• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-07-21 15:14:45    
Tatlong Kaharian

CRI

Ang Tatlong Kaharian o Three Kingdoms ay isang nobelang pangkasaysayan na kinatha ni Luo Guanzhong.

Isinalin ito mula sa wikang Tsino na may mga tala at epilogo ni Moss Roberts at ang paunang salita'y sinulat ni John S.Service.

Ang akdang itong inilimbag ng Foreign Language Press sa Beijing noong 1994 ay may 3 aklat at 1,690 pahina at may matigas na telang pabalat.

Una sa limang dakilang akda ng tradisyonal na kathang prosa, binagong-anyo ng may kasanayang kuwentong ito ang kasaysayan sa pagiging epiko at sa ganitong paraa'y ineduka at nilibang ang mga mambabasa sa limang dantaon ng hindi malilimutang mga halimbawa ng marsiyal at sibikong birtud, ng personal na katapatan at kataksilang pampulitika. "Ang emperyo'y tiyak na magsasama-sama pagkaraan ng mahabang panahong paghahati at tiyak na maghahati pagkaraan ng mahabang panahong pagsasama. Laging ganito ang takbo ng pangyayari." Sa pagsasalamin sa mga ritmo ng kasaysayang Tsino mismo sinimulan ang walang kamatayang kuwento ng Tatlong Kaharian o Three Kingdoms. Naging mahalaga ito sa kulturang Tsino gaya ng mga epiko ni Homer sa Kanluran. Ang ika-14 siglong obramaestra na ito'y patuloy na kinagigiliwa't binabasa hanggang ngayon sa buong Tsina. Inilalarawan sa Tatlong Kaharian ang mapagpasyang sandali sa katapusan ng Han Dynasty (206BC – AD220) nang nakalagay sa timbangan ang kinabukasan ng emperyong Tsino. Natatakot na maatake ng tatlong mapanghimagsik na estado'y nagpalabas ang emperador ng pangkagipitang panawagan ng pagsuporta. Bilang tugon, ang 3 binata — ang aristokratikong si Liu Xuande, ang puganteng si Lord Guan at ang mangkakatay ng baboy na si Zhang Fei ay nagtagpo't sumumpa para sa walang maliw na pagkakapatiran at maging matapat sa kanilang kinubkob na bansa. Ang kanilang mataimtim na pangako'y nagpakilos sa isang seryeng mga pangyayari na humantong sa wakas sa pagbagsak ng Han Dynasty. Sumulat pagkaraan ng ilang dantaon, inilarawan ni Luo Guanzhong ang madalas na binabanggit na mga kuwento sa maligalig na panahong ito para gawing isang sopistikadong kuwento ng katapatan at kataksilan, tagumpay at pagkatalo na naging katas ng lahat ng bagay na pinakamabuti'y pinakamasama sa buhay ng kanyang bansa.