• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-06-21 13:24:15    
Temple of Heaven

CRI
Nakaluklok sa dakong timog ng Beijing ang Tiantan na nasa timog silangan ng Tian'anmen.

Ito ang pinakamalaki sa mga napananatili pang sinaunang konsytuksyong may katangian ng pagsamba sa Tsina. Itinayo ito noong taong l420 ng Dinastiyanfg Ming.

Dati'y tinawag itong Tianditan o templo ng langit at lupa. Dito sinasamba ng mga emperador ng mga dinastiyang Ming at Qing ang diyos ng langit at lupa pero sapul nanf itayo noong taong l530 sa hilagang karaig ng Beijing ang templo ng lupa, langit na lang ang sinasamba sa templong ito at dito nananalangin ng masaganang ani..Kaya pina;itan ito ng pangalan at tinawag na Tiantan o templo ng Langit. Masusing inobserba at pinag-aralan ang pagdesenyo ng konstruksyon ng Tiantan. May panloob at panlabas na pader ang pangunahing konstruksyon at ang lugar ng pagsamba ay nasa loob ng temploAng mga pangunahing konstruksyon ng Tiantan ay nakakonsentra sa kalagitnaan ng templo mula timog pahilaga..Nandito din ang Huanqiu o Circular Mound Altar at ang Qigu o Prayer for Grain ( Panalangin sa Pagkaing butil )May pader sa pagitan ng bawat indibidual na konstruksyon na pinag-uugnay naman ng isang batong tulay na may 360 metro ang haba at 30 metro ang lapad. Nasa gawing timog ang Huanqiu samantalang nasa hilaga ang Qinaindian o Hall of Prayer for Good Harvest.Sa kalagitnaan ngtemplo ay may isang mataas at maluwang na batong daan na tinatawag na daan ng Diyos. Mas mataas ito sa lupa. Sa pag-akyat doon ay matatanaw ang buong paligid.Una'y masusulyapan ang walang hanggang kalangitan at ang Qiniandian na siyang sagisag ng langit. Damang dama na wari baga'y malapit na sa langit.Tinatawag na Haimandadao ang batong daang ito. Sapagkat ipinalalagay ng mga tao noong unang panahon na sa pagpunta sa Tiantan at magsamba sa langit ay para na ring nakaakyat na sa langit. Samantalang sa katunayan,napakalayo at napakahaba naman ang landas patungo sa langit mula sa daigdig ng sangkatauhan. Kungtitingnan ang tanawin mula sa kaitaasan,ang Daan ng Diyos sa gawing timog ay hugis kuadrado at hugis kalahating bilog ang sa gawing hilaga..Ipinakikita nitonh akala ngmga Tsino noong unang panahon na hugis pabilog ang langit at kuadrado ang lupa. Samantalang ang pader na pumapaligid sa Tiantan ay tinaguriang pader ng langit at lupa. Ang Huanqiu sa gawing timog ay lugar na kinaruruunan ng Diyos ng Langit. Samantalang ang Qigutan sa gawing hilaga ay lugar ng pananalangin para sa masaganang ani. Pangunahing konstruksyon ng Tiantan ang Qiniandian0Bulwagan ng panalangiin para sa masaganang ani na siya ring pinakaeleganteng konstruksyon sa loob ng Tiantan. Bawat taon ay nagsasamba dito sa langit ang mga emperador at nananalangin ng mainam na panahon para sa mga pananim at magkaroon ng masaganang ani sa pagkaing butil. Hugis bilog ang Qiniandian na 32 metro ang diyametro at 38 metro ang taas. Triple ang medya-agwa , ang taluktok nito'y pinuputungan ng bolang durado sa ginto. Yari sa makintab na baldosang kulay asul ang bubungan; napakaganda ng deboho sa poste sa loob ng templo na tinatawag na Dragon Wall Pillar, eleganteng elegante,nangingislab at nakasisilaw.. Sa gitna ng batong sahig ay may isang tipak na marmol na may debohong dragon at phoenix.. Sumasagisag ng pagsasamahan ng langit at tao. Pambihira ang pagkakayari ngtemplo na di gumamit ng malalaking barakilan at mahabang pangsuhay na kahoy.Ang buong bubungan ay sinusuhayan ng malalaking kahoy na naligi at ng mga liston at kilo.May 4 na haligi sa kalagitnaan , na l9.2 metro ang taas .Sumasagisag iyon sa apat na panahon sa isang taon. May tig-l2 haligi sa magkabilang hanay. Ang l2 haligi sa loob ay sumasagisag sa 12 buwan sa isang taon at ang nasa labas ay sumasagisag sa l2 dibisyon ng araw at gabi. Ang templo ay itinayo sa may 3 baitang na hugis bilog na marmol na plataporma na 6 nametro ang taas. Sa tingin ay nasa matayog na kalagayan na parang naaabutan na ang ulap.

