• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-12-06 10:32:28    
Kapaligirang Heograpikal

CRI
Walang kasingganda ang likas na kapaligiran ng Tsina at ito ay makikita sa klima, topograpiya at malawak na anyo ng lupa nito.

Ang Tsina ay isa sa mga bansa na may malawak na climatic zone sa daigdig. Sa dakong hilaga ng Lalawigan ng Heilongjiang sa kahilagaan ng Tsina, may cold-warm zone; patimog, ay ang middle warm zone, medyo mainit na sona, subtropical zone, sonang tropikal at equatorial zone. Lalong lalo na ang mainit na sona at medyo mainit na sona ay bumubuo ng higit na nakararaming lupa ng Tsina. Di gaanong mainit ang klima at kapansin-pansin ang apat na season. Ito ay isang ideyal na lugar para sa pamumuhay at pag-unlad ng sangkatauhan.

Mayroon ding malaking pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga purok sa kondisyon ng humidity sa lupa. Nitong maraming taong nakalipas, 629 milimetre ang taunang karaniwang dami ng presipitasyon sa buong Tsina at mahigit 6 triliyong metro kuwadrado ang kabuuang dami ng presipitasyon sa loob ng isang taon. Samantalang ang iba't ibang purok ay naapektuhan ng hangin sa tag-init, di balanse ang kondisyon ng halumigmig sa lupa at ang distribusyon sa pagitan ng oras at espasyo at nabuo na ang tunguhin ng unti-unting pagkabawas ng humidity sa lupa tungo sa hilagang kanluran buhat sa timog silangan. Sa mga lugar sa dakong timog ng Tsina, malaking malaki ang epektong dulot ng monsoon at medyo malimit ang tubig-ulan. Lalong lalo na, sa mga baybaying purok sa timog silangan, mahigit 1000 milimetro ang taunang karaniwang dami ng presipitasyon. Ang dakong hilagang kanluran ng Tsina na nasa pusod ng Kontenyenteng Asyano-Europeo ay di malakihang naapektuhan ng monsoon, di masyadong malimit ang tubig-ulan. Hindi pa umabot sa 200 milimetre ang dami ng presipitasyon sa ilang purok na hindi kinabibilangan ng ilang bundok. Ang nasabing mga purok, sa karaniwan, ay malawak at desolate o semi-desolate. Wala pang 10 milimetro ang karaniwang dami ng patak ng ulan sa Yueqiang sa loob ng Tarim Basin sa Xinjiang nitong maraming taong nakalipas. Ito ay isang pinakatuyong lugar sa Tsina.

Ang habagat mula sa Silangang Asya ay may pangmalalima't pangmalayuang epekto sa klima ng Tsina. Kung tag-init, karaniwang umiihip ang hangin na timog silangan, mainit at maulan at mas mataas ang temperatura kaysa iba pang rehiyon na nasa magkakatulad na latitude. Sa tagginaw, karaniwang umiihip ang hangin na hilaga, malamig at tuyo at mas mababa ang temperatura kaysa iba pang rehiyon na nasa katulad na latitude. Dahil sa mataas na temperatura kung tag-init, ang maraming purok sa dakong timog ng Tsina ay nagtatanim ng palay, bulak at iba pang pananim.

Ang Tsina ay may iba't ibang uri ng togography. Halimbawa, mabundok na rehiyon, plateaun, basin, kapatagan at burol. Sa nasabing limang uri ng togography, nabuo na ang iba't ibang uri ng natural landscape. Ang Tsina ay isang mabundok na bansa. Ang mabundok na rehiyon, plateau, burol ay bumubuo ng mga 65% ng kabuuang lawak ng lupa ng buong bansa. Ang maraming matataas at mahahabang bulubundukin ay bumubuo ng framework ng togography ng lupa ng Tsina. Ang iba't ibang uri ng malalaki at maliliit na mabundok na rehiyon, talampas at lunas ay bumubuo ng geomorphologic area. Sa topograpiya ng Tsina, mataas ang dakong kanluran at mababa ang dakong silangan. Batay sa nabanggit, ang kabuuang topograpiya ng Tsina ay maaaring mahati sa tatlong bahagdan. Ang unang bahagdan ay buhat sa Great Xing'an Mountains sa dakong hilaga at ang dulo nito ay nasa rehiyon sa dakong silangan ng linya ng Bundok Taihang- Bundok Wushan- Bundok Xuefeng sa dakong timog. Sa bahagdang ito ay may mga kapatagan at burol na ang distansiya mula sa lebel ng dagat ay wala pang 500 metro. Ang tatlong malalaking kapatagan ng Tsina- Northeast Plain- North China Plain- Middle and Lower Yangtze Valley Plains at Dongnan Hills, burol na may pinakamalaking lawak sa Tsina, ay nasa nabanggit na bahagdan din. Ang ikalawang bahagdan ay nasa dakong kanluran ng nabanggit na linya. Matatagpuan dito ang mga talampas at lunas na 200 hanggang 1000 metro ang taas sa lebel ng dagat. Maririto rin ang dalawa sa apat na malalaking talampas sa Tsina- ang Inner Mongolia Plateau at Yunnan-Guizhou Plateau. Matatagpuan din sa bahagdang ito ang malalaking lunas- Sichuan Basin, Tarim Basin, Sungar Basin at Qaidam Basin. Ang ikatlong bahagdan ay Qinghai-Tibet Plateau na may mataas ang topograpiya. Ang talampas na ito ay binubuo ng maraming lebel ng talampas at mataas nang mahigit 4000 metro sa lebel ng dagat at ng isang serye ng mahahabang mountain range. Sa bahagdang ito ay may mahigit 10 peak na mahigit sa 8000 metro ang taas sa lebel ng dagat. Ang Mount Qomolangama ng Himalayas sa hanggahan sa pagitan ng Tsina at Nepal, ay 8848.43 metro ang taas sa lebel ng dagat at ito ang kauna-unahang taluktok sa mundo. Ang Qinghai-Tibet Plateau ay itinuturing na "roof of the world".

Ang tagilid na lupain ay nakakabuti sa pagpasok ng basa-basang airflow sa itaas ng karagatan sa inland ng Chinese Mainland. Ang maraming malalaking ilog na nabuo sa pamamagitan ng tubig-ulan ay paborable sa komunikasyon at transportasyon sa pagitan ng Inland at baybaying-dagat. Dahil sa pag-agos ng nasabing malalaking ilog buhat sa matataas na lugar, nabuo na ang ilang falls at nabuo na rin ang napakalaking hydropower resources. Sa pamamagitan ng nasabing bentahe ng lupa, magkakasunod na nagtayo ang Tsina ng maraming hydroelectric power station sa canyon sector sa Ilog Huanghe at Ilog Yangtze.