Ang dating palasyong imperiyal, na higit na kilala ng mga taga-kanluran bilang forbidden city,ay matatagpuan sa likuran ng Tian'an men gate tower sa sentro ng Beijing. 24 na emperador ng Dinastiyang Ming at Qing ang nanirahan dito mula noong kalagitnaan ng ika-14 na siglo hanggang unang dako ng ika-20 siglo.Nakabukas ngayon ang palasyong ito bilang "palace museum",umaakit ng libo libong bisita dahil sa kahanga-hanga nitong arkitektura at mahahalagang koleksyon ng mga bahay na pangkultura at pansining.
Ang mga gusali na may mga siyam na libong kuwarto ay mahigit sa limang daan at animnapung taon na ang tanda at binubuo ng pinakamalaki at pinakakumpletong umiiral na simbolo ng tradisyonal na arkitektura ng Tsina.Ang buong palasyo,na rektangular ang hugis at dalawang daan at pitumpung libong metro kuwadrado ang lawak,ay napapaligiran ng mga pader na 10 metro ang taas at ng isang moat na lumampu't dalawang metro ang lapad.Bawat sulok ng pader ay may isang tore na may bubong na maraming medya agwa at palupo at napapaibabawan ng mga dilaw at makintab na tisa.
Ang konstruksyon ng palasyong ito ay sinimulan noong 1406 sa panahon ng paghahari ng ikatlong emperador ng Ming Dynasty si Yongle.
Ang Nanjing ang orihinal na kabisera ng Ming.Noong unang dako ng ika-15 siglo,si Yongle,na naggagarison noon sa Beijing,ay nang-agaw ng trono ng kanyang pamangking lalaki at ginawa niyang kabisera ang Beijing.Matapos na paghirapang gawin ang proyekto ng isang daan libong artisan at manggagawa sa loob ng 14 na taon,natapos ito sa wakas noong 1420.Ang Imperial Palace ay binubuo ng panlabas na palasyo kung saan tinatanggap ng emperador ang mga opisyal na panauhin at ng panloob na palasyo na nagsilbing tirahan ng pamilyang imperyal.Ang magkaka-ugnay-ugnay na pagbuo ng mga gusali ay nagpapakita ng pinakamagandang katangian ng sinaunang arkitektura ng Tsina—kahanga-hangang estilom,walang depektong konstruksyon,magaling na koordinasyon ng kabuuan at ng mga bahagi.Ang Meridian gate ang pangunahing pasukan sa dating palasyong imperyal.Pagdaan sa archway na ito na 8 metro ang taas,35 metro ang lalim at naiilawan ng elektrisidad,papasok ang mga bisita sa isang malaking bakuran.Ang isang hugis-arkong daanan ng tubig ay umaagos mula sa kanluran ng bakurang ito hanggang sa silangan nito,na binabagta ng limang tulay na may putting harmony na binabantayan ng pares ng parang buhay na tansong leo.Sa loob ng pintong ito sa isang ehe ay may malalaking bulwagan:ang Hall of supreme harmony,hall of central harmony at hall og preserving harmony.Ang lahat ng tatlong bulwagan na 7 metro ang taas ay nakatayo sa 3 baitang na terasa na yari sa putting marmol.Ang mga daluyan ng tubig na nasa hugis ng ulo ng dragon ay nangakahilera sa kahabaan ng base ng mga putting marmol na barandilya.Sa panahon ng malakas na ulan,ang mga ito ay lumilikha ng kahanga-hangang tanawin ng libu-libong hugis ulo ng dragon na nagbubuga ng tubig.
|