|
Ipinahayag ngayong araw sa preskon sa Beijing ni tagapagsalita Kong Quan ng ministring panlabas ng Tsina na ang pagsasanay-militar na may code name na "iron fist-2004" na isinagawa kamakailan ng Tsina ay nagpapakita ng patakarang panlabas nito sa mga bansang nakapaligid na nagpapatiwasay at nagpapayaman sa mga kapitbansa.
Sinabi ni Kong na sa kasalukuyan, binibigyang-diin ng Tsina ang pagtatayo ng bagong kamulatang pangkatiwasayan batay sa mapagtitiwalaan at pantay-pantay na kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng buong daigdig. Anya, batay dito, umaasa ang Tsina na magkakaroon ng mas maraming pakikipagpalitan at pakikipagpalagayang militar sa mga kapitbansa.
|