|
Nang matapos na ang proyekto ng agusan ng Ilog Baopinkou, bagaman nailihis na ang tubig at nagamit na ito sa patubig, pero dahil medyo mataas ang kalagayan ng lupa sa dakong silangan ng ilog, mahirap papasokin ang tubig sa Baopinkou. Naglagay sila sa pusod ng ilog ng mga sisidlang yari sa kawayan at punong-puno ng mga maliliit na bato para gumawa ng isang pahabang maliit na pulo, kawangis ito ng bibig ng isda, kaya tinawag na Yuzhui. Pagkadaan ng Ilog Minjiang sa Yuzhui, mahahati sa ilog na panloob at ilog na panlabas ang Ilog Minjiang, ang ilog na panlabas ay dumadaloy tulad ng dati, samantalang ang Panloob na ilog ay dumadaloy sa isang kanal, tapos ay papasok sa kapatagan ng Chengdu sa pamamagitan ng Baopingkou.

Nalutas sa siyentipikong paraan sa pagkakatayo ng Dujiangyan Irrigation System, ang mahihirap na problemang gaya ng automatikong pagpapalihis ng tubig, automatikong pagpapatapon ng buhangin, automatikong pagpapaalis ng tubig at pagpapadaloy ng tubig. Nagkabisa sa pagpapatubig sa mga bukirin, pag-ibis sa umaapaw na tubig at pag-iwas sa kapahamakan. Isa itong kagila-gilalas na pangyayari sa kasaysayan ng proyekto ng patubig sa daigdig. Hangang-hanga ang mga dalubhasang Tsino't dayuhan sa mataas na pamantayan ng siyensiya ng Tsina nang mapagmasdan nila ang mahusay na pagkakadesenyo ng buong proyekto ng Dujiangyan.

Hindi lamang may praktikal na kahalagahan ang Dujiangyan, napakaganda ang kawili-wili din ang tanawin sa kalapit na lugar nito at may napakaraming relikya. Maakit ng napakaraming turistang Tsino't dayuhan ang mga magagandang bundok, ilog, harden, at ang nakaaangtig damdaming alamat at mga relikyang tulad ng Templo ng Fulongguan, Templo ng Erwangmiao, Tulay ng Anlansu, Templo ng Yuleiguan, Parke ng Lidui, Parke ng Yulieshan at Templo ng Lingyan.

Sa pamamagitan ng natatanging sining ng arkitektura ng patubig, ang Dujiangyan Irrigation system ay nakalikha ng estilo ng patubig na maigayang umaakma sa kalikasan. Nakalikha ito ng kapaligiran ng tubig sa kapatagan ng Chengdu. Sa gayo'y nakapaglinang ng matabang lupa para sa pagpapayabong at pag-unlad ng kultura ng Sichuan. Ang Dujiangyan Irrigation System ay hindi lamang kaisa-isang proyekto ng patubig noong sinaunang panahon na may mahigit 2000 taon nang kasaysayan, kundi magpahanggang sa ngayo'y gumaganap pa ito ng mahalagang papel. Isa rin itong mahalagang pamanang pangkultura na pinagsama-sama ng pulitika, relihiyon at arkitektura.
Ang Bundok Qingcheng at Dujiangyan ay nailakip sa "Talaan ng Pamanang Pandaigdig sa ika-24 na sesyon ng komite ng pamanang pandaigdig ng UNESCO noong Disyembre ng 2000.
|