Secretary Carlos G. Dominguez III, Budget and Management Secretary Benjamin Diokno at Monetary Board Member at dating Socioeconomic Planning Secretary Felipe Medalla.
Sa idinaos na briefing kanina sa Bangko Sentral ng Pilipinas, sinabi nina G. Diokno, Dominguez, Pernia at Medalla na umaasa silang makakamtan ang rentas na aabot sa P 2.8 trilyon na siyang 16.1% ng Gross Domestic Product sa pagkakaroon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) na nakaambag sa pamahalaan ng P 63.3 bilyon. Mas mababa ito sa inaakalang P 2.846 trilyon para sa 2018 dahil sa hindi pagpapatupad ng E-receipts at fuel marking sa ilalim ng TRAIN.
Umaasa rin silang makapaglalabas ng salaping aabot sa P 3.346 trilyon o 19.1% nf Gross Domestic Product. Nagmula ang adjustments sa original disbursement program na P 3.370 trilyon dahil sa updated revenue projections sa taong 2018.
Nagkaroon ng pagbabago sa medium-term macroeconomic assumptions mula ngayong 2018 hanggang 2022. Ito ay dahilan sa mga pagbabago sa loob at labas ng bansa dulot na rin ng mas mataas na presyo ng petrolyo, paghihigpit ng monetary policy ng mayayamang bansa at ang mas mataas na domestic inflation.
Umaasa rin silang sa pagkakaroon ng Rice Tariffication Program ay maibababa ang presyo ng bigas mula apat hanggang pitong piso.
Binanggit din nilang nabago ang GDP growth target range mula sa 7.0 hanggang 8.0% ay ginawa na lamang na 6.5 hanggang 6.9% para sa 2018 samantalang hindi binago ang growth targets para sa 2019 hanggang 2022.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |