• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-05-29 15:52:23    
Nagsisikap ang pamahalaang lokal ng Qingyang Country para protektahan ang kapaligiran nito

CRI

Ang Bundok ng Niouhua na nasa Qingyang County ay isa sa apat na kilalang bundok ng butismo ng Tsina at isa ring bantog na matulaing pook. Upang maprotektahan ang kapaligiran ng bundok na ito, gumawa ang pamahalaang lokal ng malaking pagsisikap. Ayon sa ulat, ilang minahan na nasa matulaing pook ay sinarhan na at natamnan na muli ng mga puno't damo. Nang mabanggit ang gawain ng pagsasaayos sa kapaligiran sa matulaing pook, inihayag ni Mr. Ye Lihua, pangalawang puno ng Qingyang County:

"Habang isinasaalang-alang namin ang pagpapaunald ng kabuhayan sa lokalidad, nagbibigay kami ng malaking pansin sa posisyong heograpikal namin. Bilang isang matulaing pook, kasabay ng pagpapaunlad ng kabuhaya, ginagawang proyoridad ang proteksyon ng kapaligiran. Gusto naming maging isang malaking bayang pangkabuhayan at gusto ring maging isang bayang may magandang kapaligiran."

Ayon sa opisyales na ito, sagana ang bayang ito sa mga mina. Ang calcite ay isang mahalagang mina para sa produksyon ng simento at ang pagmimina ng calcite ay naging isang malaking growth point ng kabuhayan ng Qingyang Count. Nguni't ang pagmimina nito ay nagdudulot ng di kakaunting problema sa lokalidad. Ang nayon ng Nanyang ay isang lugar na kinikitaan ng pinakamalaking diposito ng mina ng calcite sa buong Qingyang Couny. Sa tabi ng isang isinasaayos na maliit na minahan ng calcite, sinabi ni Mr. Ning Jinyuan, puno ng nayon:

Mula noong l994, sinimulan na ang pagmimina ng Nayon ng Nanyang ng calcite at hanggang noong taong 2000. may 38 pribado at kolektibong minahan ang nagmimina sa loob ng Nayan, bagay na nagdudulot ng di kakaunting kapinsalaan sa kapaligiran."

Upang malutas ang nabanggit na mga isyung dulog ng pagmimina ng calcite, nagpasiya ang pamahalaan ng Qingyang County na isaayos ang pagmimina. Mula noong 2001, nagsimula na ang gawain ng pagsasaayos sa mga minahan upang proteksyon ng yamang panturista sa lokalidad kasabaky ng pagpapaunlad ng ekonomiya. Una, nireorganisa nila ang mga mihana. Ang mahigit 40 minahan ay pinagsanib na naging 10 at kasabay nito, pinabubuti nila ang teknilohiya para mapataas ang episiyensia ng produksyon. Sinabi ni Mr. Ye:

"Sa unang hati ng taong ito, 76 na minahan ang sinarhan na nakakalat sa mga pangunahing matulaing pook. Mahirap talaga ang gawaing ito. Dahil malaki ang kapinsalaang dulot nito sa mga may-ari ng minahan. Nguni't alang-alang sa pangmalayuang kapakanan sa lokalidad, ipinasiya naming magsagawa ng mga hakbangin para isara ang mga minahang ito at nagbigay kami ng takdang kompesasyon sa mga may-ari ng mga minahang ito"

Ang mga hakbanging ito ay kinakatigan ng mga mamamayan sa lokalidad at ang mga may-ari ng mga minahang sinarhan ay nagpahayag ng pagkaunawa sa kapasiyahan ng pamahalaan. Sinabi ni Mr. Chen Xiudong, may-ari ng isang sinarhang minahan:

"Tatlong taon na ang pagmimina ako at ngayon, sinarhan na ang aking minahan. Siyempre, ang kapakanan ko ay napinsala, nguni't ang aksyong ito ng pamahalaan ay nakakabuti sa proteksyon, angkop na paggagalugad at paggamit ng yamang-mina, kaya kinakatigan ko ang aksyon ng pamahalaan."

Salamat sa ginagawa ng pamahalaan ng Qingyang County, ang kapaligiran ng kabuhayan at kalikasan sa lokalidad ay isinasailalim sa epektibong proteksyon at bumubuti nang bumubuti ang kapaligirang natural. Dahil dito, maraming mangangalakal sa loob at labas ng bansa ang pumaroon sa Qinagyang para mamuhunan.

Ang Imerys ay isang kompanyang Pranses. Ipinasiya ng kompanyang ito na mamuhunan sa Qingyang County noong 2001 at hanggang sa taong 2003, ang pondo nito ay umabot sa 50,000 dolyares. Naitayo na nito sa lokalidad ang tatlong production line na nakakaproseso ng 70.000 toneladang calcite isang taon.

Kasunod ng pagpasok ng mga kompanyang dayuhan, ang produksyon ng industriya ng mina ng Qingyang County ay nagiging istantard at unti-unting tumahak sa landas ng koordinadong pag-unlad ng kabuhayan ng kapaligiran sa lokalidad.