• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2003-10-15 19:33:18    
Nagpahayag ng pagbati ang komunidad ng daigdig sa matagumpay na paglulunsad ng ShenZhou V

CRI
Ayon sa CRI, ipinalabas ngayong araw ng GMA Network ng Pilipinas ang artikulo para iulat ang hinggil sa matagumpay na paglulunsad ng Tsina ng manned spacecraft “ShenZhou V”. Sinipi ng nasabing artikulo ang on-the-scene report ng mamamahayag ng Agency France-Presse at ang kinauukulang ulat ng XinHua News Agency ng Tsina.

Pinapurihan ng artikulo ang matagumpay na paglulunsad ng Tsina ng kauna-unahang manned spacecraft at anang artikulo na pagkatapos ng 11 taong pagsisikap ng manned flight project ng Tsina, ang matagumpay na paglulunsad na ito ay naglagay ng Tsina sa kasaysayan ng spaceflight ng daigdig.

Samantala, iniulat din ng pahayagang Siongpo, pangunahing pahayagan sa wikang Tsino sa Pilipinas ang hinggil dito.

Sa iba pang delelopment, nagpahayag ng buong-pusong pagbati sina Sean O’keefe, puno ng NASA ng E.U. at Yasuo Fukuda, pangkalahatang kalihim ng gabinete ng Hapon sa matagumpay na paglulunsad na ito.

Bukod dito, iniulat ng mga mass media ng Indonesya, Vietnam, Timog Korea, Brazil at mga iba pang bansa ang hinggil dito.