Sa isang maaliwalas na araw, napapunta ang aming reporter ng CRI sa Pinggu, isang distrito ng Beijing at nakita niya mismo ang magandang tanawin ng mga hitik sa bungang puno ng peach. Nalaman doon ng reporter na ang dagat ng mabubungang puno ng peach ay hindi lamang nagpapaganda sa kapaligiran ng mga naninirahan doon, kundi nagpapayaman pa sa kanilang pamumuhay.
Nakatagpo ng reporter ang isang magsasakang nagngangalang Wang Zheshun. Sinabi niya sa reporter na ginagamit niya ang biolohikal na paraan sa pagharap ng mga masasamang kulisap sa halip ng abonong kemikal at pamatay-kulisap, kaya ang peach niya ay magandang tingna't masarap.
"Ginagamit ko ang mga mabubuting kulisap sa pagharap sa mga masasamang kulisap at hindi ako gumagamit ng pamatay-kulisap sa pag-aaruga sa mga puno ng peach ko. Sa gayong paraan, ang mga bunga ay ligtas sa paninira ng mga insekto at maganda ang kulay at masyadong matamis."
Nagtatamin ngayon sina Wang Zeshuan ng mahigit 500 puno ng peach at kumikita sila ng mahigit 70.000 Yuan. Nagpasiya si Wang Zeshuan at ang kanyang asawa na patuloy na magtanim ng mga puno ng peach sa hinaharap.
Ang asawa niya ay nagngangalang Wei Jinfeng. Sinabi niyang gustong gusto niyang magtanim ng peach, dahil malaki ang kinikita nila sa pagtatanim ng punong ito. Anya, ang pagtatanim ng peach ay mas maganda sa ibang ikabubuhay.
"Ayaw kong lumuwas para magtrabaho. Kung magtatrabaho ako para sa iba, marami ako limitasyon, nguni't dito sa aking sarili, malaya ako at walang anumang limitasyon at saka malaki ang kita ko. Maliban sa pagtatanim ng peach, nagtatanim din ako ng mga gulay at sa gayon, kumikita kami ng mga 90.000 Yuan isang taon"
Sinabi ni Wei Jinfeng sa reporter habang itinuturo ang isang malaking plastic shield greenhouse na sa pamamagitan ng greenhouse na ito, nagtatanim sila ng peach nang wala sa panahon. Mahihinog na ngayon ang mga bunga ng puno ng peach. Sigurado siyang kikita sila nang malaki dahil ngayong panahon ay out of season pa ang peach.
Sa loob ng greenhouse, nakita ng aming reporter ang mga panauhing galing sa kalunsuran. Sinabi ni Mr. Zhang Chuanhai na sinamantala niya ang bakasyong pantagsibol para mag-injoy ng pamimitas ng mga peach doon sa peach-yard ni Wang Zeshun.
"Magandang maganda ang pakiramdam ko ngayong araw. Noon, bumibili lamang kami ng peach sa palengke at ay hindi ko pa naranasan kahit minsan na kumain ng pe43ach na pinitas ko mismo sa puno. Ang pakiramdam na ito ay hindi kailanman naranasan sa loob ng lunsod. Isa pa, ang hangin dito ay sariwang sariwa na hindi ko rin naranasan noon"
Tinatanggap taun-taon nina Wang Zeshuan ang maraming panauhing galing sa kalusuran na gaya ni Mr Zhang Chunhai. Sa panahong ito, ang peach na pinitas ninyo ay mahal na mahal. Ang presyo nito ay umaabot sa 60 Yuan isang kilo at mabiling mabili pa. Dahil dito, lumalaki nang lumalaki ang pitaka nina Wang Zeshun at gumiginhawa nang gumiginhawa ang kanilang pamumuhay.
Ginaya si Wang Zeshuan ng mga kanayon niya at marami rin sa kanila ang yumaman rin dahil sa pagtatanim ng peach.
Sa kasalukuyan, hindi lamang ang Pinggu, ,kundi maging ang iba pang distrito ng Beijing ay nagtatanim din ng iba't ibang uri ng bungang-kahoy batay sa kondisyong lokal. Ang industriya ng bungang kahoy ay nagpapasigla sa pag-unlad ng iba pang industriyang gaya ng pagpoproseso, paglalakbay at pagkain. Ang masiglang pag-unlad ng industriyang ito ay ganap na nagpapabago sa pamumuhay ng mga magsasaka sa karatig ng Beihing at napapaliit nito ang agwat sa pagitan ng mga taga-lunsod at mga taga-nayon.
|