|
Ang Tsina ay may mahabang kasaysayan at maraming grupong etniko at ang progreso ng nasyon ay makikita sa mga pagbabago sa estilo ng pananamit nito. Sa loob ng ilang libong taon, inilaan ng ilang henerasyon ng mga tagadisenyo ng damit ang kanilang sarili sa pagtatayo ng Kaharian ng Damit o kingdom of clothes at ginawang isang mahalagang bahagi ng kulturang Tsino ang saplot sa katawan ng mga tao.
Ang pagyari ng damit sa Tsina ay matutunton noon pang panahong prehistoriko, mga 7,000 taon na ang nakararaan. Ito ay pinatunayan ng mga artifacts na tulad ng mga karayom na yari sa buto na nahukay mula sa mga guho sa Hemudu sa Lalawigang Zhijiang.
Sa isang fashion show na tinawag na Approaching China: The 2000 American Voyage of Chinese Culture, itinanghal ng mga modelo ang mga pinakamaningning na aspekto ng tradisyonal na pananamit ng Tsina, na mula Spring at Autumn at Warring States periods hanggang Qing Dynasty. Ang Warring States period ay umiral noong 770-221 B.C., samantalang ang Qing Dynasty naman ay noong 1644-1911 A.D..
Ang ideya ng moda ay umabot sa bagong tugatog ng popularidad noong panahon ng Spring and Autumn at Warring States periods. Noong naging madalas ang pagsiklab ng digmaan at noong puspusang pinalalakas ng mga estado ang kanilang puwersa. Ang iba't ibang estilo ng pananamit ay nagpapakita ng "status" ng mga mamamayan at ng mga estadong kanilang pinagmulan.
Ang Jin at Han dynasties (na naghari mula 221 B.C. hanggang A.D. 220), ay saksi sa unipikasyon ng Tsina at sa nasusulat na wika. Si Qin Shihuang, ang kauna-unahang emperador ng Jin Dynasty, ay nagtatag ng maraming sistemang panlipunan o social systems na kinabibilangan ng sistema para sa uniporme upang makilala ang ranggo at estadong panlipunan ng mga tao.
Ang pananamit ng Tsina at kinakitaan ng mabilis na pag-unlad noong panahon ng Wei, Jin at Southern at Northern dynasties (220-589). Noong panahong bago ang taong 265, nagkahalo-halo ang kultura at esthetic views ng mga tao sa hilaga at timog ng Tsina dahil sa mga aksyong sanhi ng madalas na digmaan. Ang maraming "philosophical school of thought" ay nakaimpluwensiya sa pamumuhay ng mga tao at sa konsepsisyon ng disenyo ng damit.
Ang Tang Dynasty (618-907) ay sumulat ng pinakamaningning na pahina sa kasaysayan ng pananamit ng Tsina. Lalong naging iba-iba ang mga kasuotan ng mga tao kaysa dati dahil naging mas bukas sa labas ang estado at lalong naging kosmopolitan ang kaisipan ng mga tao. Maaring sabihin na ang damit ng mga kababaihan dahil mabilis itong nagbabago at mapagparangya. Kapag lumabas ang isang bagong estilo, kaagad na ginagaya ito.
Ang casual wear ay lumitaw noong panahon ng Song Dynasty (960-1279), at ang kasuotan noon ay simple at elegante.

Noong panahon naman ng Yuan Dynasty (1206-1368), nasa kapangyarihan ang Mongolian ethnic group na kilala bilang mga taong nakasakay sa kabayo, kaya ang estilo ng pananamit ay isang kombinasyon lamang ng Mongolian at Han, na siyang estilo ng karamihan. Maluho ang mga damit pero simple at walang anumang adorno.
Nagkaroon ng dramatikong pagbabago noong panahon ng Ming Dynasty (1368-1544). Lumabas ang isang bagong konsepsiyon sa disenyo ng damit na walang limitasyon sa estilo at nagtataguyod ng natural na ganda. Binigyan nito ng bagong lakas at sigla ang kultura ng pananamit.
Noong panahon ng Qing Dynasty (1644-1911), ang mga kasuotan ay naging elegante, balanse at maringal. Sa loob ng 200 taong paghahari ng emperyong Qing, ang buong mundo ay nagkaroon ng dramatikong pagbabago gaya ng Renaissance sa Italya at ng pagkakadiskubre ni Columbus sa Americas, pero ang naturang mga pagbabago ay hindi man lamang nakaapekto sa tradisyonal na pananamit ng Tsina sapagkat ito ay may patakaran noon ng pagpipinid ng pinto. Ang mga tao ay nagsusuot pa rin ng mga damit na nagpapakita ng kanilang ranggo at estilo ng pamumuhay. Ang pag-urong mula sa dayuhang kultura ay nag-iwan ng isang mahalagang pamana para sa tradisyonal na kasuotan ng Tsina.
|