• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-11-12 14:43:49    
Ang Kasaysayan ng Mga Selyong Tsino

CRI
Unang lumitaw ang selyo sa Tsina pagkatapos ng Opium War noong 1840.Pinasimulan ng mga bansang Kanluranin ang serbisyo ng koreo sa mga puwertong pangkalakalan ng Tsina at sinimulan ng mga itong mag-isyu ng mga selyo.Ang mga selyong ito ay ginagamit noon,pangunahin na,sa pagpapalitang pangkalakalan at hindi inisyu ng Ministri ng Koreo ng Tsina.Kaya,hindi rin natin maituturing na mga selyong Tsino ang mga ito.

Ang unang set ng tunay na selyo ay lumitaw noong 1878 nang mag-isyu ang Post Office ng Qing Dynasty ng "Dalong" o "Giant Dragon" stamps.Inilimbag ang mga ito sa pamamagitan ng copperplate at may larawan ng isang malaking dragon sa background ng ulap at alon.Tatlong beses itong inisyu:noong 1878,1882 at 1883.Iyong dilaw na limang-cent na selyong may malapad na margin ay ang pinakapambihira.Iyong kaisa-isang hindi nagamit na buong pahina ay matatagpuan ngayon sa Tsina at itinuturing ito ngayong isang treasure sa mga selyong Tsino.

Sa kasalukuyan,napakapopular sa Tsina ng commemorative stamps.Ipinalabas noong Nobyembre,1894,ang unang sheet ng commemorative stamps ng Tsina nang ipagdiwang ng buong bansa ang ika-60 kaarawan ni Empresang Dowager Cixi.Tunay na puno siya ng bansa noong panahong iyon.Kilala sa Tsina ang set na ito bilang "Mabuhay" stamps.Kinakabilangan ito ng mga selyong may siyam na iba't ibang face value.Ang mga ito ay magkakaiba ng kulay at mayroong larawan ng isan dragon,karpa,sailing boat,bulaklak ng peony,evergreen,malaking peach o karakter na "shou" sa wikang Tsino,na nangangahulugan ng "longevity".Mahirap matagpuan ngayon ang iba sa mga selyong ito.

Hindi lumabas ang mga regular na selyo para sa pang-araw-araw na gamit bago ang ika-16 ng Nobyembre,1897.Ang unang set ng mga regular na selyo ay inisyu ng Post Office ng Qing Dynasty at ginawa sa Hapon sa pamamagitan ng stoneplate.Umabot sa kalahati ng isang cent hanggang limang yuan ang face value ng set na ito ng 12 selyo base sa sistema ng salapi noong panahong iyon.

Noong 1912,si Dr. Sun Yat-sen ay naging pansamantalang pangulo ng bagong silang na Republika.Labis na pinagmalasakitan niya ang desenyo ng selyo.Minsan,sinulat niya ito sa kanyang talaarawan.Hindi nagtagal,dinisenyo ang isang pang-alaalang sheet at isang regular na set.Ang iyong pang-alaala ay mayroong larawan ni Dr Sun-Yat-sen,samantalang ang regular na selyo naman ay may isang larawan ng airship.Pero hindi inisyu ang mga selyong ito sa dahilang humalili si Yuan Shikai kay Dr. Sun bilang pangulo ng Republika at pilit na ipinalimbag niya ang kanyang larawan sa mga selyo.Pagkaraan ng diskusyon sa Parliamento,napagpasiyahang mag-isyu ng dalawang set ng commemorative stamps.Ang isa ay may larawan ni Dr. Sun Yat-sen,at ang iba naman ay kay Yuan Shikai.Ang isang set ay binubuo ng 12 selyo.Mayroong magkatulad ng kulay,magkatulad ng desenyo at magkatulad ng face values ang dalawang set na ito.

Inisyu noong 1913 ang unang set ng mga regular na selyo ng Ministry of Posts of the Republic of China.Ang set na ito ng 19 selyo ay may mga larawan ng sailing boat,tanawin ng panahon ng tag-ani,at binubungan ng pinakintab na tilang archway sa Beijing.

Ang 1920s ay isang panahong kung kalian nakaranas ang Tsina ng kaligaligang dulot ng mga warlords.Noong ika-isa ng Hulyo,1921,ang unang aircraft stamp ay inisyu ng pamahalaang kontrolado ng Northern Warlords.Ang set na ito ng limang selyo ay may larawan ng isang maitim na eroplano na lumilipad sa Great Wall.Kilala rin ito ng mga philatelists bilang isyu ng "unang abiasyon".

Noong ika-isa ng Oktubre,1949,itinatag ang People's Republic of China.Noong ika-8 ng Oktubre,inisyu ng bagong Tsina ang unang set ng mga selyo upang ipagdiwang ang pagbubukas ng unang Pulitikal Consultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino.Noong ika-isa ng Enero,1950,itinayo sa Beijing ang Ministry of Postal Services,bagay na nagbukas ng isang bagong pahina sa kasaysayan ng koreo ng Tsina.

Ngayon,ang mga selyong Tsino ay parang isang mini-encyclpedia,na nagpapakita ng pulitika,kabuhayan,kultura,siyensiya,kasaysayan at heograpya ng Tsina.Ang mga espesyal na selyo at mga commemorative stamps ay lalo pang naging kaakit-akit sa mga kolektor ng selyo dahil sa bukod tanging artistic design ng mga ito.