• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-06-23 15:07:23    
Ang Beihai Park (Huling Bahagi)

CRI

Hindi maiiwasang makita ng mga first-time visitorsa ng hilagang pampang ng lawa, na naaabot sa pamamagitan ng bangka o gabara. Ang sight No.1 ay ang Five Dragon Pavilion, na kinabibilangan ng limang kaakit-akit na pavilions na may matulis na bubong at palantik na sulambi. Nakausli sa tubig ang mga ito at pinag-uugnay-ugnay ng mga batong tulay. Sa kaunluran ng Five Dragon Pavilion ay makikita ang sight No.2—ang Little Western Skies na kilala bilang pinakamalaking pavilion sa Tsina. Ang sight No.3 naman ay isa ng harding botanikal kung saan makikita ang mga bulaklak at palumpong na may kahalagahang medicinal o ekonomikal. Minsa'y nakatayo dito ang Ten Thousand Buddhas Tower. Nawala rito ang lahat ng mga goldfoil Buddha Statues nang sumalakay ang walong makapangyarihang imperyal sa Beijing noong 1900. Sa bandang huli, ang toreng ito ay nagsimulang humapay at tuluyang gininba. Ang Sight No.4 sa gilid na ito ng lawa ay ang kilalang Nine Dragon Screen. Ang 2 gilid na yari sa makintab na laryong tabing na ito na limamg metro ang taas, 27 metro ang lapad at 1.2 metro ang kapal ay magkatulad. Sa bawat gilid ay makikita ang makaumbok na disenyo ng siyam na dragon sa pitong kulay. Ang mga dragon ay inilalarawang naglalabanan at nagbibiruan sa ulap sa ibabaw ng asul na dagat. Ang 2 siglo ng pagkabilad sa iba't ibang elemento ay hindi nakapagpabago sa kulay o kintab ng kahanga-hangang obrang pansining na ito.

Ang Jade Islet ay nakakabit sa timog pampang ng lawa sa pamamagitan ng isang batong tulay na isa sa iilang natirang istruktura ng Yuan Dynasty. Sa labas ng timog na tarangkahan ng Beihai Park ay matatagpuan ang Circular City, na tiyak na makakaakit sa mga bisita sa dahilang sentro ito ng dating lungsod ng Yuan Dynasty.

Sa simula, ang Circular City ay isa sa mga tatlong islet sa lawa, pero sa bandang huli, ikinabit ito sa kalapit na lupa. Kung titingnan sa labas, ito ay mukhang isang bilog na lungsod na sinlaki ng bahay ng manika at napapaligiran ng napakataas na pader. Sa katotohanan, ang pader na ito ay nakapaligid sa isang platapormang limang metro ang taas at bahagyang nakatunghay sa Beihai Lake. Makikita sa platapormang ito hindi lamang mga bulwagan at pavilion kundi mag pine trees at cypress trees na daang taon ang tanda.

Ang pangunahing atraksyong istruktural dito sa Beihai Park ay ang Hall of Receiving Light na ang arkitektura ay napakamasalimuot at talagang bukod-tangi kahit na sa Tsina. Ang lahat ng mg barakilan at liston ng bulwagang ito ay kinalalagyan ng estatuwa ng isang nakaupong Buddha na 5 piye ang taas at nililok sa isang piraso ng pure white jade. Ipinproklama ng ibang mananalaysay na ang makinang na relikyang ito ay inangkat mula sa Burma noong panahon ni Emperador Guang Xu ng Qing Dynasty, proklamasyong hindi pa napapatotohanan.

Ang isa pang kayamanan dito ay iyong sinaunang tapayan na yari sa isang malaking piraso ng dark jade. Ang tapayang ito, na 4.5 piye ang diyametro at 2 piye ang taas, ay may inukit na desenyng akwatiko sa buong katawan. Ang mga dragon, sea horse at isda ay inilalarawang lumulukso, naglalaro at nag-iingay sa maalong dagat. Ayon sa mga tala, ginawa ang tapayang ito noong 1256 at may lamang alak ni Mongol Emperor Kublai Khan. Nang magiba ang gusali ng palasyo, nawala ang tapayang ito at sa paanumang paraa'y nakuha ng mga Taoist priest na gumamit dito bilang tapayang pang-astrara. Nang pasimulan ni Emperador Qianlong ang rekonstruksyon ng Beihai Park, noon lamang natuklasan ang kinaroroonan ng tapayang ito at naibalik sa Beihai. Inilagay ito sa isang pavilion sa sentro ng Circular City kung saan makikita ito ngayon.

Kaakit-akit din ang 2 pine trees sa Circular City. Pinagkalooban ni Emperador Qianlong ang isa ng titulo ng marquis para sa pagbibigay nito ng lihim sa kanya. Sa simula, hugis-payong ito, pero ang isang makapal na niyebe ay ikinawala ng 2 sa mga sanga nito noong 1959. Tinukuran na ngayon ang lahat ng mga natirang sanga. May isa pang white-bark pine na nakataas sa 30 metro. Katulad ng marquis, mayroon din itong 800 taong gulang.