• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-05-31 19:49:59    
Sektor ng tingian ng Tsina, komprehensibong binuksan sa labas

CRI
Sa malalaking lunsod ng Tsina, makikita mo ang iba't ibang uri ng malaking tindahan na kinabibilangan ng mga department stores na pinatatakbo ng mga katutubong kompanya at mga supermarket na itinayo ng mga transnasyonal na kompanya na gaya ng Wal-mart, Carrefour, Metro at iba pa. Pawang nagkakaloob ang mga tindahang ito ng magandang paninda at mainam na serbisyo sa mga mamimili.

Si Madam Su Adai ay isang "white collar" employee sa Beijing at isa sa kanyang mga paborito sa malayang oras ang pagshoshopping. Ayon sa kanya, maraming department stores sa Beijing at mahigpit ang kompetetisyon sa pagitan ng mga katutubong department stores at shopping malls na pinatatakbo ng pondong dayuhan. Anya, nagkakaloob ito ng malaking kapakinabangan sa mga karaniwang mamimili na gaya niya.

"Bilang isang mamimili, ipinalalagay ko na ang pagpasok ng mga pondong dayuhan sa sektor ng tingian ng Tsina ay nagbibigay sa amin ng maraming pakinabang. Nagkakaloob sila, kasama ng mga katutubong kompanya, ng mas masaganang paninda sa mga mamimili, sa gayon, mas maraming napagpipilian kaming mamimili. Dahil naman sa kompetetisyon ng mga tindahan, bumababa ang presyo ng mga paninda at ito ay makakabuti rin para sa mga mamimili."

Noong taong 1992, binuksan sa labas ang sektor ng tingian ng Tsina. Hanggang sa kasalukuyan, sa 50 pinakamalaking grupo ng tingian ng buong daigdig, mahigit 40 na ang nakapagbukas na ng negosyo sa Tsina at ang bilang ng kanilang mga tindahan ay lumampas sa dalawang libo. Sa malapit na hinaharap, bukod sa mga malaking lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai, Guangzhou at iba pa, lilitaw rin ang mga tindahang pinatatakbo ng pondong dayuhan sa mga may katamtamang laki at maliliiit na lunsod ng Tsina. Dahil alinsunod sa pangako ng Tsina sa paglahok sa WTO, mula noong ika-11 ng buwang ito, ilang araw na ang nagdaaan, komprehensibong binuksan sa labas ang sektor ng tingian ng Tsina at walang limitasyon sa lugar at bilang sa mga kompanyang dayuhan para magtayo ng tindahan sa Tsina.

Ang mga pinakamalaking kompanya ng tingian sa daigdig na gaya ng Wal-mart, Carrefour at Metro ay pawang lipos ng pananalig sa kanilang prospek sa Tsina at mayroon silang pangmalayuang plano ng pag-unlad. Nang muling dumalaw kamakailan sa Tsina, sinabi sa mga mamamahayag ni Lee Scott, president at CEO ng Wal-mart, na lubos na ikinasisiya niya ang pag-unlad ng Wal-mart sa Tsina at lipos siya ng pananalig sa hinaharap ng Wal-mart. Sinabi niya,

"Nitong 8 taong nakalipas, namumuhunan ang Wal-mart sa Tsina at nagbukas ng mga tindahan sa ilang lunsod. Ikinagagalak kong sabihin na sa kasalukuyan, mabilis na umuunlad ang Wal-mart sa Tsina, lumalaki ang aming sales volume, bilang ng mga empleyado at ng mga tindahan. Binuksan namin kamakailan ang ika-40 tindahan sa Tsina at sa susunod na taon, mahigit 10 pa ang bubuksan namin."

Kasunod ng pagpasok ng mga pondong dayuhan sa sektor ng tingian ng Tsina, lumalakas ang presyur at hamon sa mga Tsinong kompanya ng sektor ng tingian. Ngunit, handa-handa na ang mga kompanyang Tsino para maharap ang mga presyur at hamong ito. Nagsasagawa sila ng mga hakbangin para mapalawak ang kanilang saklaw at mapataas ang kanilang kakayahang kompetetibo. Kasabay nito, ipinahayag din nila na sasamantalahin nila ang pagkakataong ito para tularan ang mga matagumpay na karanasan ng mga transnasyonal na kompanya. Kaugnay nito, sinabi ni Wang Lihong, may kinalamang namamahalagang tauhan ng Gome Group, pinakamalaking chain-store na ang espesyalidad ay kagamitang elektroniko, na,

"Sa hinaharap, sa isang banda, isasama namin ang mga iba pang kompanya para mapalawak ang saklaw namin at lalo pa naming patitingkarin ang sariling bentahe para mapalakas ang kakayahang kompetetibo. Sa kabilang banda, makikipagtulungan kami sa mga kompanyang dayuhan para maisakatuparan ang isang win-win situation."

Kasunod ng paglaki ng kabuhayan ng Tsina, walang humpay na tumataas ang lebel at kakayahan ng konsumo ng mga mamamayang Tsino. Maaaring sabihin na kapuwa may pagkakataon at hamon sa pamilihan ng tingian ng Tsina.