• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-11-25 16:10:22    
Konstruksyon ng Dinastiyang Tang

CRI

Ang Tang Dynasty(618-907) ay panahon ng kasukdulan ng pag-unlad ng ekonomiya't kultura ng lipunang piyudal ng Tsina. Ang mga katangian ng estilo ng konstruksyon ng Tang Dynasty ay kahanga-hanga't maringal, maayos at masaya at may simple't masiglang kulay.

Unti-unting naging mature ang kabuuang plano ng grupo ng mga konstruksiyon ng Tsina noong Tang Dynasty. Ang kabisera ng Tang Dynasty sa Chang'an(Xi'an sa kasalukuyang) at ang kabisera sa silangan sa Luoyang ay parehong nagtayo ng napakalaking mga palasyo, harding imperyal at organo ng pamahalaan at ang pagkakaayos ng konstruksyon ay mas makatuwiran sa pamantayan. Ang Chang-an ay isang pinakamalaking lunsod sa daigdig noon. Napakaringal at maayos ang plano nito. Napakadakila't kahanga-hanga ang Daming Palace sa palasyo ng emperador sa loob ng siyudad ng Chang-an. Ang saklaw ng mga guho nito ay mahigit tatlong ulit ng kabuuang laki ng Forbidden City (Palace Museum) ng Beijing noong mga dinastiya ng Ming at Qing.

Naisakatuparan ng mga estrukturang tabla ng Tang Dynasty ang pag-iisa ng artistikong paraan at hugis ng estruktura, kabilang dito ang mga sangkap ng konstruksyon na gaya ng "dougong" (isang sistema ng pagsingit ng patungan sa pagitan ng ibabaw ng haligi at barakilan), haligi at barakilan na nagpapakita ng perpektong pagsasama ng puwersa at kagandahan. Ang malaking bulwagan ng Foguang Temple sa Wutaishan ng lalawigang Shanxi ay isang tipikal na estruktura ng Tang Dynasty na nagpapakita ng mga katangiang nabanggit sa itaas.

Bukod dito, umunlad din ang mga estrukturang tisa't bato noong Tang Dynasty. Karamiha'y gumagamit ng mga tisa't bato sa pagtatayo ng mga Budhistang pagoda, kabilang na rito ang Dayanta, Xiaoyanta ng lunsod Xi'an at Qianxunta ng Dali na pawang mga pagoda ng Tang Dynasty na gumagamit ng mga tisa't bato.