• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-09-15 10:46:02    
Templo ng Zhenjue

CRI
Ang Templo ng Zhenjue na malapit sa Baishiqiao ng Haidian District sa loob ng Beijing ay itinagurian ng "Museo ng mga Ukit sa Bato".

Ang Templo ng Zhenjue ay kilala sa kanyang mga ukit sa bato, lalong lalo na ang mga ukit sa panlabas na haligi ng "Buddha Pedestal" sa templo. Ang templo ay tinatagurian ding "Wuta" na ang ibig sabihin ay limang pagoda. Itinayo ang templo sa mga panahong namumuno si Emperador Yongle ng Dinastiyang Ming, mga taong 1403 hanggang 1425. Ngunit nawasak ang templo noong mga huling taon ng Dinastiyang Qing. Taong 1937 nang ipinatayo ang pader na lumilibot sa templo upang protektahan ang mga ukit sa bato na walang kapantay sa halaga.

Dahil sa dami ng mga ukit sa bato at mga tabletang bato na ibinabahay ng templo sa kasalukuyan, kinikilala rin ang templo bilang gubat ng tabletang bato o sa Ingles ay "Forest of Stone Talbelts".

May halos 2000 piraso ng mga ukit sa bato at mga tabletang bato ang nasa templo. Ngunit 500 lamang ang ipinamamahagi sa mga bumubisita. Higit-kumulang 20,000 metro kuwadrado ang laki ng lugar kung saan matatagpuan ang mga tabletang bato.

Ang mga 500 na nakatanghal ay nagmula pa sa Dinastiyang Tang nooong 618-907. Makikita rin dito ang kakaibang ukit sa bato ng nakahigang tableta na mula sa Templo ng Pusheng. Narito rin ang tabletang nagsisilbing pananda ng Guanying Gate. Matatagpuan din dito ang tabletang naglalaman ng mga kabutihan at ang mga naihayag ni Fuheng para sa Dinastiyang Qing. Matatagpuan rin dito ang mga batong bahay na nahukay mula sa mga libingan ng sinaunang panahon. Ang mga batong bahay na ito ay nagpapakita ng uri ng kontemporaryong arkitektura sa panaong iyon. Isa rin sa mga nakakaakit sa koleksyon dito ay ang kumpletong "caligraphy" ng tabletang bato na sa Buluwagan ng Jinghe.

Karamihan sa mga bumibisita sa templo ay pumaparito upang makita ang kilalang Buddha Pedestal. Ang pedestal na ito ay inihawig sa pagoda ng Buddha gaya sa India. Ang templo ng Zhenjue ay kinikilala sa kanyang kaganapan sa mga ukit sa bato. Ang pedestal ay kakaiba rin dahil sa kanyang limang pagoda. Ang limang pagoda na ito ay ng limang imahen ni Buddha sa limang direksyon.

Meron 1,561 imahen ng Budista ang nakaukit sa pedestal kung saan kasama rin sa imahen ang mga hayop tulad ng leyon, kabayo, tigre at ibong may gintong pakpak, na siyang pinaniniwalaang hayop na sumeserbisyo sa mga paglalakbay ni Buddha. Ang mga ukit sa bato ay naglalaman din ng mga wikang sanskrit, ang wika ni Buddha at wikang Tibetano. Kung gayon ito ay isang walang kapantay na mapagkukunan ng impormasyon para sa mga nagsasaliksik ukol sa lumang wika ng India at sa mga aral ni Buddha.

Isang kakaibang karanasan ang pagbisita sa templo ng Zhenjue. Ang templo ay punung-puno ng katahimikan at ipinararating ng kanyang mapayapang paligid ang ukol sa pamana ng mayamang kultura ng Tsina. isa itong lugar kung saan dinadala tayo sa lumang Tsina na may napakalaking pagkakaiba sa makabagong Beijing.