• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-12 23:07:42    
Bagong kababaihan ng Tibet

CRI
Ang mga babaeng pulis trapiko ay isa lamang sa mga Tibetano nang aktibo sa lahat ng uri ng pamumuhay sa Tibet. Ayon kay Tseringjik, babaeng tagapangulo ng Pederasyon ng Kababaihan ng Rehiyong Autonomo ng Tibet, ang kababaihan ng Tibet ay gumaganpa ng pahalaga nang pahalagang papel sa konstruksyong pang-ekonomiya, pampulitika at sa larangan ng kultura't edukasyon ng Tibet. Ito ay malayung-malayo sa lumang Tibet kung kailan ipinalalagay sa kalahatan na hindi dapat talakayin ninuman sa isang babae ang tungko sa mga suliraning pang-estado at ang mga alipin at babae ay hindi pinahintulutanng makilahok sa mga suliraning pang-militar at pampulitika.

Ang lumang Tibet ay isang piyudal na lipunang busabos kung saan hindi magkahiwalay ang relihiyon at pulitika. Ang kalupitan nito'y walang iniwan doon sa panahon ng Middle Ages ng Europa. Sa mga batas ng lumang Tibet na umiral nang daan-daang taon, ang mga Tibetano'y nahahati sa 3 antas na may siyam na uri lahat lahat at ang kababaihan ang nasa pinakamababang antas. Ang mga nasa pinakamababang katayuan ay ang mga babaeng busabus at alipin na ipinalalagay na binubuo ng 95% kababaihan ng Tibet noong panahong iyon. Wala silang karapatan sa pamumuhay at pansariling kalayaan at lalo naman sa pagtanggap ng edukasyon o paglahok sa pulitika. Pinakikitunguhan sila nang masama sa lipunan, sa loob ng kanilang pamilya at sa kanilang pananampalataya.

Ang katayuan ng kababaihan ng Tibet ay nagsimulang bumuti pagkaraan ng demokratikong reporma noong 1959. mula noo'y natamo nila ang pagkakapantay-pantay nila ng kalalakihan sa pulitika, ekonomiya, kultura, lipunan at pamilya. Ang mga karapatan ng kababaihan ng Tibet ay buong linaw na ipinaliwanag sa mga batas at reglamentong iprinoklama ng mga pamahalaang Sentral at rehiyonal. Sapul noong 1965, ang Kongresong Bayan at Pamahalaan ng Rehiyong Autonomo ng Tibet ay lumikha ng mahigit 10 kautusan at batas para sa pangangalaga sa lehitimong mga karapatan at kapakanan ng kababaihan.

Kasabasy ng pagbuti ng demokratikong pulitika, ang pakikilahok ng kababaihan sa mga suliraning pampulitika ng Tibet ay kapuna-punang lumawak at lumalim. Hanggang noong katapusan ng 1999, ang mga kadreng babae ay 31% ng buong kadre sa Tibet. Noong taon ding iyon, ang mga estudyanteng babae sa kolehiyo ay 1342, ito'y 38.93% sa buong rehiyon at ang proporsiyon ng enrolment ng mga batang babaeng nasa gulang para pumasok sa paaralan ay umabot sa 71.32%. Sinabi pa ni Tseringjik, sa pamamagitan ng pagpapabuti sa kanilang sarili at pagpapalaki ng kita, ang katayuan ng kababaihan sa kanilang buhay bilang may-asawa at sa kanilang pamilya ay tumaas at ang kanilang mga karapatan at kapakanan ay mas higit na naprotektahan.

Maraming babae ang lumabas na matagumpay sa kanilang propesyon tulad nina Phentok, ang kauna-uanhang babaeng umakyat ng Everest; Dazhen, isa sa sampung pinakamahusay na guro sa elementarya sa buong bansa at Degyi Dolkar, isa sa unang grupo ng mga doktor na babae sa Tibet.