• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-11-26 14:34:03    
Ang Summer Palace

CRI

Ang Summer Palace o Palasyong Pantag-init ay nasa kanlurang kanugnog ng Beijing. Ito'y isang klasikal na hardeng imperyal na pinakamalaki sa saklaw at pinakabuo sa hugis at estruktura sa Tsina. Kagila-gilalas ito dahil sa pinaligiran ng bundok ang tubig, taglay nito ang karingalan ng bundok at ilog sa kahilagaan at kariktan ng mga ilog at lawa sa katimugan ng Ilog Changjiang. Hindi lamang taglay nito ang karangyaan ng palasyo ng emperador maging ang katangi-tangi't pambihirang mga bahay ng karaniwang taumbayan. Ito ang pinakamaganda't pinakatanyag na klasikal na harden ng Tsina. Ang Summer Palace ay isang palasyong pantag-init sa Beijing ng pamilyang imperyal ng Qing Dynasty at isa ring hardeng imperyal para magpalamig sa tag-araw, magliwaliw at magdiwang sa kapanganakan ng pamilyang imperyal. Pinangasiwaan ito ng pamilyang imperyal ng Qing Dynasty nang halos 300 taon. Napakalaki ng sakalw nito. Ang pangkalahatang sukat nito'y 290 ektarya at may mahigit 3000 templo, bulwagan, husali, pabilyon, gloryeta at pabilyon sa tabi ng tubig. Hinati sa purok-palasyo at purok-tanawin ang pagkakaayos ng buong harden.

Noon pang panahon ng Yuan at Ming Dynasty ay tanyag na sa likas na kagandahan sa kabukiran sa paligid ng Summer Palace. Sinimulan na ang pagtatayo ng Hardeng imperyal sapul noong ika-11 siglo at pagkaraan ng 800 taon nang matapos iyon noong Qing Dynasty ay umabot na sa mahigit 1000 ektarya ang kabuuang lawak nito. Talagang bihirang Makita sa mundo ang ganito kalaking hardeng imperyal. Sa mga hardeng ito'y pinakabantog ang "Tatlong Bundok at Limang Harden". Ang tatlong bundok ay ang bundok Xiangshan, bundok Yuquan at bundok Wanshou. Nasa tatlong bundok na ito ang Jingyiyuan, Jingmingyuan, Yiheyuan, Changchunyuan at Yuanmingyuan. Ito ang tinatawag na limang harden. Naging independyenteng harden ang bawa't isa sa "tatlong bundok at limang harden", may kani-kanyang katangian at konekado sa isa't isa. Talagang bihirang Makita sa daigdig ang ganito kakonsentradong mga harden. Ang Bundok Wanshou o Longivity Hill ay tinatawag ding bundok Weng sa panahon ng Yuan Dynasty. Ayon sa alamat,may isang matanda ang nakahukay sa bundok ng isang tapayang bato na puno ng kayamanan. Ang katagang "Weng" ay nangangahulugang tapayan, kaya tinatawag itong bundok Weng. Sa harap ng bundok ay may isang lawang tinatawag na lawa ng bundok Weng "Weng Hill Lake". Noong 1292, ang siyentipikong si Guo Shou Jin gang naghukay ng Tonghui River para matipon ang mga tubig-batis sa paligid ng Changping at bundok Xishan nang maihatid ang tubig sa loob ng lawa at makatulong sa paghahatid ng mga butyl. Kaya ang lawa ng bundok Weng ay simulang naging imbakan ng tubig na komukontrol sa paggamit ng tubig sa Beijing. May maraming maimpluwensiyang mga templo't monasteryo ang magkasunod na itinayo sa paligid ng lawa. Ang emperador ng Yuan Dynasty ay malimit na naglilibang sa pamamangka at manghuli ng isda o mamingwit doon. Noong panahon ng Ming Dynasty, ang lawa ng bundok Weng ay tinawag na West Lake. Ito'y may lawak na sampung li ay naging isang tanyag na liwaliwan ng Beijing. Sa taglagas at tagsibol ng bawa't taon, ang mga matanda't batang mamamayan ng Beijing ay nagsipunta sa West lake poara mamasyal doon. Tinatawag din itong "Pamamasyal sa tanawin ng West Lake". Hinahanga rin ng taumbayan ang "Sampung templo ng West Lake" at "Sampung Tanawin ng West Lake".

