|
Tinutunghayan ng Yushan Mountain Park ang Ilog ng Lijiang sa gawing hilaga ng lunsod ng Guilin sa timog kanlurang Tsina. Nagtatampok ito sa kakaibang anyong bundok ng Yushan, nakatagong yungib at malalagong halaman. Ito ay nagsisilbing panimulang-lugar ng paglalakbay sa Guilin at lugar-sinilangan ng kultura ng Guilin.
Ang matarik na bundok ng Yushan ay may malalagong punong kahoy at matahimik na kapaligiran. Bumabagtas ang yungib mula hilaga patimog sa gawing kanluran ng bundok at ang mga tunog ng pag-ihip ng hangin sa yungib, pagpagaspas ng hangin sa mga puno sa paligid ng yungib at paglagaslas ng tubig ng Look ng Huangze ay lumilikha ng napakagandang musika. Tila sinasaliwan kayo ng sinaunang musikang Shao na pinaniniwalaang kinatha ni Emperador Shun sa sinaunang panahon ng kasaysayan ng Tsina. Ang bundok na ito ay tinatawag ding "Shundong Xunfeng", ang ibig sabihi'y Yungib ni Shun at Matamiis na Hangin. Ito ay isa sa 8 tradisyonal na matulaing pook sa Guilin.
Ang matulaing purok na nakapaligid sa Bundok ng Yushan ay may mahabang kasaysayan. Ang Templo ni Emperador Yu (o Shun) ay itinayo sa panahon ng Dinastiyang Qin (221-207 BC) bilang paggunita sa pagbisita ng emperador sa bundok na ito nang gumawa siya ng paglalakbay-suri sa katimugan ng bansa. Ang Qin Dynasty ay pinakaunang dinastiyaang pyudal sa kasaysayan ng Tsina.
Ipinagmamalaki doon ang 65 nakaukit na tabletang bato sa bundok. Ang pinakakilala sa mga tableta ay ang tableta ni Emperador Shun o Sanjue Tablet na inukitan ng inskripsyon. Ang inskripsyong ito ay kinatha ni Han Yunqing, sinulat ni Han Xiushi at inukit ni Li Yangbing sa Dinastiya ng Tang (618-907). Ang isa pa ay nasa loob ng Templo ni Emperador Yu (o Shun) kasama ng inskripsyon na sinulat-kamay ni Zhu Xi, isang bantog na pilosopo ng Dinastiya ng Timog Song (1127-1279). Ang estatwa ng Guanyin (o Diyosa ng Awa) na nasa matarik na dalisdis sa dakong silangan ng Bundok ng Yushan.
Nawalan ng pangahalina ang Bundok ng Yushan simula noong katapusan ng Dinastiya ng Qing (1644-1911) at ilang pook dito ay nawasak sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig. Noong 1996, sinimulan ng Guilin Municipal Garden Administration ang rekonstruksyon ng Yushan Mountain Park at pagkaraan ng tatlong taon, napanumbalik ang dating ganda nito.
Ipinakikita ng rekonstruksyon ng parke ang katalinuhan ng garden-landscape workers na natuto ng kapuwa Silanganin at Kanluraning gardening techniques, tradisyonal at moderno. Ang parkeng ito ay may magandang balangkas at natatanging estilo.
Hinahati ng Yushan Mountain ang parke sa dalawang bahagi: Hilagang Parke at Timog Parke. Moderno ang estilo ng Hilagang Parke na may bukal ng tubig na dumadaloy pababa sa dalisdis ng bundok kung saan may mayabong na mga punong kahoy at damo at namumukadkad na mga bulaklak. Ang kahanga-hangang Templo ni Emperador Yu sa Timog Parke ay muling itinayo. Sa loob ng templo, ang Bulwagan ni Emperador Yu ay may makinang na baldosa, dobleng sulambi at pulang haligi. Sa pader na may habang 70 metro ay isang larawang may matingkad na kulay na ipininta nang pinung-pino na nagkakarawan sa paglalakbay-suri ni Emperador Yu sa katimugan ng bansa.
Ang Wufu Pagoda ay isang kahanga-hangang pagoda na may asul na makinang na baldosa, pulang-pulang haligi at barakilan at tuktok na tinubog sa 2.88 kilogramong ginto. Ang Wufu sa Wikang Tsino ay nangangahulugang limang kasiyahan. Ang Ninth Heaven na nagtataglay ng desenyo ng magandang alapaap at arko ay binubuo ng tatlong malalaking inukitang bato. Mistulang umakyat sa kalangitan ang damdamin ng sinumang maglalakad sa ibabaw nito.
Bumubulaga sa inyo kaait saan ang magagandang tanawin sa Yushan Mountain Patk at ang bawat isa nito ay matatawag na isang maliit na parke.
|