• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-10-06 14:29:47    
Forbidden City—Dating palasyong imperyal ng Tsina (Huling Bahagi)

CRI

Ngayon,hindi na sarado ang Forbidden City sa mga karaniwang taon,ang Palace Museum,ang dating palasyong imperyal,ay isa na ngayon tahanan ng relikyang pangkultura ng ilang mahahalagang bagay na nakolekta ng mga maharlikang pamilya sa panahon ng limang daang taong paghahari nila.

Si Puyi,ang huling emperador ng Tsina na nanatili sa panloob na palasyo pagkatapos ng pagpapabagsak sa Qing Dynasty noong 1911 ay may katulong sa bahay at nakipagsabuwatan ito sa mga eunuchs sa palasyo sa pagnanakaw ng maraming mahalagang mahalagang bagay,at pagkatapos,sinunog nila ang 2 pinakasaid na bulwagan upang maikubli ang kanilang krimen.Nakatanghal ngayon sa ilang bulwagan ang mga natitirang relikya.Bukod sa isang pangkalahatang eksibisyon,mayroon pang ibang mga pagtatanghal ng mga pinta,bronse,porselana at pottery,alahas at mahahalagang bato,arts and crafts.

Sa bulwagang inilaan para sa pagtatanghal ng mga pintura,ay nakikita ang mga obra maestra ng Song,Ming at unang dako ng Qing Dynasties.Katangi-tangi dito ang isang klasikal na dibuho ng tanawin na pinamagatang spring outing ni Zhan Ziqian noong mahigit sa 14 na daang taon na ang nakararaan.Ang ibang mga nakatawag ng pansin sa bulwagang ito ay ang mga obra-maestra ng mga kilalang calligarpher sapul noong ika-3 siglo.

Ipinipreserba rin ng Palace Museum ang mga bronze art ng maraming dinastiya,ang pinong-pinong proselana,at maraming palamuting yari sa ginto,pilak,jade,alahas at mahahalagang bato,lacquerware at cloisonné.Maraming ganitong bagay sa Palasyo dahil mayroon itong sariling gawaan ng arts and crafts kung saan nagsama-sama lahat ang mahuhusay na craftsmen ng buong bansa.Ang palasyo ay mayroon ding sariling imprenta at aklatan.

Sapul noong 1949,nakapaglaan na ang pamahalaan ng malaking halaga para mapanumbalik at mapanatili ang mga gusali ng dating palasyong imperyal.Nagtalaga ng mga espesyalista para pag-aralan ang disenyo,material at paraang ginamit sa konstruksyon ng palasyong imperyal,at ang mga ito ay ginamit na sa lahat ng mga pagsasaayos na kinakabilangan ng pag-ukit at pagpinta.Ngayon,ang kaluwalhatian ng Forbidden City ay umaakit sa mga sampung libong bisita araw-araw.