|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
1.8 kg ng patatas, tinalupan at ginayat nang malalaki
1 ½ na tasa ng mainit na whole milk
1 stick ng unsalted butter
½ tasa ng kinayod na Parmesan cheese
510 gm ng ekstrang sharp cheddar cheese, kinayod
5 scallions, ginayat nang manipis 1 kutsara ng black pepper
1 kutsarita ng asin
Paraan ng Pagluluto
Pakuluan ang mga patatas hanggang lumambot nang katamtaman. Pagkaraan, hanguin at patuluin.
Sa mahina-hinang apoy, painitan ang kaserola tapos ilagay ang mga piraso ng patatas. Ibuhos ang gatas deretso sa mga patatas tapos idagdag ang hiniwang butter. Ligisin o i-mash ang patatas kasama ang gatas at butter. Idagdag ang parmesan at cheddar cheese, paminta at asin.
Ituloy pa ang pagliligis hanggang tuluyang humalo ang cheese sa patatas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |