• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-25 22:52:03    
Leon, simbolo ng kapangyarihan sa kulturang Tsino

CRI
Ang halos lahat ng bansa ay gumagamit ng isang uri ng hayop bilang pagsisimbolo sa isa o iba pang bagay. Ang mga Amerikano, halimbawa, ay gumagamit ng aglia bilang sagisag ng kalayaan at kapangyarihan. Sa Tsina naman, maraming mga hayop ang binigyan ng masimbolikong kahulugan. Ang maalamat na dragon ay ginamit ng mga emperador para kumatawan sa kanilang kataas-taasang kapangyarihan. Ang crane ay sumasagisag sa mahabang buhay, ang mandarin ducks sa pagmamahal at katapatan, at ang uwak naman sa masamang kapalaran. Pero ano ang isinasagisag ng leon?

Sa Tsina, itinuturing ang leon na hari ng kagubatan at ng ibang mga hayop. Matagal din itong ginagamit bilang simbolo ng kapangyarihan at lakas. Pinaniniwalaan pa nga ito na nakapagbibigay daw ng proteksyon laban sa mga masamang espiritu. Ito ang dahilan kung bakit inilagay ang mga kahanga-hangang istatuwa ng leon sa mga tarangkahan ng palasyong imperyal, "official residences", templo at libingan. At madalas na dinidekorasyunan din ang mga incense burners at mga pantatak ng palasyo ng mga inukit na leon.

Sa katotohanan, katulad ng mga imahe ng dragon, makikita ang mga inukit na leon halos sa lahat ng dako sa Tsina. Ang pinakakilalang inukit na leon ay ang isang pares na gumaguwardiya sa Tian'anmen, ang pangunahing pasukan sa Forbidden City. Ang dalawang marble lions na ito, na ilang metro ang taas, ay maringal na nakatayo sa pedestal nito sa loob ng nagdaang 500 taon. Madalas gusto ng mga bisita sa Beijing na magpakuha ng litrato kasama ang mga kilalang landmarks ng lunsod na ito.

Makikita rin ang mga leon sa Potala Palace sa Tibet, kahit na ang mga leon doon ay hindi kapareho ng mga nasa ibang pook ng Tsina. Ang pinakamalaking leon ay iyong yari sa bakal na makikita sa Cangzhou, Hebei Province. Mahigit limang metro ang taas at 49 tonelada ang bigat, ang leong ito ay iminolde noong ika-10 siglo.

Siya nga pala, hindi lamang nagbabantay sa tarangkahan ang mga leong Tsino. Madalas itinatampok din sa mga tulay ang kanilang mga iskultura. Ang balustrades ng the 17-Arch Bridge sa Summer Palace sa Beijing, halimbawa, ay nadidikorasyunan ng 120 magkakaibang marble lions.

Ang iba ay mukhang nakakasuklam, ang iba naman ay parang titig-na-tinig sa lawa. Ang mga babaeng leon naman ay may mga masasayang anak na nakahilata o nakasungaw mula sa pagkakayakap ng kanilang nanay.