• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-03-21 13:17:54    
West Lake sa Hangzhou City

CRI
"May paraiso sa kalangaitan at Suzhou at Hangzhou sa planetang mundo." Ganyan inilarawan ng mga sinaunang Tsino ang kagandahan ng dalawang kilalang lunsod ng Silangang Tsina. Ang Hangzhou City, isang sentrong pangkultura na may kasaysayan na 2,000 taon gulang ang tanda, ay nagsisilbi ngayon ng punong lunsod ng Zhejiang Province.

Ang popularidad ng Hangzhou, umaasa panganahin na, sa malarawang West Lake sa kanluran nitong gilid. Ang lawang ito, na may saklaw na anim na kilometro kuwadrado, ay napapaligiran sa tatlong tabi ng makahoy na burol. Sampung "points of interest" ang nakapaligid sa lawa o bahagi nito.

Ang isla ng Lesser Yingzhou ay itinayo sa pamamagitan ng "dredgings" ng lawa noong 1607. Mapupuna lamang ang panghalina ng isla sa tarangkahan nito. May isang "inner lake" sa napapaligiran ng "willows" at mga bulaklak sa sentro ng isang mas maliit na isla. Sa katotohanan, ang "Lesser Yingzhou" ay nangangahulugan ng "lawa sa loob ng lawa at isla sa loob ng isla" sa wikang Tsino. Ang mas maliit na isla na may mga "terraces" at "pavilions" ay naka-ugnay sa pampang sa pamamagitan ng isang sumisigsag na tulay na may 30 liko.

Ang Solitary Hill ay ang sentro ng karamihan ng mga "scenic spot" ng West Lake. Naaabot ang burol na ito mula sa lunsod sa pamamagitan ng Bai Causeway, isang mahabang dike na naaagapayanan ng "peach trees" at "willows". Ipinangalan ang dike kay Bai Juyi, isa sa mga pinakadakilang makata ng sinaunang Tsina, na inibaba ng tungkulin mula sa posisyon niya sa korte hanggang sa pagiging governador na lamang ng lunsod ng Hangzhou dahil sa panunuya niya sa korte sa kanyang mga tula. Sa tatlong taon ng pananatili niya sa Hangzhou, nagpadraga si Bai Juyi ng West Lake, nagpadala ng tubig sa mga nakapaligid na bukid, at tinanggap niya ang pasasalamat ng mamamayang lokal kaya ipinangalan sa kanya ang "causeway".

Ang parke ng Autumn Moon on the Calm Lake ay matatagpuan sa timog-silangang paanan ng Solitary Hill. Ginawa halos 300 taon na ang nakalilipas, makulay ang parke sa napipintahan nitong "pavilions". Ang isang sumisigsag na tulay ay nagbibigay-daan sa isang platapormang bato na halos kalebel na ng tubig, na nag-aalay ng tanawin na para bang nakatayo ka sa tubig- napakakaakit-akit lalo na kung may sinag ng buwan sa aandap-andap na ibabaw nito.

Hindi nawawalan ng bulaklak ang Solitary Hill. Kung tag-sibol, kahali-halina sa mga "plum blossoms" ang Crane Pavilion sa paanan ng burol. Sinasabing noong ika-10 siglo may isang kilalang makatang pinangalanang Lin Hejing na nagpahayag ng kanyang panghahamak sa "corrupat officialdon" sa pamamagitan ng pagtatago nang nag-iisa sa burol habang sumusulat ng tula, nagpipinta, nagtatanim ng "plum trees" at nagpapalaki ng dalawang tagak. Nang mamatay siya, nalanta ang lahat ng 360 niyang "plum trees" at namatay ang dalawa niyang putting tagak, marahil dahil sa kalungkutan. Inilibing ng mga mamamayang lokal ang dalawang tagak sa tabi ng libingan ni Lin at itinayo ang "crane pavilion". Nagtanim din sila ng mas maraming "plum trees" sa burol bilang alaala sa kanya.