• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-06 21:06:06    
Ano ang mga tradisyonal na etikong Tsino?

CRI
Base sa kanilang pagkakaintindi sa relasyon ng tao at kalikasan at kanilang mga gawaing agrikultural, ang mga Tsino noong araw ay nagtataglay ng 2 pundamental na konsepto: armonya at kaayusan. Mahalaga ang armonya kasi nga ang tao ay kinakailangang laging kumukumporma sa kalikasan at esensyal naman sa agrikultura ang kooperasyon. Gaya ng sinabi ni Confucious, ang isang maginoo ay may armonya sa maraming tao pero hindi nawawala ang kanyang "identity", samantalang ang hindi maginoo ay identified lamang sa maraming tao pero mala siyang armonya sa mga ito. Ang armonya, ayon kay Confucious, ay ang pinakamahalaga.

Ang armonya ay posible, datapwa't, sa kondisyon lamang ng pagsunod sa batas ng kalikasan. Samakatwid, imperatibo dito ang ayusan. Sa "social terms", ang kaayusan ay nangangahulugan ng stratipikasyon, institusyon, batas at "moral norms" na gumagabay sa rela-relasyon ng mga tao.Base sa nabanggit na unawa ang etikong Tsino. Sa sstemang ito, ang pamilya ay ang "basic unit of Society" at ang dugo ay ang matibay na bigkis ng pagka-kamang-anak. Sa lahat ng mga ralasyong pantao, ang pinaka-esensyal ay ang sa pagitan ng mga magulang at mga anak na lalaki. Diyan na-develop ang konseptong "limang etiko". Ang "limang etiko" ay mga moral na prinsipyong gumagabay sa 5 pangunahing relasyon: relasyon sa pagitan ng hari o renya at mga mamammayan; ng ama at mga anak na lalaki; ng lalaki at kanyang may-bahay; ng matanda at bata, at sa pagitan ng mga kaibigan. Itinuturing pa ring mabisa ang taksonomyang ito sa pagkakabilang ng pangunahing relasyong pantao.

Ayon sa katuruan ni Confucious, ang relasyon sa pagitan ng ama at anak na lalaki ay pagka-kamag-anak; sa pagitan ng hari o renya at mga mamamayan, karapatan; sa pagitan ng mga lalaki at kanilang mga asawa, dibisyon ng tungkulin at karapatan; sa pagitan ng mga matanda at bata, kaayusan; sa pagitan ng mga kaibigan, katapatan.

Sa paglipas ng panahon, pinaniniwalaang ang "limang etiko" ang bumubuo ng pundasyon ng may-armonyang pamilya, komunidad, grupo, estado at lipunan.

Ginagampanan ng "Chinese ethics" ang pangunahing papel sa pananatili ng pagkakaisa ng Tsina sa loob ng mahabang panahon. Bukod dito, ang mga etikong ito ay ang pinanggalingan din ng maraming pambansang bayani na nagpakitang-halimbawa ng virtues na "Mabahala bago mabahala ang iba; at magalak matapos na magalak ang iba." at "Kailanma'y hindi susuko sa kalabang lakas, o ma-co-corrupt ng kayumanan o kapangyarihan."