• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-05 15:15:18    
Setyembre ika-25 hanggang Oktubre ika-1

CRI

Idinaos kahapon sa Wuxi, isang lunsod sa lalawigang Jiangsu sa silangan ng Tsina, ang kauna-unahang pangkaibigang pagtatagpo ng mga kabataan ng ASEAN, Tsina, Hapon at T. Korea at mahigit 130 kabataang lider, mangangalakal at iskolar na galing sa nasabing mga bansa ang lumahok sa aktibidad na ito. Sa panahon ng aktibidad, nakatakdang magpalitan ang mga kabataang lider sa ilalim ng temang "pagapapalakas ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at pagpapasulong ng komong pag-unlad", at nakatakdang talakayin ng mga kabataang iskolar ang hinggil sa kinabukasan ng kooperasyon ng ASEAN, Tsina, T.Korea at Hapon samantalang nakatakdang isagawa ng mga kabataang entrepreneur ang pag-uusap hinggil sa mga proyekto.

Narating sa Chongqing, isang munisipalidad na nasa ilalim ng tuwirang pamamahala ng Pamahalaang Sentral sa kanlurang Tsina kahapon ang kasunduan hinggil sa pinakamalaking kaso ng paglilipat ng karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip o IPR at production line ng koste. Ililipat sa Biyetnam ng isang bahay-kalakal sa Chongqing ang IPR ng koste na nakakahalaga ng 0.4 bilyon RMB.

Sa magkakahiwalay na okasyon, ang working group ng Tsina na namamahala sa insidente ng "Fuyuan 123" ay nakipagtagpo sa Jakarta kahapon sa ministring panlabas, headquarter ng hukbong-dagat at mga opisyal ng plota sa gawing silangan ng Indonesia para muling magharap ng solemnang representasyon kaugnay ng insidente ng pagputok ng hukbong-dagat ng Indonesia sa fishing boat ng Tsina. Ang naturang grupong binubuo ng mga opisyal ng ministring panlabas, ministri ng agrikultura at mga may kinalamang lalawigan at lunsod ng Tsina ay humiling sa panig Indones na imbestigahan ang naturang insidente sa lalong madaling panahon at pagkalooban ng impormasyon ang panig Tsino at puspusang iligtas ang mga nasugatang Tsino. Ipinahayag naman ng panig Indones na ito ay isang nakalulungkot na pangyayari at nakahanda itong makipagtulungan sa panig Tsino para maayos na mahawakan ang insidenteng ito sa lalong madaling panahon.

Ipinatalastas ngayong araw sa Beijing ng China International Travel Service na mula ika-8 hanggang ika-19 ng susunod na buwan, maglalakbay ang isang 7000-taong grupong turista ng Tsina sa Thailand. Ito ay pinakamalaking grupong turista ng Tsina sa ibang bansa sa kasaysayan.