|
Ang Longmen Grottoes ay matatagpuan sa pagitan ng matatarik na dalisdis sa silangan at kanluran ng Banging Longmen. Mga 12.5 kilometro anglayo nito mula sa timog karatig ng lunsod Luoyang ng lalawigasng Henan sa gitnang Tsina. Dalawang magkatapat na bundok sa silangan ar janluran ang Bundok Longmen at Bundok Xiangshan. Dumadaloy sa pagitan ng 2 bundok ang Ilog Yishiu.
Sapul noong Dinastiyang Tang ,tinawag itong Longmen.Sentro iyon ng komunikasyon.Talagang napakaganda ng tanawin ng luntiang bundok at malinaw na tubig. Kaiga-igaya ang klima doon. Bantog na matulaing lugar para sa mga turistang eskolar at mga mahilig sa kaligrapiya. Maganda ang kalidad ng mga bato sa lugar na kinaruruunan ng Longmen Grottoes. Bagay na bagay sa opang-uukit ,kaya pinili ng mga tao noong unang panahon ang lugar na iyon nag magtabtab doon ng mga grotto.

Ang Longmen Grottoes at ang Magao Grottoes ng Dunhuang ng lalawigang Ganshu pati ang Yungang grottoes ng Datong ng lalawigang Shanxi ay tinaguriang tatlong pinakamahalagang kabang yaman ng sining ng paglilok sa bato.
Sinimulan noong huling dako ng ika-5 siglo ang pagtabtab ng Longmen Grottoes habang inililipat sa Luoyang ang kabisera ng Dinastiyang Hilagang Wei at nagtaong pumasok noon sa Tsina ang relohiyong Budismo,kaya puspusang nagtabtab ng mga grotto. Higit sa lahat,sumasamba noon sa Budismo ang emperyal na pamilya. Sinimulan ni Emperador Xiao Wendi ng Dinastiyang Hilagang Wei (471-477) ang pagtabtab ng mga grotto ng Budismo sa Bundok Longmen sa dakong timog ng Luoyang. Pagkatapos, ang mga dinastiya ng Hilagang Wei ,Tang,Song ,at 3 pang dinastiya ay nagtabtab doon ng mga grotto sa malawakang saklaw. Tumagal ng mahigit 400 taon saka natapos..Sa ngayon ay may 1500 taon nang kasaysayan. Humigit kumulang sa isang kilometro ang haba ng Longmen Grottoes mula timog hanggang hilaga.Sa ngayo`y nakapagpapanatili pa ng 1352 grotto,785 dambana para sa mga istatuwa ng Buddha , mahigit 50 tore ng Budismo,mahigit 97000 istatuwa ng Buddha at mahigit 3680 lapidang nagtatala ng mga pangyayari. Sangkatlo sa mga dambana para sa mga istatuwa ng Buddha ay ginawa noong Dinastiyang Hilagang Wei,.Dalawang katlo ang sa Dinastiyang Tang na pawing nagpapakita ng katangian ng pambansang estilo ng Tsina.

Bahagya lamang ang impluwensiya ng sining ng Budismong galing sa labas maging sa kaugalian,kassuutan at pamamaraan ng paglilok ng mga istatuwa sa Longmen Grottoes. At umabot na sa kahusayan at kasukdulan ang sining ng grotto ng Tsina. Habang dahan-dahang naglalakad sa makikitid na daang bato sa bundok Longmen masasaksihan ang mga kuweba ng Guyangdong,Binyangdong at Wanfudong na may kanya-kanyang katangian. Magkaiba ang mga istatuwa NG Buddha ng mga dinastiya ng Wei ,Timog-hilaga at Tang. Higit na mabunyi at mahusay ang mga istatuwa ng Buddha sa templo ng Fengxian at ang mga batong Buddha ng Loxeinna.Lubos na nagpapakita ng kahanga-hangang pagkamakasining ng mga artisano ng Dinastiyang Tang na nag-iwan ng mayamang pamanang pangkultura para sa mga susunod na henerasyon.
Nagpapakita ng sining ngn kultura ng Budismo ang Longmen Grottoes.Sinasalamin din niyon ang moda ng pulitika,ekonomiya,lipunan at kultura sa panahong iyon..Napapanatili pa rin hanggang ngayon sa grotto ang maraming tunay na material hinggil sa relihiyon ,sining,konstruksyon,kaligrapiya ,musika, kasuutan, medisina at iba pa. Kaya karapat-daspat itong taguriang malaking museo ng sining sa paglilok sa bato.
Nasa katimugan ng Bundok Longmen ng lunsod Luoyang ang Kuwebang Guyangdong. Itinayo ito noong taong 493 bago at pagkatapos ilipat sa Luoyang ang kabisera ni Emperador Xiaowendi ng Dinastiyang Hilagang Wei. Isa iyong kuwebang may pinakamaraming nilalaman at pinakamaagang tabtabin sa Longmen Grottoes. Samagkabilang dingding nito`y may nakaukit na tatlong dambana para sa istatuwa ng Buddha. Napakaganda ng mga naipong bagay. Masagana`t makulay ang pagkakadesenyo. Mataimtim at mahinahon ang itsura ngmga larawan,buhay na buhay at nakabibighani at payak ang mga larawan ,lapida na kinasusulatan ng mga pangyayari at kaligrapiya, l9 sa 20 groto ng Longmen ay nasa naturang yungib.Mahahalagang bagay iyon para sa pananaliksik ng kasaysayan ng kaligrapiya. Ang tatlong kuweba ng Bingyang ay nasa dakong hilaga ng Bundok Longmen sa lunsod Luoyang.Sinimula noong taong 500 ni Emperador Jingming ng Dinastiya ng Hilagang Wei ang pagtabtab sa panggitnang kuweba..Tumagal ng24 na taon bago matapos iyon.Samantalang ang mga kuweba sa timog at hilaga ay sinimulan inukitan sa Dinastiya ng Hilagang Wei at natapos noong unang dako ng Dinastiyang Tang. Ang panggitnang kuweba sa Binyang ang siyang sagisag ng grotto ng Dinastiya ng Hilagang Wei.Matipuno at simple ang anyo ng ll istatuwa ng Buddh sa loob nito.Ginaya ito sa katangian ng paglikha ng istatuwa ng Yungang Grottoes at at sa masagana at teyalidtikong istilo ng paglikha ng istatuwa ng Dinastiyang Tang.

