• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-11-26 14:42:04    
Mga Konstruksyon ng Dinastiyang Song

CRI

Ang Song Dynasty (taong 960 hanggang 1279) ay isang dinastiyang medyo mahina sa politika't militar sa matandang Tsina, subali't maunlad naman ito sa ekonomiya, industriyang artisano at komersiyo at higit na nagkaroon ng malaking pagsulong sa siyensiya't teknolohiya. Ang katangian sa mga konstruksyon sa panahong ito ay maselan,maganda at nagbibigay-diin din sa mga dekorasyon.

Ganito ang pagkakaayos ng mga lunsod noongSong Dynasty ;may mga tindahan sa kahabaan ng mga lansangan at sa bawa't lansangan ay may sarili nitong propesyon o linya ng negosyo, at nagkaroon ng bagong pag-unlad sa pagtatayo ng paglaban sa sunog, ng komunikasyon, transportasyon, tinadahan at tulay. Ganap na lumitaw ang isang lunsod komersiyal sa kabiserang Bianliang (kasalukuyang lunsod Kaifeng ng lalawigang Henan) noong Northern Song Dynasty. Binigyang-diin ng konstrusyon ng Tsina sa panahong ito ang espasyo't taas sa kalaliman ng bakuran o silid para palitawin ang pangunahing estruktura at puspusang pinaunlad ang pagkakabit ng kasangkapa't dekorasyon at ang kulay. Ang pangunahing bulwagan at ang Yuzhao Feiliang sa loob ng Jinci Temple ng lunsod Taiyuan ng lalawigang Shanxi ay tipikal na konstruksyon ng Song Dynasty.

Walang tigil na na tumataas ang pamantayan ng konstruksyon ng mga estrukturang ladrilyo't bato noong Song Dynasty na ang panunahi'y mga Budhistang pagoda at mga tulay. Ang Ling Yinsi Pagoda sa lunsod Hangzhou ng lalawigang Zhejiang, Fan Pagoda sa lunsod Kaifeng ng lalawigang Henan at ang tulay Yongtong sa Zhao Xiao ng lalawigang Hebei ay pawang mga tipikal na halimbawa ng mga esrukturang ladrilyo't bato ng Song Dynasty.

Nagkaroon ng tiyak na pag-unlad sa ekonomiya't lipunan ng Tsina noong Song Dynsty, at sa panahong ito simulang sumibol angmga harding nagbibigay-diin sa artistikong konsepsiyon. Pinag-isa ng mga klasikal na hardin ng Tsina ang kariktan ng kalikasan at kagandahang gawa ng tao. Ang artipisyal na bundok,tubig,lambak na bato,bulaklak at punongkahoy sa mga pribadong harding itinayo man o artipisyal ay parehong nagpapakita ng ilang makasining na kalagayan. Kabilang sa Canglangting ni Sushunqin at Duleyuan ni Simaguang ang mga halimbawa ng mga hardin noong Song Dynasty.

Noong Song Dynasty ay naglathala ng isang espesyal na akda ukol sa teknolojiya ng konstruksyon, ito'y ang "Paraa't Porma ng Pagtatayo". Sumasagisag itong sumapit na sa bagong pamantayan ang konstruksyon ng Tsina sa teknolohiya ng inhenyeriya at sa pamamahala sa konstruksyon.