|
Ang pag-unald ng kabuhayan ng Tsina ay may matagal nang kasaysayan. Sa loob ng 2000 taon mula noong ika-3 siglo BC hanggang ika-18 AD; laging nasa sulong na katayuan sa daigdig ang pamantayan ng pag-unlad ng kabuhayan, kultura at siyensiya't teknolohiya ng Tsina. Halimbawa, ang kompas, pulbura, teknolohiya ng papel, teknolohiya ng paglilimbag ay apat na malalaking imbensiyon ng Tsina sa sinaunang panahon. Samantalang sa loob ng ilang daang taon, naging mabagal na mabagal ang pag-unlad ng lipunan at ekonomiya ng Tsina dahil sa pagtatanikala ng sistemang piyudal at patuloy na paglusob ng tinatag na "foreign big powers". Hanggang noong 1940's ng siglong ito, 160 libong tonelada lamang ang taunang output ng asero ng Tsina, 120 libong tonalada ang langis, 30 milyong tonelada ang sa karbon, at 1.9 bilyong metro ang sa cotton cloth. Batay sa pamantayan ng mga populasyon, ito ay nasa pinakahuling katayuan. Sa panahong iyon, 22 libong kilometro lamang ang open-traffic mileage ng daam-bakal sa buong bansa. Sa panahong iyon, ang Tsina ay isang bansang may pinakakaunting daam-bakal sa mga malalaking bansa sa daigdig. Noong 1949, ang kabuuang output ng pagkaing butyl sa buong bansa ay 110 milyong tonelada lamang; at mas mababa pa ang output ng iba pang pananim.
Pagkatapos ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949, pinasimulan na sa pinlanong paraan ng pamahalaang Tsino ang malawakang konstruksyong pangkabuhayan na ang pangunahing nilalaman nito ay ang pagpapaunlad sa makabagong industriya,at naging mabilis ang pagbabago ng mukha ng ekonomiya ng bansa. Mula noong 1950's hanggang noong 1960's, habang pinanunumbalik ng bansa ang kakayahan ng dating produksyong industriyal, ibinubuhos ng bansa ang puwersa sa pagtatayo ng mga base ng industriya ng bakal at asero sa Anshan at Benxi ng lalawigan ng Liaoning sa hilagang silangan ng Tsina. Ang nasabing mga base ay mga pinakamalaking base ng industriya ng bakal at asero. Kasabay nito'y sa Lanzhou, Wuhan, Xi'an, at iba pang lugar, naitayo na ang ilang malalaking gulugod na pafawaan at bahay-kalakal. Ito ay naglatag ng matibay na pundasyon para sa pag-unlad ng ekonomiya ng Tsina sa hinaharap.
Pagkatapos ng 1960's, sa lalawigan ng Sichuan, lalawigan ng Qinghai, rehiyong autonomo ng Hui Nationality, lalawigan ng Guizhou at iba pa, magkasunod na itinayo ng bansa ang dalawang malaking kompanya ng bakal at asero ng Panzhihua at Jiuquan sa lalawigan ng Sichuan at lalawigan ng Gansu. Bukod dito'y naitayo ang dalawang malalaking coal mine sa Baoding ng lalawigan ng Sichuan at sa Liupanshui ng lalawigan ng Guizhou. Kasabay nito'y sa gansu, Sichuan, Shan'xi, Hunan, Hubei, at iba pang lugar, naitayo ang maraming malalaking bahay-kalakal; Sa dakong hilagang kanluran ng Hubei, naitayo ang ika-2 base ng industriya ng mga kotse ng Tsina. Bunga nito'y unti-unting nabuo na ang sonang industriyal sa pagitan ng Sichuan-Guizhou na ang sentro nito ay ang sonang industriyal ng central na purok ng Guizhou na ang Panzhihua-Liupanshui,sentro nito ay Guiyang; ang sonang industriyal ng Central Shan'xi ang sentro nito ay Xi'an; ang sonang industriyal sa middle and upper reaches ng Ilog Huanghe na ang sentro ay Lanzhou; at ang mga bagong basing industriyal sa dakong kanluran ng Hubei, dakong kanluran ng Henan at Hunan at iba pa. Bunga nito'y nagkaroon na ng bagong pag-unlad ang pangkalahatang kaayusan ng estratehiyang industriyal nang sa gayo'y puspusang mapatibay ang puwersang industriyal sa Inland. Noong unang dako ng 1960's, pinaunlad na ng bansa ang langisan ng Daqing sa Heilongjiang sa dakong hilagang silangan, naisakatuparan ang self-sufficieng sa langis. Gumanap ito ng mahalagang papel para sa pag-unlad ng ekonomiya ng Tsina.
