• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-04-22 21:30:08    
Ang kultura ng mga pamaypay na Tsino

CRI
Noong sinaunang Tsina, karaniwang yari sa mga balahibo ng pheasant at vulture ang mga feather fans. Napakaganda pero napakamahal din ng ganitong uri ng mga pamaypay na nakayang gamitin ng mga emperador at maharlika lamang.

Ngayon,ang mga feather fan ng Tsina ay yari pangunahin na sa balahibo ng gansa.Ang karamihan sa mga ito ay may hugis-peach at binubuo ng mga 40 balahibo ng pakpak.Sa putting mukha ng pamaypay,may iba't ibang desenyong gawa sa mga kulay ginto at pilak na silk thread.Ang iba ay kinabibilangan ng green peacock feathers na inilahay sa gilid at isang bulaklak na yari sa pulang belbet sa gitna,na naghahandog ng isang marikit na larawan.Kumpara sa mga feather fan,ang Chinese-fan-palm-leaf fan ay may 1500 taong kasaysayan lamang.Mas mura ito at nakapagbibigay ng mas malakas na hangin,bagay na nakapagdadagdag sa popularidad nito.

Napakasalimuot ng proseso ng paggawa ng isang Chinese-fan-palm-leaf fan.Una,kinakailangan mo ang isang magaang berdeng Chinese-fan-palm-leaf na may tangkay na mga 15 sentimetro ang haba.Ilatag mo ito at iwan sa loob ng mga 20 araw,at pagkatapos,hugasan at patuyuin hanggang ito ay maging kulay-jade.Sa sandaling natamo mo na ang akmang kulay,unatin mo ito at gupitin ayon sa laki nito.Pagkatapos,pakinisin mo ang gilid nito na ang gamit ay sinulid.Ang pinakakilalang pamaypay sa klaseng ito ay glass-white fans na yari sa murang Chinese-fan-palm-leaves.Madalas na pinipintahan ang istilong ito.

Noong sinaunang Tsina,karaniwang yari sa mga balahibo ng pheasant at vulture ang mga feather fans.Napakaganda pero napakamahal din ng ganitong uri ng mga pamaypay na nakayang gamitin ng mga emperador at maharlika lamang.

Ngayon,ang mga feather fan ng Tsina ay yari pangunahin na sa balahibo ng gansa.Ang karamihan sa mga ito ay may hugis-peach at binubuo ng mga 40 balahibo ng pakpak.Sa putting mukha ng pamaypay,may iba't ibang desenyong gawa sa mga kulay ginto at pilak na silk thread.Ang iba ay kinabibilangan ng green peacock feathers na inilahay sa gilid at isang bulaklak na yari sa pulang belbet sa gitna,na naghahandog ng isang marikit na larawan.Kumpara sa mga feather fan,ang Chinese-fan-palm-leaf fan ay may 1500 taong kasaysayan lamang.Mas mura ito at nakapagbibigay ng mas malakas na hangin,bagay na nakapagdadagdag sa popularidad nito.

Napakasalimuot ng proseso ng paggawa ng isang Chinese-fan-palm-leaf fan.Una,kinakailangan mo ang isang magaang berdeng Chinese-fan-palm-leaf na may tangkay na mga 15 sentimetro ang haba.Ilatag mo ito at iwan sa loob ng mga 20 araw,at pagkatapos,hugasan at patuyuin hanggang ito ay maging kulay-jade.Sa sandaling natamo mo na ang akmang kulay,unatin mo ito at gupitin ayon sa laki nito.Pagkatapos,pakinisin mo ang gilid nito na ang gamit ay sinulid.Ang pinakakilalang pamaypay sa klaseng ito ay glass-white fans na yari sa murang Chinese-fan-palm-leaves.Madalas na pinipintahan ang istilong ito.

Ang isa pang uri ng pamaypay ay ang silk fan.Tinatawag din ito na round fan o bilog na pamaypay dahil hugis-full-moon ito.Karaniwang yari sa bakal p kawayan ang iskeleton ng silk fan.Buong ayos na inilalagay ang isang piraso ng seda sa iskeleton at pagkatapos,dinedekorasyunan ito ng makukulay na pinta.Noon,popular ang ganitong klase ng pamaypay sa mga batang babae sa court o doon sa mga nagmumula sa mayamang pamilya.

Ang abaniko o folding fans ay ang pinakapopular sa Tsina kahit ngayon.Sinimulan itong gamitin noong 700 taon na ang nakalilipas sa panahon ng Song Dynasty.Ang mga abanikong ginagamit ng mga emperador at kanilang mga ministro ay may "mount" na yari sa ivory,sandalwood o mottled bamboo na karaniwang inuukitan ng mga larawan ng ibon,bulaklak,tanawin at kahit na tula.Ang mga abanikong sinulatan ng mga kilalang tula ay nagsilbi noong magandang regalo sa pagitan ng mga iskolar.Ginagamit din ang mga ito ng mga batang lalaki bilang "love token" sa kani-kanilang kasintahan.Madalas may isang kabagay na palawit na yari sa jade ang abaniko.Kapag nagtipon-tipon noon ang mga ministro sa court,buong pagmamalaking itinatangal nila ang kanilang abaniko.Sa gayon,ang mga abaniko ay nakapagsisilbi rin isang simbolo ng social status.