|
Sa sentral Tsina, meroong mountain ranges na tinatawag na Qilianshan. Sa pinakapusod ng primeval forest ng bundok na ito makikita ninyo ang di-mabilang na mahahalagang hayop at halaman, at gayundin naman ang masaganang mineral resources, kaya dito, tanyag na tanyag ang mga bagay na gawa sa jade na likha ng Nasyonalidad ng Yugur.
Mga 15 libong mamamayang Yugur ang naninirahan ngayon sa kahilagaan ng Qilianshan mountain ranges. Mahigit sa 90% ng lahing ito ay namamalagi sa Sunan Autonomous Prefecture ng Nasyonalidad ng Yugur ng Probinsyang Gansu.
Ayon sa mga libro ng kasaysayan, unang dumating sa lugar na ito ang ninuno ng mga Yugur noong ika-9 na siglo. Ang pangunahing hanapbuhay ng nasyonalidad na ito na nananampalataya sa Lamaism ay pag-aalaga ng hayop.
Talagang laganap sa rehiyon ng Nasyonalidad ng Yugur ang maraming masiglang kuwento at alamat, narito pa ang isang halimbawa, "ang puting sisne at harap ng sisne", ganito ang kuwento:
Ang sabi, noon daw sinaunang panahon, walang musical instrument ang Nasyonalidad ng Yugur. Meroong isang batang lalaki na nag-aalaga ng mga hayop para sa puno ng tribo, Bie Er Ke ang pangalan niya. Siyempre, mahusay siayng kumanta, at nakakalimutan ng mga tao ang kahirapan sa pakikinig sa kanyang pag-awit. Maging ang mga magagandagn putting sisne ay naaakit sa kaniyang tinig kapag kumakanta siya sa tabi ng lawa, ang isa sa mga sisneng ito ay lumalapit sa kaniya para sumayaw. Pero, isang umaga, noong kumakanta siya sa tabi ng lawa, hindi lumitaw ang sisneng ito. Sandali lang, natuklasan niyang pinatay ito ng mga agila, at nagmistula itong kalansay. Malungkot si Bei Er Ke, dinala niya pauwi ang mga labi para sunugin. Laking gulat niya isang araw nang matuklasan niyang naging isang harp ang kanyang sinunog. Napakaganda ng tunog ng harp, at dinadala niya ito kahit saan siya nagpunta. Pagkalipas ng ilang araw, bumalik siya sa lawa noong maalala niya ang sisne at tinugtog niya ang harap. Isang engkantada ang lumipad papunta sa tabi niya mula sa himpapawid at nakinig sa kanyang pagtugtug. Simula noon, madalas nang nakikita ang 2 na sakay ng isang kabayo at lumilitaw sa mga lugar ng Qilianshan.
Sa katunayan, ipinapahayag din ng kuwentong ito ang hangarin ng mga Yugur para sa masayang buhay, at sino ang makakapagsabi na hindi tio sagisag ng unyielding spriit ng isang nasyonalidad. Sana maging mas maganda ang kinabukasan ng Nasyonalidad ng Yugur.
|