Ang Lianhua dong o kuweba ng Lutos ay nasa kanluran ng Bundok Longmen ng Luoyang. Sa labas ng grotto ay masy nakaukit na dalawang titik na Yique ng Dinastiyang Ming kaya tinawag itong kuwebang Yique na inukit noong huling dako ng Dinastiya ng Hilagang Wei..5.1 metro ang taas ng pangunahing istatuwa ni Sakyamuni sa loob ng kuweba ,gasgas na ang mukha at mga kamay.Maraming dambana para sa istatuwa ng Buddha sa loob ng kuweba na napakahusay at maganda ang pagkakayari .Sa kaitaasan ng kuweba ay may nakaukit na malaking lotus..Maganda ang pagkakayari at mahusay ang paglilok,kaya tinawag itong kuweba ng Lotus.
Nasa dulong timog ng Bundok Longmen ng lunsod Luoyang ang templo ng Fongxian na ginawa noong taong 672 sa panahon ni Emperador Xianheng ng Dinastiyang Tang. Inukit at6 tinabtab ito sa utos ng kakaisang Emperadora sa kasaysayan ng Tsina na si Wuzetian. Natapos ito sa loob ng 4 na taon .Ito ang pinakamalaking open-air altar sa Longmen Grottoes na siyang pinakamahusay na sining ng paglilok ng Dinastiyang Tang.Pagkaraan ng Dinastiyang Tang,ang paglikha ng larawan sa grotto ay naaangkop sa pagpapahalaga ng sining sa panahong iyon na nagpapakita ng katangian,pagkamatipuno at pagkamaringal. 36 na metro ang lapad ng dambanang ito ng istatuwa ng Buddha mula timog pahilaga at 41 metro ang lalim mula silangan pakanluran na inuukitan ng ll istatuwa ng Buddha.Binubuo iyon ng malaking Buddha Lusena sa gitna na l7.14 metro ang taas, ang paris-paris na disipulo ng Buddha,hari ng langit ,malakas na tao at tagapag-alay.Maburok ang pisngi ng Buddha Lusena,mahaba ang mata at kilay.Bahagyang nakapintad ang bibig. Nagpapakita ng pagmamalasakit sa sangkatauhan at napatitingkad ang talino, na siyang minimithing emahen ng peudal na emperador ng Tsina. Kaya itinuturing itong umabot na sa kasukdulan ang kahusayan ng sining ng Budismo ng Tsina.
Nasa kalagitnaan ng Bundok Xishan ng Longmen ang kuwebang Wanfu.Natapos ito noong taong 680 sa panahon ni Emperador Yonglong ng Dinastiyang Tang.Ang magkabilang dingding ng kuweba ay masinsinang inukitan ngmga dambana para sa mga istatuwa bg Buddha at maliliit na Buddha na umaabot sa l5,000 lahat-lahat .
Sa ika-24 na sesyon ng komite ng pamanang pandaigdig ng UNESCO noong Nobyembre ng taong 2000,inilakip ang Longmen Grottoes sa Listahan ng Pamanang pandaigdig.
|