![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Senador Sotto, nababahala sa paglalabas ng mga pangalan ng mga politikong sangkot umano sa droga
NABABAHALA si Senate President Vicente Sotto III sa panukala ng Dangerous Drugs Board na ilabas na ang talaan ng mga politikong sangkot sa illegal drugs.
Sa panayam, sinabi ng mambabatas na baka gamitin ang talaan upang siraan ang mga walang kinalaman sa illegal na kalakal.
Magugunitang dating chairman ng Dangerous Drugs Board ang senador. Ipinaliwanag ng senador na mas mabuting ituon ng DDB ang kanilang atensyon sa mga sindikato sa ibaba.
Nararapat lamang umanong suspendihin ng Department of Interior and Local Government ang mga sangkot na opisyal sa pamahalaang lokal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |