• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-12-14 16:30:12    
Tsina, pinahigpit ang pangangalaga sa yamang-isdang-tabang

CRI
Ang lawak ng Ilog Yangtze at mga tributaryo nito ay umaabot sa kalahati ng kabuuang lawak ng tubig-tabang at ang output ng industriya ng pangingisda sa Ilog Yangtze at mga tributaryo nito ay umaabot sa 60% ng kabuuang output ng pangingisda sa katubigang-tabang ng bansa. Kaya naman magkaroon ang Ilog Yangtze ng reputasyong "Duyan ng Industriya ng Pangingisda ng Tsina sa Tubig-Tabang".

Ngunit sapul noong kalagitnaan ng ika-8 dekada ng ika-20 siglo, ang pagkaubos ng yamang-isda sa Ilog Yangtze ay bumibilis sa paglipas ng mga araw at maliwanag na bumababa ang output ng industriya ng pangingisda at ilang yamang-isda ang unti-unting naglalaho. Sinabi ni Mr. Li Jianhua, pangalawang puno ng Kawanihan ng Industriya ng Pangingisda ng Estado ng Tsina,

"Kinakaharap ngayon ng industriya ng pangingisda sa Ilog Yangtze ang mahigpit na kalagayan. Ipinakikita ng mga may kinalamang data na sa ika-20 siglo, umabot na sa mahigit 400 libong tonelada ang taunang output ng pangingisda sa Ilog Yangtze noong ika-5 dekada. Ngunit sa ngayon, mga 100 libong tonelada na lamang ang taunang output, malaki ang ibinaba nito. Ilang uri naman ng isda ang nasa bingit ng pagkaubos ngayon at ilan pa ang talagang halos wala na. malubha ngayon ang kalagayan ng ilang pambihirang uri ng hayop na gaya ng white-flay, dolphin, Chinese sturgeon at river dolphin na nasa bingit na ng extinction."

Noong pagsisimula ng taong 2002, sinimulan ng mga departmento ng industriya ng pangingisda ng Tsina ang pagsasagawa ng mga hakbangin bilang pag-aaruga at pangangalaga sa yamang-isda sa Ilog Yangtze. Ang mga pangunahing hakbangin ay: simula sa ika-1 ng Abril ng taong ito, nagsagawa ang Tsina ng sistema ng ganap na pagbabawal sa pangingisda sa lower at middle reaches ng Ilog Yangtze at sa loob ng tatlong buwan mula araw na ito, ipinagbabawal na ang pangingisda ng mga mangingisda sa Ilog Yangtze. Ipinalalagay ni Li na ang nabanggit na hakbangin ay angkop na angkop sa aktuwal na kalagayan ng Tsina.

"Simula sa taong 1995, nagsagawa na kami ng sistema ng pagbabawal sa pangingisda sa panahon ng tag-init at ang taong ito ay tuluy-tuloy na ikawalong taon ng pagsasagawa namin ng ganitong hakbangin. Kung titingnan ang mga resulta ng isinasagawang hakbanging ito ngayon, sa isang bansa na tulad ng Tsina kung saan malaki ang populasyon ng mga mangingisda, bapor na pangisda at mababa ang pamantayan ng pangangasiwa, ang paraan ng pagbabawal sa isang takdang panahon sa operasyon ng mga bapor-pangisda, pagbabawas sa panghuhuli ng isda ay nagsisilbing isang mabisang paraan para sa pangangalaga sa yamang-isda."

Ayon kay Li na ang pagbabawal sa pangingisda na ito ay sumasaklaw sa limang lalawigan at isang lunsod at sa 900 libong kilometrong kuwadradong tubig. Kabilang dito, 800 libong kilometrong kuwadrado sa trunk line ng Ilog Yangtze at mahigit 300 uri ng isda ang sumasailalim ng pangangalaga.

Upang matiyak ang totohanang pagsasagawa ng nabanggit na hakbangin sa mga lugar sa kahabaan ng Ilog Yangtze, mga 3200 alagad ng batas ng mga departmento ng pangingisda ng Lalawigan ng Hubei, Hunan, Jiangxi, Anhui, Jiangsu at Lunsod ng Shanghai ang nagsasagawa ng pinag-isang aksyon para subaybayan ang pangsasagawa ng nabanggit na hakbangin ng pagbabawal sa pangingisda at bigyang-dagok ang mga lumalabag sa kautusan ng pamahalaan.

Upang maging maayos naman ang pamumuhay ng mga mangingisda sa panahon ng pagbabawal ng pangingisda, nagsasagawa ang mga pamahalaan sa iba't ibang antas ng mga hakbangin na tulad ng pagbibigay ng kompensasyon sa mga mangingisda at iba pa.

Inilahad sa amin ni Mr. Sheng Xiren, pangalawang alkalde ng Nanjing, isang lunsod sa lower reaches ng Ilog Yangtze. Sinabi niyang,

"Pagkaraang isagawa ang hakbangin ng pagbabawal sa panghuhuli ng isda sa panahong tag-sibol, nahihirapan ang mga mangingisda sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Naglaan ang pamahalaan ng pondo bilang tulong sa kanila. Para maigarantiyang hindi makakaapekto ang hakbanging ito sa kanilang pamumuhay. Nagdaos pa ang pamahalaan ng iba't ibang uri ng training session para pataasin ang kanilang kakayahan at makakita sila ng iba pang pagkakakitaan sa loob ng tatlong buwan ng pagbabawal ng pangingisda."

Tinukoy ng mga dalubhasa, ang nabanggit na hakbangin ay isa sa mga hakbanging isinasagawa ng pamahalaan para mapangalagaan ang yamang-isda sa Ilog Yangtze, kung tagalang gustong ibalik ang yamang-isda sa Ilog Yangtze, dapat isagawa pa ang mga hakbangin para mapigilan ang polusyon at mabawasan ang mga di-makatuwirang proyekto ng konstruksyon sa kahabaan ng Ilog.