• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-06-04 22:09:06    
Yibin-- "capital of liquor" ng Tsina

CRI
Ang Yibin na matatagpuan sa lalawigang Sichuan sa timog kanlurang Tsina ay isang lunsod na may maraming pambihirang katangian.

Para sa mga karaniwang Tsino, ang katagang Yibin ay kumakatawan sa Wuliangye, isa sa pinakakilalang alak sa Tsina na may mahigit 600 taong kasaysayan.

Dahil sa ganitong kaugnayan, ang Yibin ang siyang pinakamalaking base ng produksyon ng alak sa Tsina at kilala sa tawag na "capital of liquor".

Ang Yibin ay siyang kauna-unahang lunsod sa upper reaches ng napakalaking Ilog Yangtze, duyan ng sibilisasyon ng Tsina. Ang pangalang ng Ilog Yangtze ay nanggaling sa isang lunsod na nasa sugpungan ng ilog Minjiang at ilog Jinsha.

Ang ilang gusali naman sa kahabaan ng Ilog Yangtze, na itinayo noong panahon ng Qing Dinastiya (1644-1911) at noong unang dako ng nakaraang siglo ay halimbawa ng sinaunang teknik ng pagtatayo ng gusali.

Matagal nang sinisikap ng mga arkeologo na malaman kung sino ang naglagay ng mga kabaong ng mga mamamayang Bo sa matatrik na dalisdis ng mga banging may taas na 26 hanggang 200 metro at kung bakit ginawa nila iyon.

Ang Yibin ay tahanan na ng mga mamamayang Bo bago pa man sumapit ang Qin Dinastiya (221-206 BC). Naniniwala ang mga arkeologo na mas marami ang nakasabit na kabaong sa Yibin kaysa sa alinmang lugar sa daigdig.

Naakit ang mga geologist sa pitong buong lote ng kahanga-hangang gubat na bato at sa mahigit 260 mahiwagang underground karst cave sa Yibin.

Ang lunsod na ito ang may pinakamalaking stone funnel sa mundo at may mahigit 50 underground karst cave, na bawat isa'y may lawak na mahigit sa 10,000 metro kuwadrado.

Para sa mga mananaliksik na interesado sa kultura at kaugalian ng mga mamamayan minorya, ang pinakamalaking komunidad ng mga mamamayang Miao ng Sichuan ay matatagpuan sa Yibin. Pinananatili ng mahigit sa 30,000 mamamayang Miao ang kanilang natatnging kaugalian at kasuotan.

Ang lunsod na ito sa gawing timog ng Sichuan ay kilalang kilala ng mga turista dahil sa 120-kilometro kuwardradong kawayanan nito, na kilalang kilala sa tawag na Bamboo Sea sa katimugang Sichuan.

Dahil sa labis na paghanga niya sa napakalawak na kawayanan, sa kanyang tula, inilarawan ito ni Huang Tingjian, kilalang makata noong panahon ng Northern Song Dinastiya (960-1127) bilang "mga alon ng kawayan" na siyang pinagmulan ng kasalukuyang pangalan nitong "Bamboo Sea".

Umaabot mula Changning hanggang Jiang'an, dalawang bayang nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Yibin, ang Bamboo Sea ang siyang pinakamalaking primeval bamboo park sa Tsina. Ito'y may 300 species ng kawayan at isa ito sa 10 pinakamalaking natural scenic spot sa Tsina.

Ang mga kawayanan ay binubuo ng 500 burol ng kawayan na may mga lawa, batis at talon.

Ito'y may taunang pangkaraniwang temperaturang 16 degrees centigrade at may taas na mula 400 hanggang 1000 metro.

Napakasarap ng pakiramdam ng mga tao sa paglalakad sa kahabaan ng isang koridor ng malalagong kawayan na may 10 metrong taas.

Tila nakakapagod ang paglalakad nang malayo, pero para sa mga turista, ang pamamasyal sa Bamboo Sea ay kasiya-siya dahil sa umiiral ditong katahimikan at napakagandang kapaligiran.

Tanging mga huni lamang ng ibon, lagaslas ng mga sapa at tunog ng sarili nilang yabag ang maririnig nila. Makakakita rin sila ng mga talon na ang lagaslas ng tubig ay tumatama sa malalaking bato na lumilikha ng mga malakristal na tilamsik ng mga butil ng tubig.

Habang nasa kawayanan, makakatagpo sila kung minsan ng mga bahay kubo ng mga magsasaka roon. Puwede silang magpahinga roon, uminom ng tsaa at kumain at puwede ring magpalipas doon ng gabi malapit sa sapa. Sa kanilang pag-alis, makakabili sila ng ilang produktong lokal na gaya ng pinatuyong karne.

Makakakita rin sila ng dalawa o tatlong puno ng kawayan na malusog na tumutubo sa makipot na pagitan ng dalawang malaking bato. Ang mga usbong ng kawayan ay nakalalagos sa malalaking bato at naibubuwal ang mga bato kapag lumaki na ang mga ito, ayon sa mga tagaroon.

Ang isang usbong ng kawayan anila ay maaaring tumubo ng kalahating metro bawat araw sa ilalim ng angkop na kalagayan.