• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-05-06 23:01:24    
Isang dakilang epiko ng Tsina

CRI
Si Ren Naiqiang ay isang batikang Tibetologist. May angkin din siyang galing sa pag-aaral tungkol kay haring Gesar. Noong ika-17 taon ng republika ng Tsina (1912-1949), gumawa siya ng isang pagsusuri sa purok na Kham. Batay sa pagsusuring ito'y nagkaroon siya ng konklusyon na:

"Ang kasalukuyang purok sa ilalim ni Headman Ling Cang sa Yarlung River Valley ay tinatawag na Xiongba. Si Gesar ay isinilang sa Chacha Temple. Pagkatapos ng kanyang pagsilang ay nagsimulang dumami ang mga damo't bulaklak sa buong taon. Nasa loob ng templo ang kanyang mga sandata at isang sagisag na ivory-dalawang residenteng monghe ang umuusal ng sutra roon. Ilan sa kanyang mga ari-arian ang inilipat ng isang madyikerong lama sa Xiangdana, Bayang Xiangqian sa lalawigan ng Qinghai."

Si LiMing ay nanirahan sa purok ng Kham sa loob ng maraming taon. Noong ika-30 taon ng Republika ng Tsina, pumunta siya sa Dege para sa isang pagsusuri. Pagkatapos ay nag-aral siya ng mga doktrinang Buddhista sa Templong Zuping sa Dege. Ayon sa kanya,

Si Gesar ay ipinanganak sa isang purok sa silangan ng Shiqu sa kanlurang pampang ng Ilog Yarlung. Tinatawag itong Xiongba at nasa ilalim pa rin ng hurisdiksyon ni Headman LingCang na nagtayo ng isang templo bilang family temple. Sinabi sa alamat na lumago ang mga damo sa purok na sinilangan ni Gesar. Isang altar ang itinayo sa kasalukuyang templo na nagtatago ng mga sandata at isang sagisag na ivory ni Gesar. Ang karamihan sa ari-arian ni Gesar ay inilipat ng isang lama, na may mahiwagang kapangyarihan, sa Xiangdana sa Xiangqian na tinatawag ding Lungqing."

Sa wikang Tibetano ang Dege ay nangangahulugan ng "isang purok na may magandang-loob". Puno ito ng mga relikyang pangkultura na ipinalalagay ng alamat na gawa ni Haring Gesar.

Mga dalawang kilometro ang layo mula sa Bulwagang Surta ni Haring Gesar ay may isang malaking batong nagtataglay ng mga bakas ng puwit ng bata at kanyang mga paa. Ayon sa alamat, si Gesar ay may taglay na mahiwagang kapangyarihan, tinalo niya ang tatlong demonyong ibon nang siya'y isang batang may tatlong taon lamang ang edad. Matatagpuan ang kuwento sa aklat ng Pagsilang ng Bayani kay Haring Gesar.

Sa dakong kaliwa ng Bulwagang Sutra ni Haring Gesar ay may isang bukal na ang ibinubulwak na tubig ay kasing linaw ng kristal. Matatagpuan din ang naturang salaysay sa aklat na Pagsilang ng bayani kay King Gesar.

Sa Bundok Tamranma sa Gyike, bayang Shiqu ng Prepekturang Garze ay may isang bukana ng bundok na tinatawag na Gege sa wikang Tibetano. Ayon sa alamat, tinatangka ng tiyuhin ni Gesar na paslangin ang bata sa pamamagitan ng isang mangkukulam. Ang huli'y tumakas sa bundok at nang makita niya si Gesar sa kalayuan ay sumambit siya ng "GeGe". Mula noo'y "GeGe" na ang tawag sa bukana ng bundok at may isang bato roon na kamukha ng larawan ng mangkukulam.

May iba pang mga lugar na sinasabing may kaugnayan kay Haring Gesar. Kabilang dito ang isang napakatanda nang kastilyo na ipinalalagay na itinayo sa panahon ni Haring Gesar. Ang ilan sa mga templo'y naglalaman ng pananggalang na ginamit ng hari, pero hindi ito kumpirmado.

Ayon sa aming pagkakaalam, si Gesar ay isang Tibetano. Siya'y isinilang noong ika-11 siglo sa Jisuya sa Xiongbaji, Nayong Axu, Bayang Dege ng Garze. Isinilang na mahirap, nagtrabaho siya bilang isang pastol sa kanyang kamusmusan. Nakipag-isang dibdid siya kay Zhumao at nakipagtulungan sa kanyang bayaw sa pagtatayo g isang hukbong may 30 heneral at laksa-laksang tauhan. Tinalo nila ang mga kaaway at itinayo ang Estado ng Ling sa Ozhu Township sa Dege County.

Ginawa ang Ozhu bilang kanyang base, nakipaglaban si Gesar sa kasalukuyang Golog, Yushuo, Garze, Xinlong, Daofu, Seda, Luohuo, Aba at Qamdo. Ang kanyang 30 heneral ay binigyan ng lupa upang maghari sa Baiyu, Dengke, Shiqu, Golog, Yushu at Qamdo.

Nang siya'y tumanda na, ipinasiya ni Gesar na bumalik sa kanyang lupang tinubuan mula Qamdo. Pagdating sa Dengke, ang kanyang kabayo ay ginulantang ng isang aso at ang hari'y nahulog sa kabaho at namatay. Ang kanyang mga anak ang pumalit sa kanyang paghahari, at sa panahon ng mga dinastiyang Yuan, Ming at Qing at sa panahon ng Republika ng Tsina ay kinikilala sila bilang Headman Ling Cang.