Noong taglamig ng 1749, upang ipagdiwang ang ika-60 kaarawan ng kanyang ina, malawakang dindraga ni emperador Qi long ang lawa at ginamit ang bundok ayon sa ideya ng paghaharden. Pinalaki nito ang lawa pahilagang-silangan, muling itinayo ang silangang dike at ginaya ang dike sa West lake sa Hangzhou nagtayo ng isang kanlurang dikeng nagdugtong sa timog at hilaga at hinati ang tubig sa tatlong bahagi at pinanatili ang orihinal na Long Shen Temple sa silangang pampang na bumuo ng isang medyo malaking isla. Kasabay nito, ayon sa hinihingi ng harden ay itinambak sa bundok ang mga luwad at lupa para ang anyo ng bundok ay magmistulang isang dambuhalang paniking handang lumipad at kagat sa bibig ang tubig-lawa na hugis melokotong pangkumpleanyo. Talagang kawili-wili ang kahulugan nito. Noong susunod na taon (1750) pinalitan ni emperador Qianlong ang tawag sa bundok Weng bilang bundok Wanshou at ang West Lake bilang Kunming Lake. Pagkaraan ng 10 taong konstruksyon ay naitayo sa wakes ang Qingyiyuan. Ang malaking hardeng imperyal na itong ang marikit na tanawin ng lawa't bundok ay napatanyag sa buong mundo.

Noong 1860 ang Qingyiyuan at Yuanmingyuan at iba pang bantog na hardeng imperyal ay sinunog at tinupok ng magkasanib na puwersa ng Inglatera't Pransiya. Nilimas lahat ang mahigit 10 libong koleksiyon ng mga relikya. Noong 1886 nilustay ni Emperatris Dowager ang pondong inilaan para sa hukbong dagat at muling itinayo ang harden sa guho ng Qingyiyuan sa loob ng 10 taon na gumasta ng 30 milyong onsang pilak. Noong 1888, ang tawag sa naturang harden ay pinalitan ng "Yiheyuan". Noong 1900 ang Yiheyuan ay muling makabarbarong nilimas at sinira ng walong magkasanib na puwersa ng Inglatera, Estados Unidos, Alemanya, Pransiya, Rusya, Hapon, Italya at Austriya. Muli itong kinumpuni noong 1903.

Sa simula, ang Sumeer Palace ay isang liwaliwan at bakasyunan ng emperador at mga babae nito, samantalang ang mga suliraning pampamahalaan, pag-aalay at pamumuhay ay ginaganap sa loob ng lunsod. Pagkaakyat sa trono ni Emperador Yongzheng ng Qing Dynasty, ang harden ay simulang naging palasyo sa labas ng lunsod hanggang sa wakes ay tuluyang nanirahan nang mahabang panahon ang emperador sa loob ng harden at doon pinangasiwaa't ginanap lahat ang mga suliraning pampamahalaan, pagbabasa ng aklat at mamasyal. Sa gayo'y naging sentrong pampulitika ang harden.

Ang tarangkahan ng Donggong ay naging "front gate" ng summer palace. Ito'y nasa kanluran pero nakaharap ang gate sa silangan. Magkatugma ang palace gate sa loob at labas sa timog at hilaga at nagtayo ng mga silid para sa mga matataas na opisyales. Pagpasok sa Renshou gate ay naroroon an purok pampalasyo na ang sentro'y ang Renshou Hall. Doon pinangasiwaan ang mga suliraning pampamahalaan habang nakatira sa harden ang emperador o emperatris ng Qing Dynasty. Nasa likuran nito ang tatlong malaking kuwadranggulo o bakurang may mga bahay sa paligid ng patio, ang Yulantang, Yiyunguan at Leshoutang. Si Emperador Guangxu ang minsa'y ikinulong ni Emperatris Dowager sa loob ng Yulantang. Ang emperatris naman ni Guangxu ay nakatira sa Yuyunguan na nasa likuran ng Yulantang, samantalang ang Leshoutang na nasa hilagang kanluran ay ang tirahan ni Emperatris Dowager. Ang malaking entabladong Deheyuan na nasa likod ng Renshou Hall ay isa sa tatlong malaking tanghalan ng Qing Dynasty at siyang pinakamalaking tanghalang itinayo noong Qing Dynasty kung ang saklaw ang pag-uusapan. Ang Leshoutang na tinitirhan ni Empress Dowager ay nakaharap sa Kunming Lake, nasa dakong silangan ang entabladong Deheyuan at nasa kanluran ang mahabang koridor na naging pangunahing bahagi ng purok-tirahan.

