• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-06 20:55:46    
Kapistahan ng Duanwu

CRI
Pagpasok ng Hunyo, matatagpuan natin ang ating mga sarili na nasa kalagitnaan ng taon. Pero sa Chinese Lunar Calendar, ito ay ikalimang buwan pa lamang at ang mga Tsino ay naghahanda para ipagdiwang ang isa pang pistang tradisyonal--ang Duanwu Festival.

Natatapat ang Duanwu Festival sa ikalima ng ikalimang buwan ng Chinese Lunar Calendar. Nitong libu-libong taong nakalipas, ang laging nagsisilbing tanda ng Duanwu ay ang pagkain ng Zongzi, isang hugis-pyramid o reed para makapagbigay ng ekstrang lasa, ang iba't ibang lugar ng Tsina ay may iba't ibang ring paraan ng paghahanda ng Zongzi sa Hilagang Tsina, sa dahilang maraming dates sa rehiyong ito. Ang Jiaxing Country sa silangang Tsina ay kilala naman sa may lamang karneng Zongzi. At sa Guangdong Province sa Timog Tsina naman, nilalagyan ng mga tao ang Zongzi ng karneng baboy, hamon, kastanyas at ibang mga sangkap, para mapasarap ang lasa. Sa Sichuan Province, karaniwang isinisilbi ang Zongzi na kasama ang pampalasang asukal. Sinusunod pa ng karamihan ng mga tao ang tradisyon ng pagkain ng Zongzi tuwing araw ng Duanwu. Gayunman, naging napakapupular na ang espesyal na kakaning ito kaya mabibili ito kahit kailan sa buong taon.

Nakilala rin ang Duanwu bilang Dragon Boat Festival. Sa dahilang ang pagkakarerahan ng mga dragon boat ay ang pinakapopular na aktibidad sa pistang ito, lalo na sa Timog Tsina. May hugis-dragon ang boat na pinipintahan ng pula, puti, dilaw at itim. Ito ay may karaniwang habang 20-40 metro at nangangailangan ng ilang dosenang taga-sagwan. Sinasagwan ito sa saliw ng tunog ng tambol, samantalang winawagayway ang isang maliit na bandera ng kapitan na nakatayo sa unahan ng bangka upang koordinahin ang pagsasagwan. Bago simulan ang pagkakarerehan, ang isang marangyang seremonya ay idinaraos bilang pagsamba sa Dragon King.

Talagang isang magandang panoorin ang pagkakarerehan ng dragon boat kung saan tinutugtog ang mga tambol, iwinawagayway ang mga bandera at nagsisigawan ang libu-libong tao sa magkabilang pampang ng ilog. Ngayon, ito'y naging isang popular na uri ng isport sa Timog Tsina. Taun-tao'y idinaraos ang pandaigdig na pagkakarerehan ng dragon boat sa Guangzhou at Hongkong.

Noo'y may iba pang mga kawili-wiling kaugalian ang Duanwu Festival, pero hindi na sinusunod ngayon ang mga ito. Pero, makikita ninyong sinusunod pa ang mga ito sa mga rehiyong rural.