• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-07-26 15:12:14    
Ang tatlong magkahelerang ilog

CRI
May tatlong magkahilerang ilog sa bangin ng nakahalang na kabundukan sa katimugan ng Talampas ng Qinghai-Tibet sahilagang kanluran ng lalawugang Yunnan. Ang tinutukoy na tatlong ilog ay ang Ilog Jinshajiang, Ilog Lancangjiang at Ilog Nujiang na pawang nagmumula sa Talampas ng Qinghai-Tibet at magkahilerang rumaragasa ng mahigit l70 kilomrto mula hilaga patimog sa loob ng lalawigang Yunnan. Bumabagtas ang tatlong ilog sa pagitan ng matatarik na Bundok Tanggulashan, Bundok Gaoligongshan, Bundok Nushan at Bundok Yunling. Lumikha ito ng kababalaghang likas na panooring pambihirang masaksihan sa daigdig na hindi nagkakasalubong ang tatlong magkahilerang ilog. 66 na kilometro ang pinakamaigsing agwat sa pagitan ng Ilog Lancangjiang at Ilog Jinshajiang at wala pang 19 na kilometro ang pinakamaigsing agwat sa pagitan ng Ilog Lanchangjiang at Ilog Nujiang.

Ang likas na tanawin ay binubuo ng tatlong nabanggit na ilog at ng mga bundok sa lambak ng tatlong ilog na iyon. Sumasaklaw iyon ng 4.1 kilometro kuwadradong lupain na siyang napakalaking kilalang matulaing pook sa daigdig na lubos na pinahahalagahan ng estado. Kabilang dito ang ang 9 na likas na proektadong purok ng lunsod Lijiang, autonomong Zhou ng nasyonalidad Tibetano ng Diqing at autonomong Zhou ng nasyonalidad Lisu ng Nujiang at 10 matulaing purok sa lalawigang Yunnan. Nasa lugar na sugpungan ng Silangang Asya, Timog Asya at talampas ng Qinghai-Tibet. Pambihirang masaksihan sa daigdig ang gayong kalagayan ng matatarik na bundok at ang ebolusyon sa purok na iyon. Isa rin itong purok na may pinakamasaganang iba't ibang klase ng bagay na may buhay sa daigdig.

Ang purok ng tatlong magkahilerang ilog ay itinuturing na geological-geomorpholigic Museum ng daigdig na may masaganang nakatagong kayamanan. Noong may 40 bilyong taon na ang nakaraan, nagkaroon ng malakas na banggaan ng malalaking bahagi ng subkontinente ng Indiya at malaking bahagi ng Eurasia. Dahil dito'y nagkaipit-ipit, nagsiksikan, nagsigitaw at nagkahiwa-hiwalay ang nakahalang na kabundukan, nagkasala-salabat ang matatarik na bundok at malalaking ilog. Sa gayo'y lumikha ng kababalaghang likas na tanawin ng tatlong magkahilerang ilog na rumaragasa ng 170 kilometro, katangi-tangi itong likas na tanawin sa daigdig.

Bumabagtas ang matatarik na bundok na natatakpan ng niyebe sa purok ng tatlong magkahilerang ilog pabago-bago ang taas mula sa kapatagan ng dagat. Mula sa mainit at tuyong lambak ng ilog Nujiang na 760 metro ang taas hanggang sa Bundok ng Wagebu na 6740 metro ang taas, nagtitipon-tipon ang mga bangin sa pagitan ng matataas na bundok,ang maniyebeng bundok at glacier, ang basang talampas,ang kagubatan at damuhan, ang tubig tabang na lawa, ang mga pambihirang hayop at mahahalagang halaman, ang lahat ng ito'y lumikha ng kababalaghang tanawin. Sa purok na ito'y may ll8 maniyebeng bundok na mahigit sa 5000 metro ang taas mula sa kapatagan ng dagat at may iba't ibang anyon. Kaagapay ng maniyebeng bundok ang tahimik na basal na kagubatan at mga nagkakalat-kalat na ilang daang nagyeyelong lawa. Natatakpan ng may ilanpong libong taon nang glacier ang tugatog ng Kawagebu, pangunahing tugatog ng maniyebeng bundok ng Meili na 6740 metro ang taas mula sa kapatagan ng dagat. Ang kumikislap at malakristal na glacier ay umuunat mula sa tugatog nito hanggang sa kagubatan ng nayong Mingyong na 2700 metro ang taas mula sa kapatagan ng dagat. Ito'y pinakamaringal at pambihirang glacier sa kasalukuyang daigdig na nasa mababang latitud at mababa sa kapatagan ng dagat at nauukol sa Ocean monnsoon climate. Sapul pa noong may ilannlibong taon na ang nakaraan, Itinuturing na ng mga mamamayang Tibetano ang maniyebeng bundok Meili na bundok ng ispiritu at kanilang ipinagbawal ang pagpasok doon ng mga mamumundok.

