• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-05 15:11:03    
Guho ng Kuahuqiao

CRI
Ang Kuahuqiao Ruins ay matatagpuan sa karatig ng Hangzhou, kabisera ng Lalawigan ng Zhejiang ng silangang Tsina. Maraming mahahalagang relikya ang nahukay dito. Ayon sa carbon dating ng Institute of Relics and Archaeology ng Lalawigan ng Zhejiang, ito ay pumapangalawa lamang sa Hemudu Ruins na nagmula pa noong nakaraang 7000 taon. Pero ipinakikita ng mga relikyang nahukay sa Kuahuqiao Ruins na mas maaga pa ito ng 1000 taon kaysa doon sa mga nahukay sa Hemudu Ruins. Kaya ang Kuahuqiao Ruins ang mas malamang na siyang pook-sinilangan ng sibilisasyon ng Lalawigan ng Zhejiang. Upang malutas ang palaisipang ito, nagpadala ang nabanggit na Instituto ng pangkat ng mga arkeologo sa lugar na ito.

Sa lugar na mga 750 metro ang layo mula sa timog kanluran ng Kuahuqiao Bridge ay may isang bunton na may sukat lamang na ilang daang metro kuwadrado. Ang lugar na itong mahirap na klasipikahin ay parang walang anumang halaga, pero dito nahanap ang kanilang discovery.

"Base sa mga natuklasan, ipinalalagay kong dapat lamang na hukayin natin ang tambakan ng basura ng ating mga ninuno." Bigay-diin ni Jiang Leping, puno ng pangkat at bantog na arkeologo ng Lalawigan ng Zhejiang sa Ningbo noong 1973 at opisyal na kinilala bilang pinakatandang prehistoric cultural site ng Lalawigan ng Zhejiang.

Gayunman, ipinakikita naman ng carbon dating na isinagawa ng Hangzhou based Second Institute of Ocean Studies sa ilalim ng State Ocean Bureau na ang Kuahuqiao Ruins ay nasa pagitan ng 8000 at 7000 taon na ang tanda.

"Mababago ng naturang tuklas ang kasaysayan ng Lalawigan ng Zhejiang" ayon kay Cao Jinyan, direktor ng Instituto ng Relikya at Arkeolohiya ng Lalawigan ng Zhejiang.

Ang purok sa paligid ng Kuahuqiao site ay isang latiang tinutubuan ng mga halaman, sinabi ng isang senior villager na may apelyedong Han tumira sa lugar na ilang daang metro lamang mula Kuahuqiao site.

Ipinagbubunyi ng mga arkeologo at iskolar ang Kuahuqiao Ruins bilang isa sa mga pinakaimportenteng tuklas na arkeolohikal ng lalawigang Zhejiang. Ang naturang lugar ay napahunay sa puwesto kasunod lamang ng Hemudu Ruins na nagmula pa noong nakaraang 7000 taon. Ang Hemudu Ruins ay nahukay sa Yuyao. Ang mga naninirahan sa Kuahuqiao Ruins ay mga dakilang craftsmen. Ang mga naninirahan dito ay mga bihasang mangangaso rin at marahil ay nauna sa pagpapaamo ng mga hayop.