• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-06-10 16:39:29    
Ang mga Tugatog ng Bundok Huangshan

CRI

Sa matulaing purok ng Huangshan , nagpapataasan at nagpapaligasahan sa kagandahan ang mga bundok, kalat-kalat pero maayos ang mga malalaki't maliliit na bundok, natural na natura at walang gayak. Mayroon doong 77 bundok na mahigit 1000 metro ang taas. May 36 malalaki at matatarik na bundok, may 36 na burol na napakatarik at napakarikit. Tatlong pangunahing tugatog ng Huangshan ang Lianhuafeng o Lotus Peak, ang Guangmingding peak at Tiandufeng peak na pawang mahgiit sa 1800 metro ang taas mula sa kapatagan ng dagat. Parang tatlong paa ng tripot. Napakatarik at lumalagos sa ulap. Tinagurian itong "Tatlong mahal na anak ng kalangitan". Pinakamataas ang Lotus Peak sa tatlong pangunahing tugatog, na umaabot ng 1860 metro ang taas mula sa kapatagan ng dagat. Ang kalaliman nito'y lambak at liblib na dalisdis. Samantalang ang tampok na bahagi'y mga matataas na bundok at bangin, nagpapakita ng tipikal na halimbawa ng gubat ng mga bundok. Ipinalalagay ng mga nakapamasyal na sa Huangshan na kailangang umakyat sa tugatog saka matatanaw ang pinakamarikit na tanawin ng Huangshan, higit na mainam kung may alapaap. Sa pag-akyat sa mahigit 1800 metrong ituktok, at malasin ang papawirin, mapagmamasan ang nagtitipon-tipon sa bulubunduking kakatuwang tuktok na may kung ilang libong metro ang taas na tuwid na nakadindik wari baga'y sinusuhayan ang langit. Napakatirik talaga. Nagpapaligasahan sa kagandahan ang mga punong pino sa malalalim na libis at nagpapagandahan ang mga kakatuwang bato sa kababalaghang ituktok ng bundok. Balot ng ulap ang ituktok at dalisdis, umaahinag ang makukulay na sinag ng araw ng mabatong kabundukan. Nagtitipon dito ang kariktan ng malawak na kalikasan, at dito rin nagiging dalisay at malayo sa masamang kaugalian, na nagpapakita ng marangal na diwa at kagitingan. Sa harap ng Huangshan, naging makitid ang kalawakan, at naging karaniwan ang malaking pagbabago sa buhay. Ang Huangshan ay ipinagyayabong ng malawak na kalikasan. Kimkim nito ang kariktan ng kakatuwang bundok sa mundo. Ang Huangshan ay itinuturing na karagatan ng tugatog at ulap. Nahahati sa limang dagat ang buong bulubundukin, alalaon baga'y ang Beihai, Qinhai, Xihai, Donghai at Tianhai, samantalang nasa pagitan ng Qianshan at Houshan.

Mayayabong ang mga punongkahoy sa Huangshan at napakarami doong matatandang puno. Natatakpan ang 86.6% ng kagubatan ng mga punongkahoy. Mayroon doong mga 1500 uri ng halaman at mahigit 500 klase ng hayop. Higit na nagpapakita ng kagandahan ang mga pinong tumutubo sa tugatog at lambak. Umaabot ng ilampung libo ang matatandang puno ng pinong may mahigit 100 taon na. Napabantog ang 31 sa mga iyon na kinabibilangan ng Yingkesong, Songkesong at Wulongsong. Kawili-wiling bato sa Huangshan ang nabigyan ng pangalan. Mahigit sa 120 at napabantog sa mga iyon ang mga batong tinatawag na Jinjijiaotianmen, Songshutiaotiandu at Houziguanhai. May iba't ibang itsura ang alapaap sa Huangshan. Malinis ang tubig ng hot spring sa Huangshan, puwedeng inumin at maligo doon. Nasa gawing kaliwa ng bahay Yupinlou ang Yingkesong na tumutubo sa bitak ng batong 10 metro ang taas nito at 0.64 metro ang kabilugan ng katawan ng puno ng pino na may 800 taon na. Umuunat sa isang tabi ang mga sanga ng puno, parang inilalahad ang bisig para salubungin ang mga panauhin. Parang matatag at mapagbigay-loob, napakaganda ng itsura nito. Palatandaan ito ng Huangshan. Sa Anhui Hall sa Dakilang Bulwagang Bayan ng Beijing ay may nakasabit na malaking iron picture ng Yingkesong ng Huangshan. Kadalasay dito nagpapakuha ng letrato ang mga ldier ng partido't estado ng Tsia kasama ang mga panauhing dayuhan Ang Yingkesong ng Huangshan ay hindi lamang sagisag ng Huangshan, kundi sumasagisag ito sa kagandahang loob ng sambayanang Tsino sa magiliaw na pagtanggap ng mga bisita. Noong 1994, nagsabit din sa Silangang Bulwagan ng Dakilang Bulwagang Bayan ng Beijing ng isang tradisyonal na Chinese Painting "Yingkesong" Katha iyon ng pintor na tag-Huangshan na nagngangalang Liu Hui.