Simula noong katapusan ng 1970's, pinaiiral na ng Tsina ang patakarang reporma at pagbubukas ng pinto sa labas. Ilang lunsod sa baybaying purok sa dakong silangan ang magkakasunod na nagbukas ng pinto sa labas. Ang lalawigan ng Guangdong, lalawigan ng Fujian at iba pa sa baybayong purok sa dakong timog silangan ay maraming bentahe, halimbawa, malapit sa Hongkong at Macao, maraming Over seas Chinese, kombenyente ang pakikipag-ugnayan sa Ibayong dagat, at iba pa, kaya pinabilis ng nasabing mga lalawigan ang export-oriented economy/ Bunga nito'y ang mga ito ay naging sona kung saan, pinakamabilis ang pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina.
Pagpasok ng 1990's, ipinasiya ng pamahalaang Tsino ang pagtatatag ng Pudong Economic Development Area ng Shanghai upang pabilisin ang pag-unlad ng Shanghai nang sa gayo'y mapasulong ang lubusang pag-unlad ng ekonomiya sa baybayong lugar at sa mga landas na inaagusan ng Ilog Yangtze. Nitong ilang taong nakalipas, naging mabilis ang pag-unlad ng Shanghai, patuloy na bumubuti ang mga imprastruktura ng lunsod. Ang Shanghai ay naging isa nang sentro ng mabilis na pag-unlad sa mga baybaying purok sa dakong silangan ng Tsina.
Nabuo na ngayon sa Tsina ang sistemang industriyal na may mahahalagang departamento. Noong 1997, ang Tsina ay nagprodyus ng 1.39 na bilyong tonelada ng krudong karbon, 107 milyong toneladang asero, 160 milyong toneladang krudong langis; at ang generated energy ay 1132 bilyong kilowatt-hour, at ang output ng semento ay 510 milyong tonelada. Ang output ng krudong karbon at semendo ay nasa unang puwesto sa daigdig. Ang output ng mga household appliance ng Tsina, halimbawa, refrigerator, television set at iba pa ay nangunguna rin sa daigdig.
Kasabay nito'y lubusan nang pinanumbalik at pinaunlad ang produksyong agrikultural. Sa loob ng 26 na taon mula noong 1952 hanggang 1978, ang agrikultura ng Tsina ay nagkaloob ng 800 bilyong Yuan, RMB na pag-iipon para sa industriyalisasyon ng pambansang ekonomiya. Nagkaroon ng mas malaking pag-unlad ang agrikultura at ang mga may kinalamang pagtatayo ng patubig sa bukirin, technical plant ng agrikultura. Mula noong 1978, lubusan nang isinaayos ng bansa ang patakaran sa kanayunan, binalangkas ang isang serye ng mga patakaran ng pagpapabilis sa pag-unlad ng agrikultura. Ang pangunahin ay ang pagpapairal ng tinatawag na contracted responsibility system na ang kita ay base sa output. Ang modelong ito na may kinalaman sa pag-unlad ng agrikultura ay nagpapasigla sa inisyatiba ng malawak na masa ng mga magsasaka. Ang mukha ng kanayunan ay nagkaroon na walang katulad na pagbabago. Ang nasabing sistema ay nagpasulong sa pag-unlad at pagsilang ng household breeding industry at ng township enterprises sa kanayunan. Kasabay nito'y marami rin sa mga naiiwan sa kanayunan ang pumasok na rin sa mga lunsod. Ito ay nagkaloob ng sapat na manpower resources para sa pag-unlad at konstruksyon ng mga lunsod.
Sa pamamagitan ng sarili nilang pagsisikap, nag-aalaga ang mga mamamayang Tsino ng mga populasyon na bumubuo ng 22% ng mga populasyon ng daigdig sa bukirin na bumubuo ng 7% bukirin ng buong daigdig. Noong 1997, 492 milyong tonelada ang output ng pagkaing butyl ng Tsina, 4.3 milyong tonelada ang sa bulak, 21.50 milyong tonelada sa iba't ibang klase ng oil-bearing seed. 53.54 na tonelada ang sa karne, at 35.61 milyong tonelada ang sa produktong akuwatiko. Ang produksyon ng pagkaing butyl ay nananatiling matatag at mabilis, laging umunlad nang may kabilisan ang pananim na industriyal, lalong mailis ang paglaki ng panggugubat, paghahayupan at pangingisda. Bunga nito'y naggarantiya ito sa pangangailangan ng pag-unlad ng pambansang ekonomiya at walang tigil na pagtaas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Talagang kahanga-hanga ang kabuuang dami ng pambansang ekonomiya ng Tsina. Noong 1997, umabot sa 7477.2 bilyong Yuan, RMB (903 bilyong Dolyares) ang GDP, ito ay pumasok na sa unang 10 puwesto. Samantalang ang Tsina ay isang bansang malaki ang populasyon, at mahina ang pundasyong pangkabuhayan, medyo mababa pa rin ang kabuuang dami ng pambansang kabuhayan. Ang Tsina ay isang umuunlad na bansa pa rin na may mababang kita.
