• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-08-09 18:58:10    
Kaharian ng Khitan

CRI
Yumabong ang tribo Khitan noong ika-9 na siglo nang bumagsak ang Dinastiyang Tang (AD 618-907). Hiniram nila ang sistemang pulitikal ng mga Han, itinatag ang Kahariang Khitan noong AD 916 at itinayo ang kanilang kapitolyo sa Shangjing na ngayo'y Balinzuo sa Inner Mongolia.

Pinamunuan ng hari ng Khitan na si Yelu Deguang, ang kanyang hukbo patimog noong 947 AD at sinakop ang Kaifeng sa Lalawigang Henan ng Gitnang Tsina, na siya noong kapitolyo ng Later Jin Dynasty (AD 936-946).

Sa Kaifeng, pinalitan ni Yelu ang kaharian nito nang Liao. Ang teritoryo ng Dinastiyang Liao ay sumasaklaw sa halos buong silangan ng Tsina na kinabibilangan ng Youzhou na ngayo'y Beijing.

Sa paligid ng Youzhou, madalas ang pakikipagdigma ng hukbo ng Khitan laban sa hukbo ng Nothern Song Dynasty (AD 960-1127).

Ayon sa "Kasaysayan ng Liao na inilimbag noong Dinastiyang Yuan (1271-1368), noong ika-10 siglo, sinakop ng hukbo ng Khitan ang Kaharian ng Bohai, ang lalawigang Gansu ng Hilagang Kanluran ng Tsina at ang Kahariang Gaoli (sa gawing hilaga ng Korean Peninsula).

Bagaman, sinabi ni Liu Zhaoche na ang mga Khitan ay mga mandirigma lamang na nakasay sa kabayo. Ang kanilang kultura, anya ay kilalang kilala maging sa kanluran. Sa linguheng Ruso ngayon, ang katagang "Khitan" anya ay nangangahulugan ng Tsina.

Habang lumalaganap ang kanilang kaharian sa "grassland silk road", na nag-uugnay ng Silangan sa Europa, ang kanilang namang kultura at sistemang pulitikal ay naging bukas na bukas sa ibang grupong etniko.

Ayon kay tala, pinanatili ng mga naghahari sa Dinastiyang Liao ang sistemang pulitikal ng mga lupaing kanilang sinakop. Hinati nila sa dalawa ang kaharian sa gawing timog, ang mga Han ay pinamahalaan ng mga opisyal na Han at sa pamamagitan ng sistemang Han. Sa gawing hilaga naman, ang mga Khitan ay pinamahalaan sa pamamagitan ng sistema ng pang-aalipin ng Khitan.

Liban sa sistemang pulitikal, pinahihintulutan din sa Kaharian ng Khitan ang iba't ibang kultura.

Ang eksibisyon ay kinabibilangan ng ilang kahanga-hangang item na pawang nagpapakita ng maningning na kultura ng Khitan.