Ang likas na bundok at tubig ang ginawang saligan ng konstruksyon sa loob ng Summer Palace. Ang porma ng pagyayao nito'y gumaya sa mga matulain at makasaysayang pook sa timog ng Changjiang River. Hindi lamang tinulad ang ideya kundi pati ang ayos nito at maraming napakagandang mga pasilyo, tulay, pabilyon, bulwagan, bahay, gusali at entablado na itinayo ayon sa mga kondisyong lokal. Ang purok-pasyalan ang kakanggata ng tanawin sa Summer Palace na may tatlong bahagi; ang bundok sa harapan ng Wanshoushan, ang lawang Kunming at ang bundok at lawa sa likuran. Ang bundok sa harap ng Wanshoushan na ang Foxiang Hall ang naging sentro, mula sa Zhihuihai sa ituktok ng Wanshoushan pababa, ang Foxiang, Dehui Hall, Paiyun Hall, Payun Gate at ang Yunhuiyu ang naging isang malinaw na central axis at bumuo ng isang napakagandang prinsipal na grupo ng mga estruktura. Ang Paiyun Hall ay itinayo sa timog ng Wanshoushan sa may bundok. Kapag umakyat ng bundok mula rito ay darating sa pinakamalaking estruktura—ang Foxiang Hall na isang gusaling nakaharap saw along panig, may tatlong palapag at may apat na ulit na sulambi. May prayer wheel sa silangan ng Foxiang Hall at sa kanluran nito ang Baoyun Hall na isang pabilyong minolde ng 207 toneladang anso. Nasa ituktok ng Wanshoushan ang isang bulwagang walang barakilan—ang Zhihuihai.

Nasa timog paanan ng Wanshoushan ang Kunming lake na ang mumunting alon ay kulay bughaw. Kapag mamangka sa Kunming Lake ay makikita sa paligid ang Zhichun Pabilyon, Mahabang koridor, Wanshoushan, Barkong Bato, Anim na tulay sa kanlurang pampang, Longwang Temple, Tulau na may 17 arko at tulay Yudai na waring tumatamasa ng scrool painting nawalang kaparis sa ganda sa lupang engkantada. Talagang lubos na nakapagpaluwag ng damdamin. May isang 728 metrong mahabang koridor sa pagitan ng Wanshoushan at Kunming Lake. Ito ang pinakamabahang pasilyo sa konstruksyon ng harden ng Tsina. Mula ito sa kahabaan ng hilagang pampang ng Kunming Lake at umabot sa kanluran na waring isang makulay na lasong pinagdugtong-dugtong ang mga estruktura sa loob ng harden. May mahigit itong 8000 colored painting at naging isang galeryang nagpapakita ng tradisyonal na kultura ng Tsina at binansagang "Unang Koridor sa Daigdig". Ang kanlurang pampang ng Kunming Lake ay itinayo kagaya ng Suti ng West Lake sa Suzhou.

Malinaw at bughaw ang tubig sa bundok at lawa sa likuran. Abot-langit ang taas ng matatandang puno ng pino at napakatahimik doon. May maraming templong Tibetano roon at maraming mga maliit na tindahan sa Suzhou Street sa tabi ng pampang na tulad ng tanawin ng mga ilog at lawa sa timog ng Changjiang River. Ang marikit na Xiequyuan sa dakong silangan ng lawa sa likuran ay itinayo kagaya ng Jichangyuan ng Wuxi at tinawag na "harden sa loob ng harden".

Ang Summer Palace ay kakanggata ng sining ng paghaharden ng nangakaraang mga dinastiya ng Tsina at muhon ng kasaysayan ng sining ng paghaharden ng Tsina. Mula noong una hanggang sa kasalukuyan, nahahaling ang napakaraming turista sa loob at labas ng bansa dahil sa walang kaparis na halina ng sining ng paghaharden nito at tinaguriang "Paraiso sa Lupa". Noong Disyembre 2 ng 1998, ang Summer Palace ay napabilang sa "Talaan ng Pamanang Pandaigdig" dahil sa "sagisag ng isa sa ilang malalaking sibilisasyon ng daigdig" at naging kayamanang pangkultura ng mundo.