Nagkamit na rin ng mas malaking resulta ang Tsina sa komunikasyon at telekomunikasyon. Mula noong 1990's, nabuo na ang komprehensibong transportation system na kinabibilangan ng daam-bakal, pambansang lansangan, water transport, abyasyong sibil at iba pa. Ipinakikita ng statistical figures noong 1997 na 66 libong kilometro ang operating mileage ng daam-bakal ng Tsina, 110 libong kilometro ang sa pagbubukas ng nabigasyon sa channel sa inland river, 1226 libong kilometro ang open-to-traffic mileage ng pambansang lansangan, at 1425 libong kilometro ang sa abyasyong sibil. Umabot sa mahigit sa 1300 ang mga daungan sa mga pangunahing puwerto sa baybaying dagat. Naging medyu mabuti rin ang mga instalasyon at kagamitan ng komunikasyon at transportasyon. Unti-unting tumaas ang bahagdan ng double track na riles at ang lebel ng elektripikasyon nito. Ang proporsyon ng open-to-traffic mileage ng higher grade highway sa highway mileage ay tumataas taun-taon. Maraming espesyal na daungan ng karbon, ore at containers ang naitayo na sa baybaying dagat. Ang lebel ng mekenisasyon sa pagkakarga at pagdidiskarga ay nagkaroon na ng mas malaking pagtaas. Ang mga malalakihang bulk cargo, containers and roll-on-roll off ship ay nagkaroon na ng mas malaking pag-unlad. Patuloy na lumalawak ang grupo ng mga eroplano ng abyasyong sibil, Ang mga malalaking eroplanong pampasahero na gaya ng Boen 747, 757 ay naging pangunahing eroplanong pampasahero sa grupo ng mga eroplano. Naging mas mabilis ang iniunlad ng usapin ng telekomunikasyon ng Tsina. Ang mga sulong na technical plant ng program controlled exchange, fibre-optical communicationm satellite communication, digital microwave, mobile service at iba pa ay malawakan nang nagagmit sa communication network. Noong katapusan ng taong 1997, umabot sa 110 milyong piece ang kabuuang kapasidad ng telephone exchange sa buong bansa.
Sa mga lunsod ng counties pataas,naisakatuparan na lahat-lahat ang mga programa na may kinalaman sa kontrol ng telephone exchange. Ang saklaw ng telephone network ay naging ika-2 malaking network ng daigdig.
Samantalang ang konstruksyon ng mga imprastruktura na gaya ng komunikasyon at telekomunikasyon ay ang siya pa ring focal point ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina, sa loob ng isang panahon sa hinaharap, magtatayo ang Tsina ng ilang bagong arterial wailways, babaguhin ng bansa ang mga kagamitan ng mga kasalukuyang arterial railways, pabibilisin ang konstruksyon ng mga electric railways, palalakihin ang double-track railways, palalakihin ang proporsisyon ng express ways; puspusang pauunlarin ang water transport at air transport. Ang post and telecommunication ay dapat sumulong patungo sa automation.
Kasunod ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, palaki nang palaki rin ang proporsyon ng mga populasyon sa mga lunsod. Walang tigil na napapabuti ang iba't ibang instalasyon ng ilang malalaki at katam-tamang laking lunsod; kasabay nito'y lumitaw rin ang maraming bagong silang na lunsod. Hanggang ngayon, mga 600 ang kabuuang bilang ng mga lunsod ng Tsina, ngunit 58 lamang ang sa kabuuang bilang ng mga lunsod noong 1949, at 193 ang sa taong 1978. May mga bagong silang na lunsod ang umuunlad kasunod ng pag-unlad ng kabuhayan, may mga port cities na nagbubukas ng pinto sa labas, at may mga historikal, cultural at bantog na lunsod.
|