Ang Circular Mound Altar o Altar sa bilog na punsod sa gawing timog ay lugar kung saan nananalangin sa langit ang emperador tuwing araw ng winter Solstice o araw ngnpagdating ng tag-lamig.

Tinatawag itong altar para sa pagsamba sa langit. Hugis pabilog ito sa sagisag ng langit,.May 3 palapag ito Ang bilang ng mga batong nakalatag sa hagdanan sa bawat palapag at ang bilang ng mga balustrada pati ang bilang ng mga baiting ng hagdanan sa bawat palapag ay pawang miltiple ng 9 ,ibig sabuhin ay may 9 na suson ang langit . May isang malapad at makapal na bilog na bato sa kalagitnaan na trinatawag na bato ng pusod ng langit. Kung tumayo at magsalita doon,kagyat na aalingawngaw sa paligid ang malakas na tinig. Nasa gawing hilaga ng altar ang Bulwagan ngImperyal na Tugatog. Mayroon doong mga lapida ng mga ninuno ng emperador . Ang hugis bilog na konstruksyon at ang silid sa silangan at kanluran ay napapaligiran ng pader. Makinang ang loob ng pader. Kung magsalita nang malapitan sa pader,ang tinig ay lilibot sa kahabaan ng pader at maririnig ang alingawngaw,kaya tinagurian itong Echo Wall o umaalingangaw na pader. Isa ito sa mga kahanga-hangang tanawin sa Tiantan o Templo ng Langit.Nasa loob ng Xitianmen Gate ang Hall of Abstinence o Bulwagan ng Abstinensiya. Bago magsamba sa Diyos ng Langit ang emperador, maliligo muna siya dito. May dobleng bambang sa labas ng Bulwagan ng Abstinensiya .Pinapaligiran ito ng l63 paliko-likong pasilyo. Sa plataporma ay may may pabilyon ng tansong istatuwa ng pag-ayuno at pabilyon ng l2 earthly branches. Ang tansong istatuwa ay may hawak na plaka ng pag-ayuno. Ayon sa kasabihan,minolde iyon alinsunod sa emahen ng bantog na opisyal na si Weizhen ng Dinastiyang Tang. Nakasabit sa loob ng kampanaryo sa gawing hilagang silangan ang Kampanang Taihe o Supreme Harmony Bell na niyari noong panahon ni Emperador Yongle ng Dinastiyang Ming. Sa paglisan ng emperador sa bulwagan ng Abstinensiya pagkatapos magsamba sa langit ,simulang tutugtugin ang kampana hanggang dumating siya sa altar.Pagkatapos ng seremonya saka tutugtugin uli ang kampana. Ang malakas na tunog ng kampana'y lumikha ng matayog na prestihiyo sa seremonya ng pagsamba sa sinaunang ninuno.

Sumasaklaw ng mahigit 270 ektarya ang buong Templo ng Langit.. bukod sa mga nabanggit na pangunahing konstruksyon,mayroon pang mga subsidyaryong bulwagan,tulad ng tinggalan ng mga panggatong,silid bihisan, katayan ng mga hayop at kusina. Napakalaki at marangya ang ang templo na siyang pinakamalai sa mga napapanatili pang sinaunang konstruksyong may katangian ng pagsamba sa Tsina. Napatanyag ito sa daigdig dahil sa masusing pagpaplano ,katangi-tanging istruktura ng konstruksyon at kahanga-hangang palamuti ng konstruksyon. M ay mahalaga itong katayuan sa kasaysayan ng konstruksyon ng Tsina at siya ring mahalagang pamana sa sining ng konstruksyon sa daigdig.