Ang Chongyang Festival ay natatapat sa ika-9 araw ng ika-9 na buwan ng Chinese Lunar Calendar, kaya kilala rin ito bilang Double Ninth Festival. Nababatay ang pistang ito sa Teory ng Yin at Yang, ang magkasalungat na prinsipyo sa kalikasan. Ang Yin ay tumutukoy sa kasarian ng babae at negatibng prinsipyo, samantalang ang Yang ay sa lalaki at positibo. Naniniwala ang mga tao noong araw na naipapaliwanag ng teoryang ito ang lahat ng likas na penomena. Maging ang mga numero ay may kaugnayan sa teoryang ito. Ang mga even number ay Yin at mga odd number ay Yang. Ang ika-9 na araw ng ika-9 na buwan ay ang araw kung kailan nagkikita ang dalawang numero ng Yang. Kaya tinatawag itong Chongyang. Sa wikang Tsino, ang "Chong" ay nangangahulugan ng doble. Naging isa nang mahalagang pestibal ang Chongyang sapul pa noong sinaunang panahon.
Ipinagdiriwang ang pistang ito sa malagintong panahon ng autumn at tag-ani. Bagay na bagay ang maliwanag at magandang panahon at ang kaligayahan ng paghahatid ng ani sa masayang atmosperang pampista. Tamang-tama ang Double-Ninth Festival sa mga aktibidad sa labas ng bahay. Nag-hi-hiking at nag-ma-mountain climbing ang marami upang ma-enjoy pa ang huling pamumutok ng kulay ng Mother Nature bago nila isuot ang kanilang mapusyaw na balabal na pantaglamig. Ang iba naman ay nagdadala pa ng maliit na sanga ng dogwood.
Ang dogwood ay isang klase ng halaman na may natinding bango, at madalas itong ginagamit bilang damong-gamot sa Tsina. Naniniwala ang mga tao noong araw na nakapagpaaptaboy ito sa mga masamang espiritu at nakakatulong para maiwasan ang panginginig sa huling dako ng autumn. Kaya, ang kasaysayan ng dogwood bilang medisina ay maraming siglo na ang haba. Pero hindi na sinunod ang kaugalian ng pagdadala ng maliit na sanga ng dogwood tuwing Double-Ninth Festival, at hindi alam ng maraming tao, lalo na ng mga kabataan sa mga lunsod, ang itsura ng "dogwood spray".
Samantalang naglaho na ang tradisyon ng pagdadala ng dogwood, ang kaugalian ng pag-akyat sa bundok ay lalo namang tumingkad. Sa Western Han Dynasty, mga 2000 taon na ang nakalipas, naging kaugailan na ng mga tao na umakyat sa isang mataas na platform sa labas ng kabiserang Chang'an tuwing Chongyang Festival na itinuring ng marami na huling okasyon para sa eskursyon sa isang taon bago dumating ang taglamig. Ang tradisyong ito ang pinanggalingan ng mountain-climbing activity ngayon sa Chongyang Festival. Sa pamamagitan ng pag-akyat sa mga bundok, hindi lamang nakapag-eehersisyo ang mga tao kundi nakasiyahan pa nila ang magagandang tanawin ng taglagas. Pero, ano ang magagawa ng mga nakatira sa kapatagan kung saan ay walang bundok? Natulas na ng mga tao ang problemang ito sa pamamagitan ng pagpipiknik at pagkain ng cake. Ang "Gao" ay ang Chinese word para sa cake, isang homonym ng salitang "mataas" sa Chinese. Mataas ang mga bundok, kaya sa paggamit ng imahinasyon, ang pagkain ng cake ay tumatayong kahalili ng pag-akyat sa bundok.
Sa dahilang ang "siyam" ay ang pinakamataas na "odd digit", pinagsama ng mga tao ang dalawang "siyam" upang isagisag sa kahabaan ng buhay. Kaya, naging isang espesyal na araw ang ika-9 na araw ng ika-9 na buwan bilang pagbibigay galang ng mga tao sa katandaan o elderly at isa ring araw para sa pagsasaya ng katandaan. Idineklara pa ng pamahalaang Tsino ang araw na ito na pambansang araw para sa mga kantandaan.
|