• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-11 20:31:03    
Makata, alak at bulaklak

CRI
Para sa mga sinaunang Greeks, ang alak mismo ay nakakalasing. Pero sa mga sinaunang Tsino, ang alak mismo ay hindi sapat. Nalalaman ng iyong mga may malalimang pagka-unawa sa kausaliang klturang Tsino na dapat isama ang mga bulaklak sa alak para mapatingkad nang lubos ang papel ng huli. Naiwan ng mga kilalang sinaunang makatang Tsino ang mayamang pamana ng mga tula, na nagsisilbing saksi sa perpektong kombinasyon ng alak at bulaklak. Ang masarap na alak, nakaaantig-damdaming tula at namumukadkad na bulaklak ay ang tatlong di-mawawalang bagay para sa mga tradisyunal na intelektuwal na Tsino.

Pag napainit na ang mga makata ng alak, pumupukaw ang mga bulaklak ng kanilang katalinuhan at imahinasyon at tuluy-tuloy na ibinubukal parang bumubulbok na batis ang mga mapakagandang taludtod. Di-pangkaraniwan para sa isang sinaunang makata na sa kanilang tula ay walang taludtod hinggil sa mga bulaklak. Para sa mga makata, ang alak at bulaklak ay ipahayag nila ng simbuyong damdamin.

Ang mga konserbatibong makata, na nalasing sa perpektong kombinasyon, ay may tendensyang gawin ang maganda at di-kombensyunal na komparasyon sa kanilang tula ng bulaklak tungkol sa pagmamahal, romansa o kahit na pagkapoot. Si Li Bai o Li Bo, pinakamatalinong makata ng Tang Dynasty, ay kinilala bilang Bathala ng Alak dahil bilang siya sa alak,at kadalasan ay hindi makakapigil siya sa kanyang sariling humabi ng mga tula pagkainom ng alak. Samantala, itinuturing din siyang God of Peony dahil sa kanyang mga magagandang tula tungkol sa bulaklak na ito.

Minsan, hiniling daw ni Emperador Xuanzong kay Li Bai na makisama sa kanya at paborito niyang kalunya na si Yang Yuhuan sa isang bangketeng idinaos sa peony season. Habang umiinom ng alak na kasama ng minamahal niyang babae at nag-eenjoy ng magandang tanawin ng namumukadkarang peony, nadarama ng emperador na hindi mabuti kung aawit ang bandang imperiyal ng mga lumang tula, kaya hiniling niya kay Li Bai na kumatha ng tatlong bagong tula at hindi binigo ang emperador ng henyong ito ng tula. Si Li Bai, na nagkalango na bahagya, ay gumawa ng kakaibang may tugmang tula na inihahambing niya ang kariktan ng kalunya ng emperador sa mga magagandang peony, bagay na hindi lamang ikinasiya ng emperador at kanyang kalunya, kundi nagpakita rin ng kanyang katalinuhang pampanitikan. Lubos na natuwa ang emperador kaya inutusan niya ang imperyal na banda na maglapat ng tugtugin sa mga tulang iyon, at siya mismo ay tumugtog sa kanyang plautang jade.

Ang panonood sa bulaklak nang kawalan ng alak ay nakaaantok samantalang ang pag-iinom ng alak nang kawalan ng bulaklak ay nagpapabigat ng mga talukap ng mata. Ganito ang sinasabi ng isang sinaunang salawikaing Tsino. Bagama't labis ito marahil, sinasalamin nitong kung gaanong nag-eenjoy ang mga tao ng bulaklak at alak, mga pamilyang royal man o mga ordinaryo.