• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-08-31 20:02:22    
Ang writing brush, inkstick, rice paper at inkstone (Unang Bahagi)

CRI
Kapag napag-uusapan ang Chinese Art, ang unang pumapasok sa isip ng mga tao ay ink paintings at calligraphy.

Ang writing brush ay isang perpektong kombinasyon ng practicality at artistry. Sa kasalukuyan, ang pinakamahusay na writing brush ay yari sa balahibo ng lobo o buhok ng kambing, at hindi magkapareho ang effects ng magkaibang brush.

Ang pinakamatandang writing brush ay natuklasan noong mahigit 3000 taon na ang nakalilipas, noong Panahon ng Spring at Autumn ng dinastiyang Eastern Zhou. Nadiskubre ito sa libingan ng isang marquis sa lalawigang Hubei sa gitnang Tsina. Sabi ng mga archeologists ang brush na ito ay ginawa raw sa pagitan ng 770 B.C. at 476 B.C. Ang mga writing brush noong panahong iyon ay karaniwang ginagamit sa pagsulat sa silk o sa mahaba't makitid na piraso ng kawayan.

Hindi makukumpleto ang diskusyon sa kasaysayan ng writing brush hangga't hindi nababanggit ang pangalang Meng Tian, isang tanyag na heneral ng dinastiyang Qin. Laganap ang isang kuwentong "Si Meng Tian ang lumikha ng Writing Brush". Isinalaysay rito kung paano niya ginamit ang kumplikadong proseso ng paggawa ng mga writing brush na yari sa kahoy, balahibo ng usa at buhok ng kambing. Sa katunayan, nanatili na ang writing brush sa loob ng ilandaang taon bago isilang si Meng Tian, pero siya ang nakatulong sa pagpapaunlad sa mga ito. Ang kanyang bayang-tinubuang Huzhou sa lalawigang Zhejiang sa timog silangang Tsina ay naging tanyag dahil sa mga gawa nitong Huzhou brush, ang kilalang-kilalang brush na yari sa balahibo ng kambing sa Tsina.

Inilarawan ni Zhang Xiaoyong, isang katutubong Huzhou kung paanong nagawa ang Huzhou brush. Anya, "Dapat muna tayong mag-ipon ng mga hilaw na materyal na gaya ng balahibo ng kambing para sa ulo ng brush at kawayan para sa tatagnan." Pagkatapos dapat nating alisin ang natural oil sa balahibo, dahil kung hindi ay hindi ito kakapitan ng tinta. Pagkatapos nito, pararaanin natin ang balahibo sa bleaching process at paraan ng pagpapalambot para madali itong masulatan.

Sa ngayon, napakadaling bumuli ng isang boteng ready-made ink at simulan ang pagpapraktis ng calligraphy, pero iginigiit pa rin ng mga batikang artist ang paghahanda ng sariling tinta na, gumagamit ng inkstick at hinahaluan ng tubig habang ikinikiskis ito sa inkstone. Marahil ang isa sa dahilan ng paggigiit sa tradisyong ito, ay ang angking gilas sa paghahalo ng (tinta), o kaya naman nakakatulong ito sa artist sa pagtitipon ng kanyang ideya at konsentrasyon.Nguni't mayroon ding napakapraktikal na kadahilanan. May ilang tao ang naniniwala na ang inkstick ay may taglay pa ring kalidad na hindi mapapantayan ng ready-made ink.

Kung tataluntunin ang kasaysayan ng inkstick, dapat tayong bumalik sa Neolithic Period noong ang mga tao'y nagsisimula pa lamang na gumuhit ng mga larawan at simbulo sa mga sahig at dingding ng kanilang bahay sa pamamagitan ng uling. May natuklasan ang mga historian at archeologist na mas maliwanag na ebidensiya ng paggamit ng mga kasangkapang katulad ng inkstick sa mga ceramics, inukitang mga buto ng hayop at bahay ng pawikan noong dinastiyang Shang, mga 3500 taon na ang nakalilipas.

Ang kauna-unahang inkstick sa nakasulat na kasaysayan ay pinaunlad ni Xing Yi noong panahon ng dinastiyang Eastern Zhou, mga 2500 taon na ang nakararaan. Hinaluan niya ng uling ang isang nilugaw at ito ay lumikha ng isang malapot na mixture na maaaring imolde sa iba't ibang hugis.

Noong dinastiyang Tang na nagsimula noong 618 A.D., lubos na pinaghusay ng mga craftmen na nagpapakadalubhasa sa paggawa ng inkstick ang kanilang kakayahan. Iminolde nila ang kanilang mga inkstick sa katangi-tanging hugis at ginawa ang mga itong munting likhang-sining.

Noong dinastiyang Ming,ang inkstick ay itinuturing hindi lamang bilang writing product kundi palamuti rin. Sa panahon naman ng dinastiyang Qing, labis na napabuti ang technical skills sa paggawa ng mga ito. Minsa'y inatasan ni Emperador Qianlong ang mga tagagawa na yumari ng mga inkstick alinsunod sa mga larawang nakolekta sa Palasyo Imperyal, na gaya ng "Scene of Cultivating and Weaving", "Ten Scenic Spots at West Lake" at iba pa. May panahon namang ipinagkakaloob ng Emperador ang mga ito bilang mga regalo sa matataas na opisyal.

Sa ngayon, ang Huzhou Inkstick ay kinikilalang pinakamahusay sa Tsina. Ang isa sa pinakatanyag na pabrika,ang Hu Kaiwen Inkstick Factory ay matatagpuan sa katimugan ng lalawigang Anhui. Itinatayo sa pundasyon ng tradisyonal na paraan, puspusang nagpursig ang kompanya para higit pang mapabuti ang produkto nito.