• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-02-18 21:42:10    
Pinabibilis ng Tsina ang reporma ng electric power system

CRI
Nabuo kamakailan sa Beijing ang 11 bagong kompanya ng koryente ng Tsina. Inihayag ng namamahalang tauhan ng may kinalamang departmento ng pamahalaan ng Tsina na ang kasalukuyang reorganisasyon at reporma sa electric power system ng Tsina ay naglalayung pabilisin ang pagpapabuti sa modernong sistema ng mga bahay-kalakal upang mabago ng mga kompanya ng koryente ang sistema ng kanilang operasyon at maitatag ang electric power system na tumutugma sa sosyalistang market economy.

Nitong kalilipas na ilang taon, naging mabilis ng pag-unlad ng industriya ng koryente ng Tsina, bagay na buong lakas na kumakatig sa sustenableng mabilis na pag-unlad ng pambansang kabuhayan. Ayon sa estatistika, ang installed capacity ng electric power ng Tsina ngayon ay umaabot na sa 338 milyong killowats na nakakapag-prodyus ng 1.48 trilyong kilowat-hour ng koryente taun-taon na pumangalawa sa buong daigdig.

Nguni't di kukunti ang problema sa pangangasiwa at operasyon ng industriya ng koryente, halimbawa, ang dating Pambansang Kompanya ng Koryente ng Tsina ay kumontrol sa 72% ng kabuuang electric power assets ng bansa at halos lahat ng sektor ng koryente ng bansa ay nasa ilalim ng monopolyo nito, bagay na nakakahadlang sa malusog na pag-unlad ng industriya ng koryente ng Tsina. Nang kapanayamin ng reporter ang namamahalang tauhan ng Pambansang Kompanya ng koryente ng Tsina na si Mr. Ni Jixiang hinggil sa reporma ng sistema ng industriya ng koryente ng Tsina, sinabi niyang nang mabanggit ang pangkalahatang target ng kasalukuyang reporma ng sistema ng koryente,

"Ang pangkalahatang layunin ng repormang ito ay sirain ang monopolyo, magkaroon ng kopetisyon, pataasin ang episiyensiya, pababain ang kapital, pabutihin ang alokasyon ng yaman, pabilisin ang pag-unlad ng serbisyo ng koryente, pasulungin ang pagsasa-internet ng buong bansa at bumuo ng electrc power system na magkahiwalay ang administrasyon at bahay-kalakal, pantay-pantay ang lahat sa kompetisyon at malusog at maayos na umuunlad ang mga bahay-kalakal."

Nagpahayag siya ng paniniwalang ang kasalukuyang reporma ay makapagpapasulong sa pambansang kabuhayan at makapagpapataas sa kakayahan-kompetatibo ng industriya ng koryente sa kabuuan.

Sa pulong bilang pagdiriwang sa pagkakabuo ng 11 kompanya ng koryente na nabanggit, inihayag ni Zeng Peiyan, ministro ng Pambansang Lupon ng Pagpaplano at Pagpapaunlad ng Tsina na masalimuot ang reporma ng electric power system, kaya dapat tapusin ang repormang ito nang yugto-yugto. Sinabi niya,

"Sa pagkakabuo ng bagong kompanya, dapat maging magkahiwalay ang administrasyon at pangangasiwa ng bahay-kalakal, maliwanag ang kani-kanilang tungkulin at ari-arian at dapat pangasiwaan ang bahay-kalakal sa siyentipikong paraan para matugunan ang pangangailangan ng modernong sistema ng bahay-kalakal."

Binigyan-diin pa niyang kasabay ng pagpapasulong ng reporma ng industriya ng koryente, dapat tiyakin na ang reporma nito ay hindi makakaapekto sa bilis ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan.

Ayon sa target at layunin ng reporma ng electric power sistem, tiniyak ng Tsina ang saligang paraan sa kopetetibong pag-unlad ng mga kompanya ng koryente ng bansa. Sinabi muli ni Mr. Ni Jixiang.

"Ang pangunahing tungkulin ng kasalukuyang reporma sa serbisyo ng koryente ay pag-hiwalayin ang power plant at ang power grid, reoganisahin ang mga bahay-kalakal ng power plant at power grid, magtayo ng bukas at may kompetisyong power market, isagawa ang bagong mekanismo ng pagtatakda ng presyo ng koryente at bumuo ng bagong mekanismo sa pagpapasigla sa pagpapaunlad ng malinis na pinagmumulan ng koryente."

Napag-alamang upang mapalakas ang superbisyon sa mga kompanya ng koryente, ipinasiya ng pamahalaan ng Tsina na bumuo ng Pambansang Lupon sa Superbisyon ng Serbisyo ng Koryente ng Tsina para siyang bumalangkas ng mga regulasyon ng operasyon ng pamilihan ng koryente ng bansa, magsuperbisa sa operasyon ng pamilihan at magpanatili sa makatarungang kompetisyon.