|

Mga tatlumpung libo ngayon ang populasyon ng E Wen Ke nationality. Nakakalat ang mga ito, pangunahin na, sa hilagang silangang Inner Mongolian Autonomous Region at Nahe Prefecture ng probinsiyang Hei Long Jiang. Dati ng mga ninuno nila ay namamalagi sa gawing hilagang silangan ng Lawa ng Baikal at upper reaches ng ilog Shi Le Ka ng probinsiyang Hei Long Jiang. Noong gitnang dako ng ika-17 siglo, nagsimula silang mandayuhan sa kasalukuyang lupang-tinubuan. Dahil sa pagkakaiba-iba ng lokasyon ng kanilang mga tinitirhan, tatlong dialekto ang gamit nila sa kanilang pagsasalita. Pero wala silang sariling letra o titik. Ang gamit ay Mongolian dialect.
Sa kasalukuyan, bagama't ang karamihan sa mga mamamayang E Wen Ke ay namimirmihan na, meron pa ring ilan na nasa nomadic life pa. Naninirahan sila sa gubat sa una sa hilagang kanlurang bundok ng Da Xing An Ling, kasama ng mga puno ng white birch, at larch at nag-aalaga ng reindeer.

Ang tawag nila sa reindeer ay "Si Bu Xiang" o "hindi katulad ng apat na hayop". Ang ulo nito ay parang sa kabayo, ang sungay ay kamukha ng sa usa, ang katawan ay katulad ng sa asno, at ang kuko ay parang kuko ng baka. Maamo ang hayop na ito, at mahusay na mahusay maglakad lalo na sa kagubatan, latian o lupang natatakpan ng snow. Kaya noon pa mang sinaunang panahon, ang reindeer na ang kasa-kasama ng mga E Wen Ke sa kanilang pamumuhay. Sa paghahanap ng mga hayop, ang mamamayang E Wen Ke ay nagpapalipat-lipat ng lugar. Sa panahong tulad nito, kailangan nila ang reindeer para siyang magdala ng mga pang-araw-araw na bagay at ng mga matatanda at bata. Bukod rito, makakain din ang karne at gatas ng reindeer, at ang sungay nito ay mahalagang gamot. Kaya naman, alaga at protektado nila ang hayop na ito,lalo na ng mga babae na siyang responsible sa pag-aalaga ng mga ito.Noong ang E Lun Chuan nationality na isa pang minorya ng Tsina ay nagsimula nang gumamit ng kabayo, ang E Wen Ke na lang ang nag-iisang nasyonalidad ng Tsina na nag-aalaga at gumagamit ng reindeer.
Mahusay din ang mga mamamayang E Wen Ke sa paggawa ng iba't ibang bagay sa pamamagitan ng balat ng white birch. Marami ng kasangkapan silang nagawa mula sa bangaka, bakod na rehas-rehas hanggang sa basket, kahon, balde at mangkok. Tuwing Mayo at Hunyo, lunar year, nagsisimulang magtipon ng balat ng white birch ang mga mamamayang E Wen Ke, sa dahilang sa panahong ito'y matubig ang balat at madaling alisin. Una, hinihiwa muna nila nang pahiga ang palibot ng balat sa itaas at ibaba ng puno bago hinihiwa ito nang paayon o lengthwise. Pagkatapos, makukuha na nang buong-buo ang balat. Lumalambot naman kaagad ang balat sa pagdadarang sa apoy. Kaya nga walang problema ang mga E Wen Ke sa pagtahi nito. Ang isang bagay lang na dapat tandaan ay wiligan ng tubig ang balat sa pagdadarang.

Matibay ang mga kasangkapang gawa sa balat ng birch kahit mabangga o malamigan. Sa mga ito, ang bangka, sa opinyon ko, ang pinakaespesiyal na bagay. Ang katawan nito ay manipis at mahaba, walang ipinagkaiba sa bow at stern. Ang eskeleton ay gawa sa kahon ng willow, na binabalutan ng isang patong ng maputing balat ng birch. Ang buong bangka ay kinokolahan ng pine resin. Di-kapanipaniwala? Sa katunayan, hindi ito ginagamitan ni isan gpirasong bakal I pako. Kayang-kayagn magsakay ng tatlo katao ang bangkang ito pero kaya naman itong pasanin sa balikat ng isang sampung taong gulang na bata. Samantalang sadyang ginawa bilang transportasyon ang bangkang ito,ginagamit din naman itong fishing boat ng mga mamamayang E Wen Ke.
|