Sa Bundok Laojunshan ng Lijiang ay may kababalaghang tanawin ng pinakamalawak at pinakakompletong nalinang na lupain ng Danxia ng Tsina. Nakalulok ito sa malawak at luntiang basal na kagubatan, talagang napakaganda nito. May marami doong pulang malalaking bato na ang ibabaw at parang bahay ng pagong, likha iyon ng pag-agnas ng hangin. Kabilang doon ang isang burol na parang may libo-libong maliliit na pagong at nabuo iyon sa pagiging isang malaking pagong. Maayos at natural ang pagkakahilera, waring umaabante pasilangan sa lugar kung saan sumisikat ang araw.

Ang purok na kinaroroonan ng tatlong magkahilerang ilog ay tinaguriang kabang yaman ng biogene ng daigdig o pinag-angkanan ng mga bagay na may buhay. Dahil ang purok na ito'y hindi natatakpan ng contenental glacier ng ika-4 na glacial epoch at ang direksyon ng mga bundok sa purok na ito'y mula timog pahilaga, kaya ang lugar na ito'y naging pangunahing daanan at kublihan at pinagtitipunan ng mga may buhay na bagay o living things ng Eurasia mula timog pahilaga.

Bumubuo ng wala pang 0.4% ng laki ng lupain ng buong bansa ang purok na ito, pero umaabot ng mahigit 20% ng sa buong bansa ang naroroong halamang may mataas na uri at 25% ng buong bansa ang bilang ng ng uri ng mga hayop. Sa kasalukuyan may 77 klase ng pambihirang hayop na protektado ng estado ang nananahanan dito, gaya ng golden monkey, antelope, snow leopard, tigreng Bangladesh at crane. Mayroon doong 34 na klase ng halamang protektado ng estado gaya ng China fir, red bean fir.

Pagsapit ng tagsibo bawat taon, habang umiinit ang panahon at namumukadkad ang mga bulaklak, sa mala alpombrang luntiang damuhan, sa tahimik na kagubatan at sa bughaw na bughaw na pampang ng lawa saan mang dako'y tila dagat ng bulaklak. Makakakita dito ng mahigit 200 klase ng azalea, at mga isang daang klase ng ligaw na bulaklak. Kaya itinuturing ng mga botanista ang purok na kinaroroonan ng 3 magkahilerang ilog bilang likas na harden sa matarik na bundok.

Samantalang ang lugar na ito'y pinananahanan ng 16 na nasyonalidad. Pambihirang masaksihan sa daigdig ang ganitong lugar na magkasabay na napananatili ang maraming nasyonalidad, linguahe, iba't ibang relihiyon at kaugalian. Sa mula't sapul pa'y pinananabikan na ng mga siyentipiko, abenturista at turista ang purok na ito na kinaroroonan ng tatlong magkahilerang ilog. Nagbigay sila ng mataas na pagpapahalaga sa tampok na kahalagahan nito sa siyensiya, katuturan ng kagandahan at bukod tanging kultura ng mga pambansang minorya.

Ang tatlong magkahilerang ilog sa protektadong lugar ng lalawigang Yunnan ay inilakip sa talaan ng pamanang pandaigdig sa ika-27 sesyon ng komite ng pamanang pandaigdig ng UNESCO.