• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-03-14 15:14:01    
Bao An Nationality

CRI
Noong mga taong 1600, panahon ng Ming Dynasty ni Emperador Wan Li, itinayo ng autoridad ang lunsod ng Bao An sa rehiyon kung saan'y Tong Ren County ngayon ng probinsiyang Qing Hai na sa kanlurang Tsina. Ang mga mamamayang lokal ay tinawag sa armi para ipagtanggol ang lunsod na ito, at ibinigay sa kanila ang pangalan ng lunsod. Ito ang pinagmulan ng lahing Bao An. Pagkatapos ng mga ilang daang taon, para maiwasan ang pangaapi ng kapangyarihan ng Tibetan nationality ng Tong Ren, lumipat sila sa kasalukuyan nilang lupang-tinubuan na Ji Shi Shan Autonomous Prefecture ng Bao An nationality ng probinsiyang Gan Su. Mga 20 libo ngayon ang populasyon nila, at Islam ang kanilang pananampalataya.

Mahilig ang mga Bao An sa musika. Ang Hua Er, isang uri ng folk song na malaganap sa hilagang kanlurang Tsina, ng Bao An nationality ay isang mahalagang sanga ng Hua Er. Palagi itong ginagamit ng mga Bao An sa pagpapahayag ng pag-ibig. Kung sinasabi nating ang bawa't isang nasyonalidad ay meroong bagay na kanilang maipagmamalaki, broadsword ang maipagmamalaki ng Bao An nationality.

Maganda ang broadsword ng gawa ng Bao An nationality. Bukod sa lubos na technics na ipinakikita nito, ang dekorasyon sa hilt at scabbard ay tunay na sining. Itinuturing ito ng mga mamamayan sa hilagang kanlurang Tsina na pinakamagandang regalo para sa mga kaibigan at kamag-anak. Welkam at welkam din ito sa mga bansang Arabe.

Maraming klase ang broadsword ng Bao An nationality. Sa karaniwan, ang katawan ng espada ay nauukitan ng mga disenyo ng kamay, dragon, plum blossoms, at iba pa, at ang mga disenyong ito ang sumasagisag sa iba't ibang style at pattern ng broadsword. Bukod dito, binibigyan din ng mga mamamayan ang mga broadsword ng magandang pangalan na tulad ng Shi Yang Jing, o assoeted brocade, Bian Qiao, o flat sheath, at iba pa. iyong tinatawag na Shi Yang Jin gang pinakamaganda, at ang pinakatanyag ay ang Bo Ri Ji, at meroong isang alamat hinggil dito.

Sinasabi na noong araw, maganda at masagana ang lupang tinubuan ng mga Bao An, at masayang-masayang namumuhay dito ang mga mamamayan. Pero, isang panahon, may isang demonyo na nagpakita at nagsimulang manguha ng mga batang babae. Natakot dito ang mga tao kaya ayaw na nilang lumbas ng bahay. Si Ha Ke Mu, isang matapang na blacksmith, ang nagdesisyong magtaboy ng demonyong ito para sa mga kanayon. Sindya niyang hanapin ang demonyo sa isang malaking kuweba at sinagupa niya ito sa pamamagitan ng kanyang broadsword. Pero, hindi tumalab man lang sa demonyo ang espada niya. Pagkatapos nito, isang gabi, isa kanyang panaginip, isang matandang may puting balbas ang nagsabi sa kanya: "anak, meroong isang uri ng broadsword na tinatawag na Bo Ri Ji ang makakapagbigay-wakas sa demonyo. Sa itaas ng bundok sa tapat, meroong isang lawa. Sa kanluran nito, meroong isang matandang punong kahoy. Gumawa ka ng isang espada ayon sa hugis ng dahon ng punong ito at huwag mong kalilimutan iukit ang disenyo ng dahon sa katawan ng espada." Dala ang isang Bo Ri Ji, napatay ni Ha Ke Mu ang demonyo at nailigtas ang maraming batang babae. Upang gunitain ang kontribusyon ni Ha Ke Mu, ang hugis ng Bo Ri Ji ay katulad na katulad pa rin noong ito ay unang naimbento.

Napakatalas ng Bao An broadswod, hindi pumupurol o nasisira ang talim nito kahit gamitin sa bakal. Kung ipapatong ang isang hibla ng huhok pahalang sa talim ng espada at hihipuan ito. Sigurong putol ang buhok. Syempre, ang halaga ng Bao An broadsword ay hindi lang naaayon sa talas nito. Sa nang pagkakita ninyo sa Bao An sword napipiho ko na maaakit kayo sa makulay na dekorasyon ng tatangnan nito at sa nagniningning na kulay-pilak na lalagyanan kasama ng 3 kulay-ditales na hoop na yari sa brass. Ang Bao An nationality ay isang sword nationality. Ang kanilang buhay ay may kaugnayan na sa sword sapul noong ipanganak sila. Ang kanilang mga espada ay hindi lamang kasangkapan sa pamumuhay, kundi isa pang perpektong sining.