Tradisyonal na rituwal ng mga Tu ang pag-aalok ng alak sa kanilang mga bisita. Kung may inaasahan silang darating na bisita, maaga pa ay inihahanda na nila ang mga gamit sa paginom ng alak at hinihintay nila ang bisita sa labas ng village. Sa ano pa mang paraan dumating ang bisita-ke naglakad, nangabayo o sumakay sa kariton, hinahandugan siya ng tatlong kopita ng alak sa napakagalang na paraan. Tinatawag ito ng mga Tu na "xia ma Jiu", o alak sa pagbaba sa kabayo. Pagkatapos, inihahatid nila ang bisita sa kanilang bahay. Dito meron ding isang grupo ng mga tao na nakatayo sa harapan ng pinto upang mag-alok din ng alak sa bisita. Ito ang Jin Men Jiu, o alak para sa pagpasok sa bahay. Pag-upo ng bisita sa ibabaw ng kama na kung tawagin nila ay kang na ang pinaka-bedspread ay pulang felt blanket, isang magandang babae na may hawak ng isang mangkok ng alak an glalapoit sa kaniya. Ito ay tinatawag na Ji Xiang Ru Yi Jiu, o mapalad na alak. Pagkatapos nito, atsaka lamang maghahandog sa bisita ng mag pagkaing tulad ng karne ng tupa, noodles, milk tea, at iba pa. Siyembre mayroon ding nakahangda riong isang palayok ng alak. Seguro akla niniyo dito ito natatapos. Hindi. Bago umalis ang bisita, maghahandog ang may-bahay ng tatlong pang kopita ng alak na siyang dapat sa kaniya, at ito'y tinatawag na Shang Ma Jiu o alak sa pagsakay sa kabayo.
Itinuturing ng mga mamamayang Tu na ang pag-inom ng mga maraming alak ng bisita ay karangalan ng may-bahay at sagisag ng kaniyang matagumpay at maasikasong apgtanggap sa bisita. Pero, may konsiderayon din naman ang mga Tu sa mga bisitang hindi marunong uminom ng alak. Isasaw-saw lang niya ang tatlong niyang daliri sa alak, at pagkatapos pipitik sa hanggin para ipakit ang kaniyang pag-galang sa may-bahay. Ikinasisiya na ito ng may- bahay.
Ang Tu nationality ay isang masipag na nasyonalidad at alam nila kung papaano ikalugod ang buhay. Ang ika-12 ng Hulyo hanggang ika-15 ng Seterbre bawa't taon, lunar year, ay tradisyonal na pistang Nadun ng mga Tu. Ang Nadun, sa linguheng Tu ay nanganghulugan ng palaro o kasiyahan. Araw-araw hanggang sa matapos ang dalawang buwan, nagdaraos ang mga Tu ng sayawan at nagpapalabas bilang pagdiriwang sa pista. Kaya nga ang pistang ito ng Nadun ay tinawag ng ilang tao na "pinakamahabang carnival sa daigdig". Ang proseso ng carnival ay ganito. Hawak ang mga makukulay na bandila at nagtatambol at nagpapatunog ng gong, nagmamartsa papunta sa labas ng village sa threshing floor ang mga lalaki sa village. Pagdating sa threshing floor at sa pamumuno ng mga matatanda na siyang karaniwnag organizer ng Nadun, ang mga apatnapu hang limampu sa mga ito ay nagsisimulang magsayaw ng ilampung tunog ng tambol. Simple lang ang kanilang "dance movement", pero dahil sa saliw ng ritmikong tunog ng tambol at gong, nagmumukhang napakaganda ng sayaw dahil sa "regular pace" at koordinadong lukso. Bukod rito, ang mga nagsasayaw na tindawag ng Hui Shou ay binibigyan ng alak ng mga natutuwang taong nakapaligid sa kanila para dagdagan ang sayanwan ng masayang atmosphere.
Hindi pa rin dito nagtatapos ang lahat. Pagkatapos ng sayawan, nagsisimula na ang mga repertoire. Ang karamihan sa mga ito ay adoptions mula sa mga kabanata ng The Three Kingdoms, isa sa apat na tanyag ng classic works ng Tsina. Sa halip ng pagpinta sa mukha para sa pagganap ng isang papel tulad ng ginagawa sa Peking Opera, ang amg Tu ay nagmamaskara. Kaya mga kadakasan pag-inalis ng mga actor ang maskara, nagtataka nang labis ang mga manonood kapag natuklasan nilang isang matanda pala ang gumanap ng papel, at pinasasalubngan nila ito ng masigabong palakpakan. Sa kalahatan, sinasalamin ng piyesta ng Nadum ang optimistikong pananaw sa buhay ng Tu Nationality.
|