• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-10 20:50:52    
Oktubre ika-2 hanggang ika-8

CRI
Idinaos noong Biyernes sa Bangkok ni Suwat Liptapallop, pangalawang PM ng Tailand ang isang news briefing para welkamin ang 7000 kataong delegasyong panturista ng Tsina na magkakasunod na dumating sa Tailand mula ngayong araw. Sinabi ni Suwat na ito ay pinakamalaking delegasyong panturista na natanggap ng Tailand sa kasaysayan, at tiyak na mapapasulong nang malaki ang kabuhayang panturista ng Tailand pagkaraan ng tsunami. Aniya pa, may mahabang kasaysayan ang pagkakaibigan ng Tsina at Tailand, espesyal na nitong nakalipas na ilang taon, madalas na ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa pulitika at ekonomiya at matatag pa't lumalaki ang kalakalan ng dalawang bansa. Ayon sa pagtasa ng sektor ng turismo ng Tailand, aabot sa halos 5 milyong dolyares ang direktang o di-direktang kita na dulot ng nasabing delegasyon sa kabuhayang panturista ng Tailand. Bukod dito, mag-aabuloy ng pondo ang pasimuno ng delegasyong panturista sa mga ampunan sa purok na sinalanta ng tsunami sa timog na Tailand.

Pagkatapos ng teroristikong insidente ng pagsabog sa Bali ng Indonesya, ipinahayag Martes ng pamahalaan ng Pilipinas na agarang palalakasin ang pagmamatyag na panseguridad at paghahanda laban sa terorismo ng estado para mapigil ang pagganap ng ganitong insidente sa Pilipinas. Sa isang news biefing na idinaos nang araw rin iyon, sinabi ni kalihim Angelo Reyes ng mga suliraning panloob ng Pilipinas na lumampas na ang mga terorista ay naging pinakapangunahing banta sa katiwasayan ng estado, na mas mapanganib ito sa mga separatista, rebelde at iba't ibang kriminal. Bukod dito, sa paghimok ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas, pinagtibay nang araw rin iyon ng mababang kapulungan ang mga kinauukulang batas laban sa terorismo na kauna-unahang ipinaliwanag nang sistematiko ang depinasyon at 11 porma ng aktibidad ng terorismo.

Nilagdaan Lunes sa Putrajaya, sentrong administrabo ng Malaysiya , ng pamahalaan ng Malaysiya at Uzbekistan ang 6 na dokumento para palakasin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga larangan ng paglaban sa terorismo, serbisyo ng abiyasyon, turismo, paggalugad ng enerhiya ng pamimina at iba pa. Sa kanyang magkasanib na pahayag na ipinalabas nang araw rin iyon, inulit ng dalawang panig na magkakaroon ang Malaysiya at Uzbekistan ng pagtutulungan sa mga larangan ng paglaban sa terorismo ?ekstrimista? pagpupuslit ng droga? organisadong krimeng transnasyonal at iba pa.

Di-pormal na nagtagpo Lunes sa Bali, Indonesya, sina pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesya at PM Lee Hsien Loong ng Singapore. Sinang-ayunan ng dalawang panig na lalo pang palakasin ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa, at palakasin ang kanilang pagtutulungan sa larangan ng tanggulan, paglaban sa terorismo, kabuhyan't kalakalan at iba pa. Ayon sa ulat ng "Lianhe Zaobao", ipinasiya ng mga lider ng dalawang bansa na pasimulan ang talastasan hinggil sa paglalagda ng bilateral na kasunduaan ng kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa at ang kasunduang ito ay kinabibilangan ng kooperasyon sa paglaban sa terorismo.