|
||||||||
|
||
Higit sa isang libong manggagawang nasa ibang bansa, pauuwiin na
UMABOT sa 1,470 mga mangagawang Filipino ang pauuwiin at tutulungan mula sa Al Khobar, Saudi Arabia matapos matanggap sa trabaho dahil sa problema ng kanilang construction company.
Ayon sa Department of Labor and Employment, nakatanggap ng impormasyon ang Overseas Workers Welfare Administration ng balita na nagtanggal ng mga manggagawa ang Azmeel Contracting Corporation matapos samsamin ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang mga ari-arian ng kumpanya.
Hindi rin nakabayad ng apat na buwang sahod ang kumpanya na nauwi sa protesta ng mga manggagawa.
Nagtungo sa Al Khobar si Labor Secretary Silvestro Bello III, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac at mga tauhan ng DSWD, DFA at maging DoH upang matulungan ang mga manggagawa.
Umabot na sa US$ 50,000 ang naipadalang tulong ng pamahalaan sa mga problemadong manggagawa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |